Pagkatapos na magtanong ng binata ay humalukipkip ang kamay at tumaas ang isang kilay ng dalaga.
"Hindi lang type, type na type kita. Bilang kaibigan, kapatid, kapamilya, kasambahay, kapuso." At biglang tinapik sa noo ng binata ang dalaga. At nagtawanan sila.
Pagkatapos nilang mag-iikot ikot ay bumili ng makakain ang binata. Samantalang ang dalaga ay naupo sa may hagdanan na may mga tao din na nakaupo at nagpapahinga.
Isa na rin doon sa nagpapahinga ay ang lalaking bumili ng mga prutas kanina sa dalaga.
Maya-maya lamang ay dumating na ang binata na may dalang makakain at maiinom. At naupo sa tabi ng dalaga ang binata. At iniabot ang shawarma at buko juice sa dalaga.
Pagkatapos nilang kumain ay nagtanong muli ang binata sa dalaga.
"Hanggang ngayon ba ay katabi mo pa ring matulog ang stuff toy mo?" Tanong ng binata.
"Oo naman di kasi ako makatulog kung di ko kayakap yun." Sagot naman ng dalaga. At may kinuha sa bulsa ang binata na isang maliit na teddy bear. Inilagay ng binata sa sling bag na suot ng dalaga ang palawit.
Natuwa ang dalaga nang makita at mahawakan ang palawit. Pinisil-pisil ng dalaga ang nasabing palawit.
"Ang cute naman at ang lambot. Ang sarap pisilin." Nakangiting ani ng dalaga. "Salamat."
"Tessa". Mahinang tawag ng binata at nilingon sya ng dalaga.
"Masaya ka ba? Hindi ka ba nahihirapan sa buhay mo?" Seryosong tanong ng binata.
Naramdaman ng dalaga na parang may dinadalang problema ang binata.
"Ano bang tanong yan?" Balik tanong ng dalaga. Ngunit hindi kumibo ang binata.
"Tumingin ka sa paligid mo. Mayaman at mahirap may kanya-kanyang problemang pinagdadaanan. Kung lahat tayo mayaman di na natin kailangan ang isa't-isa. Kung ang pusa't ibon nakakakain kahit hindi naman nagsisipagtrabaho. Tayo pa bang tao na may isip at lakas. Basta huwag tayong mawawalan ng pag-asa." Pagpapalakas loob ng dalaga sa kaibigan.
"May tanong ako sa'yo." Pag-iiba nang usap ng dalaga.
"Di ba nagtatanim kayo ng mga gulay at ng kung anu-ano pa sa bundok?" Tanong ng dalaga at tumango lang ang binata.
"Bakit ang ampalaya pag itinanim mo sa lupa at kinain mo mapait? Yun namang tubo pag itinanim mo din sa lupang yaon matamis naman kapag pinangos mo. Yung kalamansi pag itinanim mo din sa lupang yaon pag tinikman mo maasim. At yung sili itanim mo din sa lupang yaon pag kinain mo maanghang naman. Ang tanong, anong mayroon doon sa lupa?" Mahabang salita ng dalaga na nag-isip ang binata.
"Hayaan mo pag-uwi ko titikman ko ang lupa." Sagot naman ng binata at nagtawanan silang dalawa. Nagtakip ng bibig ang dalaga dahil napapalakas ang pagtawa niya. At siniko siya ng binata.
"Ano nga ba meron doon sa lupa?" Pag-uusisa ng binata.
"Ang Dios ang may gawa nun hindi tayong mga tao. Basta magsikap tayong gumawa at Siya na ang bahala sa di natin kayang gawin." Napatango ang binata at ngumiti.
Gabi na nang ihatid ng binata ang dalaga sa bahay. Nandoon na ang Ina nito na nanonood ng TV. Nagpaalam na ang binata na uuwi na sa probinsya.
Nang may sampung dipa na ang layo ng binata. Tinawag muli ng dalaga ang binata nang pasigaw.
"Mr. Benjamin Castro!" Sigaw ng dalaga habang kumakaway sa binata. Na nilingon naman ng binata.
"Mag-iingat ka sa pag-uwi." Sigaw ng dalaga. At kumaway din ang binata sa dalaga.
Kinabukasan ng Linggo. Nagpaalam ang dalaga sa kanyang Ina na hindi muna sasama sa pagtitinda.
"Nay, maiwan na muna ako sa bahay para maglinis at maglaba. Susunod na lang po ako ng makapananghali pagkatapos ng trabaho dito sa bahay." Paalam ng dalaga sa Ina.
"O sige anak, huwag ka lang msyadong magpapagod." Habilin naman ng Ina sa dalaga.
Nang makapananghali at matapos na ang kanyang mga gawain ay tumungo na ang dalaga sa kanilang tindahan upang tulungan ang kanyang Ina sa pagtitinda.
"Anak may nagbalik ng suha mo." Bungad ng Ina sa dalaga. At iniabot ang suha. Agad tiningnan ng dalaga ang suha at inikot. At nanlaki ang mata ng dalaga nang mapansin niya na may nakaukit na initial na letter J sa tabi ng initial na letter T na inukit niya.
"Nay, sino po ang nagbalik ng suha?" Tanong ng dalaga sa Ina.
"Tisoy na lalaki." Tugon naman ng Ina.
"Ah, siya yung bumili kahapon ng mga prutas. Nakasama pala sa napili nya. Pinalitan nyo po Nay?" Tanong ng dalaga.
"Pinapalitan ko, hindi na nya kinuha. Nagmamadali sya, papunta daw ng airport." Sagot ng Ina.
Naging palaisipan pa sa dalaga ang initial letter J na nakaukit sa suha.
"Jasper, Justin, Jesse, Jules or Just Joking." Ang nasa isip ng dalaga.
Ilang oras pa ang lumipas na nagtinda ang mag-ina. Nang sumapit na ang dapit hapon at kaunti na lamang ang mga bumibili ay kinausap ni Aling Rosario ang anak patungkol sa binata.
"Tessa, kumusta naman ang pamamasyal ninyo ni Benjie?" Nakangiting tanong ni Aling Rosario sa dalaga.
"Masaya naman po, Inay. Binalikan namin ni Benjie yung mga dating pinagtatambayan at pinagtataguan namin noong kami'y mga batang naglalaro pa." Masayang kwento ng dalaga.
Nababakas sa mukha ng dalaga ang saya at pagkasabik sa muling pagkikita nila ng matalik na kaibigan.
"Naaalala ko anak noong nabubuhay ang Tatay mo may usapan sila ni Pareng Nicanor na doon tayo titira sa probinsya ng Bulacan sa DRT (Doña Remedios Trinidad). Kaya lang namatay ang Tatay mo. Kaya sila na lang ang natuloy doon at naiwan tayo dito." Sabi ni Aling Rosario.
"Pero Nay, pinapupunta daw po tayo doon ni Mang Nicanor sabi ni Benjie, para daw po makita natin ang lugar. Sabihin nyo lang daw po kung kailan at susunduin tayo ni Benjie." Masayang sabi ng dalaga.
"Kung loloobin sa bakasyon mo, Anak." Pagsang-ayon ni Aling Rosario.