Chereads / A Week to Remember / Chapter 5 - Eye See You

Chapter 5 - Eye See You

Mabilis na lumipas ang panahon. Anim na buwan na pala ang nakalipas. Pauwi na ang dalaga nang maisipan niyang dumaan sa bahay ng kanyang pinsan na si Jenica. Malapit lamang sa school na pinapasukan ng dalaga ang inuupahang apartment ng kanyang pinsan.

"Ate kumusta ka na?" Masayang bati ng dalaga sa kanyang pinsan. Sila ay nasa loob ng isang di kalakihang bahay na may tatlong kwarto.

"Heto, malaki-laki na rin ang dinadala ko. Malapit mo na rin makita ang pamangkin mo." Masayang sagot naman ni Jenica.

"Kumusta na sina Tiya Rosemarie at Tiyo Jose?" Muling tanong ng dalaga habang nakahilig ang ulo niya sa tiyan ng kanyang pinsan. Habang pinapakiramdaman ang paggalaw ng bata sa loob ng tiyan ng kanyang pinsan.

"May sakit si Tatay kaya di makaalis si Nanay para samahan ako dito sa bahay. Baka pwede mo akong samahan dito hangga't wala pa si Nanay." Pakiusap ng pinsan sa dalaga.

"Pwede naman ate, magpapaalam muna ako kay Nanay." Nakangiting sagot ng dalaga.

"Isama mo na rin si Tiya Rosario para makapagpahinga din naman sya." Pahabol na sabi ni Jenica.

"Sige, sasabihin ko ate." Tugon ng dalaga.

Pagdating ng bahay ay ipinaalam ng dalaga sa kanyang Ina ang napag-usapan nilang magpinsan.

"Hindi ako pwedeng sumama anak, ikaw na lang." Tanggi ng kanyang Ina. "Sayang din ang kikitain ko. Malapit na ang graduation. Kaya marami na ang mga estudyanteng palakad-lakad dito sa divisoria. Mabili pa rin ang mga prutas, pandagdag din sa ipon natin." Dugtong pa na ni Aling Rosario.

"Sya nga pala, gamitin mo na yung cellphone na binili ko para sana sa graduation mo." Natutuwang sabi ng Ina. Nagulat ang dalaga sa sinabi ng kanyang Ina.

"Nay, di po ba usapan natin, pag college na ako gagamit ng cellphone?" Nagtatakang wika ng dalaga.

"Okay lang yan, anak. Para nagkakausap tayo kahit nandoon ka sa ate Jenica mo." Ang katwiran naman ng Ina.

Kinabukasan ay nagtungo na ang dalaga sa bahay ng kanyang pinsan. Nag-iisa lang sa inuupahang apartment si Jenica. Kaya naman nya ang gawaing bahay. Kaya lang medyo malaki na ang kanyang tiyan kaya gusto niya na may kasama siya lalo na sa gabi.

Isang araw ay masayang umuwi ang dalaga na dala ang magandang balita.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at tinawagan ang kanyang Ina.

"Oh, anak, napatawag ka." Sagot ni Aling Rosario sa kabilang linya.

"Nay, may maganda po akong balita sa inyo." Masayang bungad ng dalaga.

"Talaga? Ano iyon anak?" Masayang tugon ni Aling Rosario.

"Nay, isa po ako sa napiling may karangalan na magtatapos." Excited na sagot ng dalaga. Halus tumalon sa tuwa ang dalaga nang ibalita niya iyon sa kanyang Ina.

"Salamat sa Dios anak. Nagbunga din ang kasipagan mo sa pag-aaral." Natutuwang wika ni Aling Rosario na halus maluha sa sobrang sayang nararamdaman para sa anak.

"Nay, uuwi na po ako para maibalita ko na din kay ate Jenica ito." Paalam ng dalaga sa kanyang Ina.

"Sige anak, mag-iingat ka. I'm proud of you, Tessa." Sagot naman ni Aling Rosario.

Pagdating sa bahay ay agad na sinalubong ng malaking ngiti ng dalaga ang kanyang pinsan. Inabutan niya ito na nakaupo sa sofa at mahinang kinakausap nito ang baby na nasa sinapupunan niya.

Ito ang madalas gawin ni Jenica kapag nasa bahay at nagpapahinga na lamang. Kinakausap niya ang baby habang hinihimas ang kanyang tiyan.

Marahang itinabi ng dalaga ang kanyang bag sa side table na katabi ng sofa at tinabihan ang kanyang pinsan. Hinalikan niya ito sa pisngi at nakangiting pinagmamasdan ang ginagawa ng kanyang pinsan.

Nang matapos ito ay agad niyang hinarap ang dalaga. Nababakas sa mukha ng dalaga ang kasiyahan nito.

"Ate may maganda akong balita sa iyo." Nakangiting wika ng dalaga.

"Hulaan ko, Ikaw ang top sa inyo." Proud na wika ng kanyang pinsan.

"Hindi naman ate nasa first honorable mention lang ako, buti nga sumabit." Natatawang wika ng dalaga.

"Ang galing-galing mo talaga, Tessa, Congrats." Masayang wika ni Jenica sa kanyang pinsan at di napigilang yakapin ang pinsan.

"Sya nga pala ako din may magandang balita sa'yo." Masayang sabi ni Jenica sa dalaga. "Darating na si Kuya Paulo mo at may kasama syang kaibigan na dito rin manunuluyan nang isang linggo." Ang wika ni Jenica sa dalaga.

"Sa wakas makikita at makikilala ko na rin ng personal si Kuya Paulo, ate." Ang wika ng dalaga.

"Kailan ba darating si Kuya Paulo?" Tanong ng dalaga.

"Sa makalawa darating ang Kuya Paulo mo." Tugon naman ni Jenica sa dalaga.

"Dapat pala maglinis at maghanda na ko sa tutuluyan nina Kuya Paulo at nung kaibigan niya. Mamimili na rin ako sa grocery bukas." Masiglang wika ng dalaga.

"Tessa, sandali lang. Masyado ka namang excited." Natatawang wika ni Jenica sa dalaga.

Kinabukasan ng Sabado ay kinausap ni Jenica ang kaniyang kumare na kung maaari ay kunin nya itong tagaluto hangga't andoon si Paulo na kanyang asawa at ang bisita nito.

Samantala nang araw ding yaon ay nag-general cleaning ng bahay ang dalaga.

"Tessa, magpahinga ka na, maaga pa kasi tayo bukas. Mamimili pa ako bukas ng mga kakailanganin natin para sa ilang araw." Paalala ni Jenica sa dalaga.

"Ate samahan na kita mamili. Dumaan tuloy tayo kay Nanay." Suhestyon ng dalaga. At tumango na lang si Jenica at tumuloy na sa kwarto ang dalaga upang magpahinga.

Kinaumagahan maagang nagtungo sa Divisoria ang magpinsan sa tindahan ni Aling Rosario. Ngunit hindi nila ito inabutan.

"Ay, Tessa, umalis ang Nanay mo kasama ni Kumareng Susan. May pupuntahan lang." Ani ng kabilang tindera.

"Ay ganun po ba? Pakisabi na lang po na dumaan kami ni ate Jenica." Nakangiting wika ng dalaga.

"Hay, Jenica ang laki na ng tyan mo. Kelan ba ang kabuwanan mo?" Usisa ng kabilang tindera.

"Sa buwan po ng Mayo." Sagot ni Jenica.

"Sige po, mauna na kami." Paalam ng magpinsan sa tindera.

At tumuloy na silang mamili ng mga sari-saring isda, gulay at karne. Pagdating nila sa bahay ay inabutan na nila si Anna. Si Anna ang Kumare ni Jenica na magluluto para sa kanila.

Nang matapos silang mananghalian ay tumawag kay Jenica ang may-ari ng van na kanilang inarkila na susundo sa airport.

"Anong oras tayo aalis Jenica?" Tanong ni Mang Badong na siyang may-ari ng van.

"4:30 po ng hapon, 7 p.m. po kasi ang dating nila Paulo sa airport." Sagot naman ni Jenica.

"Ah, sige naitanong ko lang para sigurado." Ani ni Mang Badong.

Pagdating ng 4:30 p.m. ay may pumaradang Toyata, Grandia na kulay puti sa harap ng bahay nila Jenica. Kaya lumabas agad sina Tessa at Jenica. At bumaba ang isang lalaki na may edad na at pinagbuksan ng pinto ang magpinsan.

"Alis na po tayo Mang Badong." Ang wika ni Jenica kay Mang Badong. At umalis na sila. Bandang 6:30 p.m. na sila dumating sa airport dahil naipit sila sa traffic dahil may nangyari pa lang aksidente. Kaya agad na nagtungo na ang dalaga sa Arrival na may dalang placard. Dahil 7 p.m. lang ang dating ng flight.

Nang lumapag na ang eroplano ay maraming tao ang nasa Arrival Area at isa na doon ang dalaga. Maya-maya lamang ay unti-unti nang naglabasan ang mga pasahero.

Tinatanaw naman ng dalaga ang bawat foreigner na lumalabas sa Arrival at itinataas ang hawak niyang placard na may nakalagay na "Paulo Smith".

Ilang sandali pa ang lumipas nang may dalawang lalaki ang lumapit sa dalaga, kapwa matangkad at mestizuhin.

"Hello, are you Tessa? Cousin of Jenica?" Wika ng isang lalaki na may mahabang balbas. At tumango ang dalaga.

"Hi!" Nakangiting tugon ng dalaga.

"Where is Jenica?" Tanong muli ng lalaki.

"She is just waiting in the car." Sagot naman ng dalaga. "So, you are my Kuya Paulo." Pagkumpirma ng dalaga.

"Yeah!" Tugon naman ng lalaki. At napatingin ang dalaga sa kasama nitong lalaki na balbas sarado at may bigote.

"Saang lupalop kaya nanggaling ang dalawang ito. Mukhang hinahabol na sila ng gunting." Na sa isip ng dalaga.

Muling tinanaw ng dalaga ang lalaki. Napansin niya na parang may gustong sabihin ngunit hindi na nakapagsalita dahil nagyaya na ang dalaga papunta sa van.

Nang lumalakad na sila ay di pa rin maalis ang tingin ng lalaki sa dalaga. Naaasiwa tuloy ang dalaga.

Nang magkita ang mag-asawa ay tuwang-tuwa na nagyakapan. Habang panay ang himas ng lalaki sa tiyan ng kanyang asawa na nagkukumustahan.

Habang ang dalaga ay pumasok na sa loob ng van at ang binata naman ay iniligay sa likuran ang mga dala nilang bagahe.

Habang nasa byahe ay patuloy ang kwentuhan ng mag-asawa at ng binata. Habang ang dalaga ay nakikinig lamang sa kanila.

Napapansin ng dalaga na tinatanaw siya ng binata sa rear mirror. Kaya pumikit na lang ang dalaga na inakala ng kanyang pinsan na siya ay nakatulog.

Pagdating nila sa bahay at maibaba na ang mga bagahe ay naghanda na sila upang kumain ng hapunan.

Habang kumakain ay tuloy pa rin ang kanilang kwentuhan. Nang matapos kumain at mailigpit na ang pinagkainan ay nagpaalam nang matulog ang dalaga sa kanyang pinsan.

"Ate, mauna na ako sa inyo maaga pa kasi ang pasok ko bukas." Paalam ng dalaga sa kanyang pinsan.

"Sige, magpahinga ka na ako nang bahala dito." Sagot naman ni Jenica.

At tumuloy na ang dalaga sa kanyang kwarto. Tinatanaw lamang ng binata ang dalaga hanggang sa makapasok na ito ng kanyang kwarto.

Habang nakahiga ang dalaga. Iniisip niya kung saan niya nakita ang mga matang yaon. Parang pamilyar sa kanya. May malamlam na mga mata.