Epilogue
Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng mangyari ang mga kaganapang iyon. Muli na ring nabuksan ang Astravision University sa pangunguna ng Keeper of the Heart of Creation na si Master Francine De Lavine bilang Headmaster ng unibersidad. Yun nga lang at mas lumawak pa ang sakop nito dahil simula ng matalo namin at mabuwag ang Hell Society ay saka naman naglabasan ang mga mortal na nabibilang sa lahi namin. Ang mga taong akala namin ay hindi namin katulad ay naglabasan at marami pang iba. Nagkaroon ang lahat ng pagkakataong makapag – aral sa loob ng paaralan upang mahasa ang kani – kanilang kakayahan upang magamit sa oras ng pangangailangan.
Nakakalungkot nga lang at nabawasan kaming mga kabilang sa Special Section. Hindi naman sa nawala sila o namatay, napabilang lang sila sa Task Force Team ng paaralan. Ito ang sector ng paaralang lumulutas sa mga kaso na may kinalaman ang mga nilalang sa labas ng dimensyon ng paaralan. Ang mundo ng mga mortal.
Ang iba naman sa kanila ay nanguna sa Research Team ng paaralan. Nadagdagan doon ang bilang nila lalo na at ang iba sa mga bagong estudyante ay may kakayahang nabibilang sa amin.
Hindi na rin muna kami kumikilos upang ituloy ang paghahanap sa Five Sacred Keys at Fortification Stone. Hindi naman sa hinahayaan lang namin ang mga demonyong iyon na makawala sa kani – kanilang mga lungga dahil sa butas, mas inuuna na muna namin ang pagpapalakas ng aming mga katawan. Isa pa, sa susunod na linggo na ang unang pagbubukas ng paaralan para sa mga bagong aplikante ng taon.
" Kanina ka pa namin hinahanap? "
Napalingon ako sa mga taong nasa likuran ko, sina Allyson lang pala.
" Bakit? "
Nagtataka kong tanong sa kanila. Parang kanina pa kasi nila ako hinahanap, pare – pareho silang naghahabol ng hininga.
" Kailangan ka raw kasi sa ibaba, may problema na naman yata! "
Napabuntong – hininga na lang ako. Nakakainis lang at hindi ko na nagagawa pa ang mga dati kong ginagawa dahil sa gampanin ko sa unibersidad, patay sa akin ang sino mang nilalang na gumambala sa akin ngayon! Letche!
" Susunod na! "
Maikli kong sabi at saka ko muling pinagmasdan ang buong paligid. Napakaaliwalas ng buong lugar, sana palagi na lang ganito. Walang masyadong maraming masasaktan, walang gulo o kung ano mang kaganapan na maaaring makapagpahamak sa mga nandito. Hayst.
***
Sumunod rin kaagad ako sa ibaba upang makita kung ano ang sinasabi ni Allyson na problema. Nasa rooftop kasi ako ng pinakatuktok ng unibersidad kung kaya't wala talagang makakahanap sa akin bukod sa mga kaibigan ko dahil sila lang din naman ang nagturo sa akin ng lugar na iyon.
Una kong nakita ang isang bata na nakatali sa puno sa gitna ng ground. Ang punong ito ang nagsisilbing buhay ng mga halaman at iba pang mga nilalang na nabubuhay sa buong paligid. It is the Tree of Life.
" Anong meron sa kanya? Bakit sya nakatali? "
Tanong ko sa isa sa mga estudyante na nakikinuod lang sa isang tabi. Napalaki pa nga ang mga mata nito ng makita ako at agad na yumuko upang makapag – bigay galang. Napangiti tuloy ako.
" Pa – pasensya na po! Hindi ko po kayo napansin! "
Nauutal pa nitong pagkakasabi sa akin. Napangiti na lang ako sa inasal nya at ginulo ang kanyang buhok.
" Ano ka ba? Hindi naman ako nangangain para matakot ka! Hahaha! "
Ang pagtawa kong iyon ang dahilan upang mapalingon sa amin ang iba pa sa mga estudyanteng naroroon. Kanya – kanya tuloy sila ng pagyuko at pagbibigay galang sa akin. Ewan ko ba sa mga yan, masyado nilang siniseryoso ang posisyon ko bilang Campus President.
" What took you so long? Didn't you know that were all waiting for you? "
Nawala ang ngiting nakatapal sa mukha ko dahil sa bungad na iyon ni Ax sa akin. Aba at may gana ka pang mag – seryoso sa pagbabago ng mukha ko ah? Patay ka sakin! Panira ka ah!
" Did you miss me? "
Yun na lang ang sinabi ko at dahan – dahang lumapit sa kinaroroonan nila ni Ace. They are the main Campus Security Personnel kasama sina Air, Andre at Alfonse.
Hindi ako sa kanila dumiretso kundi sa batang wala malay na nakatali sa puno. Pipigilan pa nga sana ako ni Ax ngunit tinabig ko ang kamay nya. Alam na nya ang ibig sabihin non kaya hindi na rin sya nagsalita pa at binantayan na lang ang bawat kilos ko.
May iba't – ibang simbolo ang nakalagay sa katawan ng batang ito. Hindi naman ako gumawa ng kahit na anong bagay, ayoko munang magsalita lalo na at alam ko ang mga simbolong ito.
" Paalisin nyo na muna ang mga bata! They are not safe here, make sure na hinding – hindi sila lalabas sa bawat kwarto nila sa dorm! And another thing, mag – iwan ka sa bawat pintuan ng dorm ng isang magbabantay! They need the security right now! "
Pagkausap ko sa isip ni Ax. Magsasalita pa nga sya ngunit hindi nya na lang ipinagpatuloy at saka walang pasabing pinaalis ang mga naroroon bukod sa amin. Tumunog rin ng malakas ang Defense Mechanism ng unibersidad dahilan upang magkanya – kanyang takbo ang mga estudyante pabalik ng dormitory. Alam naman kasi nilang ang tunog na iyon ang simbolo ng kapahamakan.
" Bakit pinatutunog ang Defense Mechanism ng unibersidad? "
Ang Headmaster. Hindi ko na naman sya tinugon at itinuro ko na lang sa kanya ang mga simbolong nakatatak sa buong katawan ng bata.
" Call all the Faculty Teachers, Instructors and the Council! Immediately! "
Sabi nya sa dalawa. Mabilis namang umalis ang dalawa at kaming dalawa na lang natira dito.
" Ikaw na ang bahala sa kanya! I know you can do it! "
Tumango na lang ako sa sinabi nya. Hinawakan pa nito ang magkabila kong balikat at saka ginulo ang buhok ko. Simula nang mabuwag ang Hell Society, isa ito sa bagay na nabuo sa pagitan namin ng Headmaster. Parang naging magulang ko na sya bukod sa sya ang Keeper of the Heart of Creation.
" Kayo na rin ang bahala sa kanila! "
Hindi na lang ito sumagot sa sinabi ko at mabilis na umalis sa kinaroroonan namin. Pumikit pa ako ng mariin upang kumuha ng lakas.
" Let's begin! "
Finished.