MAY AAMININ AKO
Poem Four~PERSONAL
Pasensiya na kung biglaan ito.
Pero hindi ko na talaga kayang itago.
Ang totoong nararamdaman ko.
Para sa iyo.
Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula.
Bigla na lang nagbago bigla.
Nalito sa simula itong puso ko.
Dahil bakit biglang nagbago?
Nagbago itong damdamin ko.
O pagtingin ko.
Para sa iyo.
Dati wala naman talaga.
Kaibigan lang kita.
At alam ko gayundin ka sa akin.
Kaibigan o kapwa ko manunulat ang turing mo lang sa akin.
Napagkamalan ka pa niya sa una.
Inakalang may espesyal kang nadarama.
Sa akin dahil kahit paano naging malapit tayong dalawa.
Sa una natawa ako.
Alam ko naman malabo.
Ang isang katulad mo.
Mahuhulog ang loob sa isang katulad ko.
Pero bakit nitong huli habang dumaraan ang mga araw ko sa buhay ko.
Bakit pakiramdam ko naiinsulto ako?
Kapag naiisip ko o sumasagi sa isipan ko.
Ang mga katagang binitawan mo.
Malabo ba talaga?
Hindi ba talaga ako kahanga-hanga?
Alam ko hindi ako maganda.
Kaya hindi ako dapat umaktong ako ang biktima.
Wala naman siguro sa atin dalawa ang may pagkakasala.
Hindi, Ako pala ang may kasalanan.
Dahil hindi ko binantayan.
At hinayaan ang sarili ko na may maramdaman.
Kahit sa huli ako talunan.
Mahal ko na ba talaga ang isang katulad mo?
Kahit ako hindi ko alam ang kasagutan sa tanong na ito.
O baka nangangarap lang ako.
Na baka ikaw na iyon taong hinihintay ko.
Na magpaparamdam na babae rin pala ako.
Na pakiramdam ko espesyal ako.
Kasi iyon ang naramdaman ko
Sa mga sinasabi o kinikilos mo.
Assuming ba?
Siguro nga.
Umaasa din kasi ako.
Kaya dapat sarili ko lang sisihin ko.
Hindi ko ito ginawa para maguilty ka.
Alam kong itong ginawa ko ay nakakairita.
Ito lang alam kong paraan para malaman mo.
Itong lihim na tinatago ko.
Sorry, nahulog loob ko sa iyo.
Hindi ko nga alam kung sino sisisihin ko.
Sarili ko ba? O si Kupido?
Bakit sa dinami-dami ng tao?
Bakit sa isang katulad mo?
Nahulog ang isang katulad ko?
Sa unang pagkakataon nahulog ang loob ko sa isang kaibigan.
Pero mukhang Friend Zone ang kalalabasan.
Sa una rin pagkakataon inamin ko talaga ang kabuuan ng aking nararamdaman.
Sa tula nga lang at hindi deretsahan.
At umaasang sana kahit kaunting minuto ay mabasa o pakinggan.
Pero gusto ko rin malaman.
Ano ba talaga ang iyong nararamdaman?
Okey lang kahit masakit pakinggan.
Ang katotohanang iyong bibitawan.
Mas tatanggapin ko pa iyon malaman.
Kesa palagi na lang isipin kung ano ang dahilan?
Kung bakit pakiramdam ko ako ay iyong iniiwasan?
Na hindi ko man lang alam ang totoong dahilan.
Gusto ko rin malaman ano ba talaga siya sa iyo?
Bakit iba ang sinasabi o kinikilos mo?
Kapag siya na ang nakakasalamuha mo.
Heto naman ako push ng push sa inyo para lang umamin kayo.
Kahit ang totoo apektado ako.
Pero ano gagawin ko?
Iyon ang nakikita ko.
Dati na akong naging possessive bata pa lang ako.
Pero alam kong hindi siya magandang kaugalian kaya binago ko.
Pero bakit sa dulo?
Pakiramdam ko, nag-iisa pa rin ako.
Pinili kong huwag maging malapit sa kahit sino.
Dahil sa huli darating ang araw, maiiwan din ako.
Pero bakit heto na naman ako?
Ganito na naman sitwasyon ko.
Bakit hinayaan ni Tadhanang mapalapit ako.
Sa isang tao na sa dulo alam kong hindi pipiliin ako.
Ganito ba talaga dapat ang Pag-ibig?
Bakit mas madalas palaging iisa lang ang umiibig?
Bakit mas lamang pa ang sakit kaysa saya?
Bakit kailangan may piliin at mamimili ka?
Ang tanda ko na pero heto ako parang bata walang alam.
O may alam pero tanga-tangahan lamang.
Tulungan mo naman ako?
Isama mo sa prayers mo na makalimutan ko na ang katulad mo.
Kasi kung ako lang baka lokohin ko lang sarili ko.
Sana nga naging lalake na lang ako.
Para kahit anong pilit hindi mapaamin kayo.
Kaso naging babae ako, lumalabas kahinaan ko.
Kahit gusto ko magquit dito.
Sarili ko pa rin ang lolokohin ko.
Dahil hindi noon mababago agad-agad ang nararamdaman ko.
Sana gayundin ka huwag magquit dahil maguguilty ako kapag ginawa mo.
Isipin mo na lang na hindi tayo magkakilala.
Ganoon na rin gagawin ko kahit hindi madaling gawin siya.
Sorry nagpakatotoo lang ako.
Sana ikaw din ganoon gawin mo.
Pero kung ayaw mo hindi kita pipilitin aminin mo ang totoo.
Salamat nga pala sa lahat ng ginawa mo effort at pagpush na ipakita ang kakayahan ko.
Sa mga advice tungkol sa pagsusulat at pagencourage sa isang katulad ko.
Bilang kaibigan at manunulat ginawa mo iyon para tulungan ako.
Hindi ko ito kalilimutan.
Nakatatak na siya sa aking puso at isipan.
Kahit ako ay iyong malimutan.
Hindi kita makakalimutan.
Last na itong drama ko.
Salamat ulit sa iyo.
Paalam sa nararamdaman ko?
Hindi ako sigurado kung kailan siya hihinto.
Pero bahala na, malay mo isang araw wala na talaga.
Panahon na lang magdidikta.