Chereads / FROM THE HEART POETRY - MAKATHA / Chapter 3 - LIHIM NA PAG-IBIG

Chapter 3 - LIHIM NA PAG-IBIG

LIHIM NA PAG-IBIG

I.

Nais ko sana sa iyo ay ipabatid

Mayroong isang tao, na sa iyo ay lihim na umiibig

Ngunit kanya lamang pangamba sa tuwi-tuwina

Kapag nalaman mo na ang kanyang tunay na nadarama

Ito ay ang minamahal ka niya

Baka magalit ka at tuluyang iwasan siya

Ito ang isa sa kinatatakutan niya, na mangyari sa kanya

II.

Marahil nagtataka ka o naguguluhan pa

Nagtatanong kung sino ba akong talaga?

Bakit ko ito ginagawa?

III.

Isa lang ang tanging masasabi ko sa iyo

Itong taong tinutukoy ko

Na lihim na umiibig sa iyo

Isang espesyal na dalaga

Marahil ay matagal mo na pa lang nakikita

Baka nga siya ay kilala mo pa

IV.

Alam ko iniisip mo

Ako ay isang tao na walang magawa at parang may sira sa ulo

Aakalain mo na pinagtitripan lang kita

Ngunit ako ay umaasa

Sa akin sana ay huwag na magalit ka

V.

Sapagkat lahat ng ito ay totoo at walang halong biro

Pasensiya na rin kung ang isipan mo ay ginugulo

Pinapahulaan kung sino ang babae na nagmamahal ng lihim sa iyo

VI.

Ang tanging alam ko

Tunay ang kanyang damdamin para sa iyo

Makikita mo rin sa kanyang mga mata

Kung gaano ka espesyal para sa kanya

VII.

Ang tanging nais ko

Sana sa ganito man lang paraan ay maipaalam ko

Ang tunay na nilalaman ng puso ng kaibigan ko

VIII.

Pakiusap sana, sa kanya ay huwag magagalit

Kung sakaling malaman mo kung sino siya na sa iyo ay umiibig

Hindi naman niya sinasadya na mahulog sa iyo ang damdamin niya

Pero anong magagawa?

Kung ang puso niya ang napiling tamaan ng pana ni Mister Kupidong namamana

IX.

Hindi naman siya umaasa na mapapansin mo

Ang damdamin niya para sa iyo

Ang tanging alam niya

Minamahal ka niya

X.

Humanga na siya sa iyo

Simula pa noong unang magtagpo ang mga landas ninyo

Lalo pang lumalalim habang nakikilala na niya ng husto ang buong pagkatao mo

Mga magagandang katangian at maging ang hindi mo pagiging perpekto

Ang hinahangaan niya sa iyo

XI.

Pero kung sakali man at kung iyong pahihintulutan

Kung puwede na kayo ay kahit maging mabuting magkaibigan

Tiyak akong ikasisiya na niya kahit man lang sa ganoon paraan

XII.

Sana sa pamamagitan ng tulang ito

Kahit kaunti ay mapukaw man lamang ang atensiyon mo

Mapakinggan kahit kaunting minuto itong mga pahaging para sa iyo

XIII.

Pasensiya na rin kung may kakornihan itong tulang ginawa

Pero nilalaman nito ay may halaga

Sana ay hindi maging katawa-tawa, dahil ako ay seryoso at hindi nagpapatawa