Chereads / FROM THE HEART POETRY - MAKATHA / Chapter 2 - IKAW LANG TALAGA

Chapter 2 - IKAW LANG TALAGA

IKAW LANG TALAGA

I.

Wala na

Wala na talaga

Oo, alam ko, hindi na kailangan pa

Masakit na katotohanan, ibalandra sa aking mukha

Sapagkat hindi na muling magiging tayo pa

II.

Dahil alam kong hindi na katulad ng dati

Na palaging nandiyan ka, nandiyan sa aking tabi

Masakit man tanggapin

Iba na ang iyong kapiling

Nagbago na ang lahat-lahat sa atin

At maging ang iyong nararamdaman para sa akin

III.

May tanong lamang ako, sana naman ay sagutin

Kung hindi kalabisan, huwag mo sanang masamain

Ang nais ko lang naman ay aking malaman

Anong dahilan at bigla mong nilisan?

IV.

Ako ba ay may nagawa sa iyong kasalanan?

At kung mayroon man

Sana ako ay iyong mapatawad naman

Hindi ko ninais o sadyain man lang

Na ang damdamin mo ay aking masaktan

V.

Sa maniwala ka o hindi, ikaw lang talaga

Ikaw lang ang nag-iisa

Nag-iisa sa puso ko at nagrereyna

VI.

Subalit wala na

Wala na talaga

Ang tanging ginagawa

Ang palaging umasa

Na isang araw ang dinadalangin ko ay maririnig na

At ito ay ang muli tayong magkasama

VII.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan

Masasayang alaala noon tayo pang dalawa, na ating pinagsaluhan

Kagaya ng matatamis na mga halik at mga tinginan

VIII.

Kapag ako ay nalulungkot at kailangan kita

Dumarating ka

Dinadamayan mo ako at pinapatawa

At ang mga bisig ko ay yakap-yakap ka

IX.

Sana ay mapatawad mo

Kung hindi ko magawang kalimutan ang isang katulad mo

Hindi ko maipapangako na ganoon kadali, pag-ibig ko sa iyo

Bigla na lamang ito ay maglaho

X .

Ibaling man sa iba

Ikaw pa rin ang nakikita

Mukha mong kayganda

Malambing mong pagsasalita

Matamis mong mga ngiti na sa tuwing nasisilayan ko

Parang puzzle na binubuo

At nang nabuo, araw ko ay nakumpleto

XI.

Kahit sa panaginip, nakikita kita

Paggising sa umaga

Hinahanap-hanap ka

Nitong aking mga mata

Isa kang bisyong kayhirap iwasan

Kahit pagbawalan man

Pero hindi magawang pakawalan

XII.

Lakas ng tama ko sa iyo, crazy man itong pakinggan

Walang pakialamanan

Basta ikaw, kahit ako ay ma-addict man

Hinding-hindi ko ito pagsisisihan

Ganyan kita kamahal, iyo sanang paniwalaan

XIII.

Na ikaw lang talaga at walang iba

Pero huwag ka nang mag-alala

Hindi na ipipilit pa

Kung saan ka liligaya

Hindi na hahadlangan pa

X1V.

Palagi mo lamang tatandaan

Kung ako ay iyong kailangan

Ako ay darating at hindi ka iiwanan