Chereads / FROM THE HEART POETRY - MAKATHA / Chapter 1 - SANA AY KAPILING KA SA ARAW NG PASKO

FROM THE HEART POETRY - MAKATHA

🇵🇭5UNOU5MYW5
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 55.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - SANA AY KAPILING KA SA ARAW NG PASKO

SANA AY KAPILING KA SA ARAW NG PASKO

I.

Kailan lang nang tayo ay huling magkasama

Magkasalo pa sa isang Noche Buena

Naglalambingan at nagkukuwentuhan

Nang masasaya nating mga alaala o nakaraan

Dagdagan pa ng mga masasarap na pagkain

Na ikaw mismo ang nagluto at naghain

II.

Pero ngayon ikaw ay na sa malayo

Nilulukob ng kalungkutan itong puso ko

Aanhin ko pa ang mga masasarap na pagkain at mga regalo

Kung hindi naman kita kapiling sa araw ng pasko

III.

Nakalulungkot sapagkat nag-iisa

Hindi ko kapiling ang aking sinisinta

Kailan kaya ulit kita makikita at makakasama?

Sana ay nandito ka na at makapiling ko

Sa araw ng pasko