Chereads / My love my murderer / Chapter 7 - Chapter Gold-Kiss at first sight

Chapter 7 - Chapter Gold-Kiss at first sight

***Paisley

"Violet!"

Ngunit tulala pa rin siya habang pinagmamasdan ang nakabukas na bintanang sa tingin niya ay nilabasan ng estranghero. Ang kamay niya ay nanatiling nakahawak sa nakatakip na towel sa katawan niya.

"Violet? Why are you not-"

Naputol ang iba pa sanang sasabihin ni Connor nang mabungaran ang ayos niya. Nanlaki ang mata nitong lumapit sa kanya at agad na iniayos ang pagkatapis ng towel niya ng makita siyang nakatulala pa rin.

"Violet! What happened to you? Why are you in such a mess?" Gulat na tanong nito at hinawakan siya sa magkabilang balikat at bahagyang niyugyog para matauhan.

Iginiya siya nito at pinaupo sa kalapit na upuan.

"Violet? Ano bang nangyayari sayo? Ba't ka ba nagkakaganyan?" Tanong pa rin nito pero hindi man lang niya sinagot. "Nasan na ang Violet Striker na kilala ko? Asan na yung tapang mo? Bakit bumabalik ka na naman sa dating Violet na nakilala ko? Nawala na ba lahat ng tapang mo, kasabay ng pagkawala ng lalaking iyon?" Hindi maitago ang inis sa boses nito habang nakaharap sa kanya at walang tigil sa pagtagis ng bagang.

"Connor, i think it's him. Nandito siya." Tanging wika niya.

Lalong nangunot ang noo nitong humarap ng diretso sa kanya.

"Sinong siya? Anong nakita? At bakit ang gulo ng ayos ng bahay mo? Pati ayos mo, bakit ganyan?" Sunod sunod na tanong nito na halos walang preno ang bunganga.

"Yung lalaki kanina sa bar. Nandito siya. And he make a messed inside my house." Muling wika niya at bahagya pang naihaplos ang kamay sa mukha. "I know it's him, Connor! Ang boses niya... Alam kung siya yun!" Bahagya nang nangangatal ang katawan niya. "Bumalim siya, para maghiganti!" Dugtong pa niya.

Lumipat ito ng puwesto at umupo sa tabi niya. Saglit nitong inilapag ang baril na hawak sa mesa at hinawakan ang nanginginig niyang kamay.

"Violet, ilang beses ko pa bang sasabihin sayo. Patay na si Hindler. At imagination mo lang ang nakita mo. Hallucination mo lang." Seryosong wika nito. "We both know na wala na siya. And we both witnessed his death. Alam kong labis mong pinagsisihan yun, pero he's our mission. Hindi mo dapat pinapairal ang puso pagdating sa trabaho!"

"Pero, i see him alive and breathing. I even touch him. Andito siya, Connor. I dont know how, pero nakapasok siya sa pamamahay ko." Giit pa niya.

Lalo itong natigilan sa sinabi niya.

"What did you say? Pinasok ang bahay mo?" Bigla itong napatayo at tinungo ang library niya, habang siya ay nanlalatang nakasunod dito. "Walang dapat makaalam ng files mo Violet. Alam mong restricted lahat ng details tungkol satin. And walang dapat na makaalam tungkol sa Red dragon Society." Seryosong wika nito at saglit siyang nilingon habang abala sa paghahalungkat sa mga gamit niya sakaling may nawawala.

Hindi siya nakaimik. She's been out her mind these past few days simula nang mamatay si Hindler.

"Okay, where's your monitor? I should check your cctv. It's seem's like nothing lost here." Wika nito at tuluyang humarap sa kanya.

Tumango lamang siya at iginiya ito papunta sa kwarto niya kung saan nandun ang laptop niyang nagmomonitor sa cctv niya. Pero bago siya tuluyang tumalikod nahagip ng mata niya ang cabinet niyang kinalalagyan ng mahahalagang files niya. Sumentro ang mata niya sa picture frame na nakapatong sa ibabaw niyon na ngayon ay wala nang picture. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang lumapit at sinipat iyong maigi.

"Wait!" Wika niya na ikinatigil ni Connor.

Magkasalubong ang kilay nitong lumingon sa kanya.

"Why? What's the matter?" Takang tanong nito.

"Yung picture ni Hindler, nawawala." Kanina lang niya inilagay yun kaya sigurado siyang  merong picture na nakadisplay dun. Agad niyang inusisa ang drawer kung saan nakalagay ang mahalagang dokumento niya pati na ang pinakaingat ingatan niya, ang kanyang scrapbook na nagsisilbi na rin niyang diary. Pero halos nakalkal na niya lahat ng laman ng drawer ay wala pa rin siyang nakita.

"Bakit Violet? Is there something missing?" Tanong nito at mabilis na lumapit sa kanya.

"Kinuha niya yung picture ni Hindler. And even my scrap book." Mahinang usal niya. Hindi lang yun basta scrapbook. Diary iyon simula nung maging agent siya hanggang makilala niya si Hindler. Doon nakalagay lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. Yung totoong siya, at siya lang ang nakakaalam nun.

"Anung scrapbook? Is that really important para pagkainteresan ng kung sino mang lalaking yun?" Muling tanong ni Connor.

Hindi niya alam kung iiling siya or tatango. Ang alam lang niya ay kailangan niyang mabawi ang bagay na yun.

"Iwan mo muna ako, Connor. I need to fix myself up." Seryosong wika niya dito. Tahimik naman itong tumango bago tuluyang tinungo ang pinto. Sumaludo pa ito sa kanya ng makarating sa pinto bilang pagpaalam at tango lamang ang isinagot niya.

Pagkaalis ng lalaki ay agad siyang pumasok ng kwarto at nagbihis. Pero sa pag halungkat niya ng gamit ay biglang nalaglag ang kwentas na matagal na niyang inaalagaan. Malungkot niya iyong pinulot at saglit na hinawakan ang pendant na hugis kabiyak na puso.

"Kailan kaya kita muling makikita. Mabubuo pa kaya tong kabiyak na puso? Matutupad mo kaya ang iniwan mong pangako?" Usal niya. Pero napailing siya sa naisip. Alam niyang imposible nang mangyari yun. It's been 12 years, pero wala man lang siyang nabalitaan tungkol dito. Hindi na siya umaasa pa na muli silang magkita. Muli niya ibinalik ang kwentas sa pinaglalagyan.

"Dapat lang na nakatago ka. Hindi ka na rin naman babalikan ng kabiyak mo eh." Malungkot na bulong niya at tahimik na napahiga sa kama. Bukas na niya sisimulan ang pag hahanap sa lalaking iyon. Kung siya man si...

"Hindler..." Malungkot na usal niya. At parang agos ng talon ang mga alaalang bumalik sa isip niya.

"Why are you just standing there and stare at me like that? Did'nt you come here to give me my food?" Medyo pasupladong tanong nito na nagpabalik sa katinuan ni Chloie.

Hhhmmp!!! Suplado naman nito. Anas niya at marahang lumakad palapit dito.

"Ah eto na po s-sir." Mahinang wika niya. Hindi siya sanay tumawag ng sir kaya medyo utal siya. Tahimik niyang inilapag ang tray sa mesitang katabi ng kama nito.

"Can you pass me my juice?" Narinig niyang utos nito pagkalapag na pagkalapag niya ng tray.

Bahagyang nanigas ang katawan niya sa sinabi nito at nag alangan ang sarili. Pero kinuha pa rin niya ang baso ng juice at inabot dito. Pero bago nito tuluyang mahawakan ang baso ay nag ring ang cellphone nito. Sinenyasan siya nitong maghintay bago sinagot ang tawag.

"Sino ba naman tong istorbong ito?" Usal niya at tinitigan ang hawak na baso. "Just bear a little longer Chloie, matatapos mo na rin tong target mo." Muling bulong niya at sumulyap rito. Pero nagkasalubong ang mata nila at nakita niya ang matiim na pagtitig nito na nagpabilis sa tibok ng puso niya. She even trembles.

"Ano bang nangyayari sayu Chloie? Titig lang yan, nangangatal ka na? Asan na yung tapang mo?" Inis na bulong niya. Pero kahit anong saway niya sa sarili ay di niya mapigilan ang pagrambol ng puso. Ni hindi rin siya umiwas sa mga titig nito. Hindi tuloy niya namalayan na tapos na pala ito sa pakikipag usap sa telepono at ngayon ay nakatayo na sa harap niya.

"Ano tong, nararamdaman mo Chloie? Bakit nagdadalawang isip ka kung iaaabot mo or hindi?"

"Can i have my glass of juice?" Mahinang wika nito at inabot ang hawak niyang baso.

Napasinghap siya ng mamalayang halos magkadikit na pala sila nito. At lalo na nung hinawakan nito ang kamay niyang may hawak ng baso.

"Ah eh... O-of c-course!" Muling utal na wika niya at unti unting niluwagan ang paghawak sa baso.

"Thank you." Wika nito ng tuluyang makuha ang baso at agad na inilapit iyon sa bibig para inumin.

Napalunok siya at halos di makakilos lalo na at magkalapit ang katawan nila.

"Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay..." Usal niya at mabilis na inagaw ang basong hawak nito bago pa man iyon tuluyang lumapat sa labi nito.

"Wait!" Aniya at sinadyang tabigin iyon. Sa lakas ng ginawa niya ay agad nitong nabitawan ang baso. Pero hinabol ito ng kamay nito, para di tuluyang bumagsak kaso nga lang mabilis ang reflexes niya. Hinila niya ng malakas ang lalaki nagtagumpay naman siyang di nito makuha ang baso at tuluyan itong nabagsak at nabasag. Pero tuluyang ring nabagsak ang lalaki, hindi sa semento kundi sa katawan niya. Sa lakas ng hatak niya ay napabagsak siya sa kama kasunod ang katawan nito.

Napasinghap siya ng mapagtantong magkapatong ang katawan nila. Muling nagkasalubong ang titig nila at halos magkadikit na rin ang mukha nila. Nakatukod ang kamay nito sa magkabilang gilid ng ulo niya. Pigil ni Chloie ang paghinga at ramdam ang malakas na pagkabog ng dibdib, hindi lang sa kanya kundi maging sa lalaki. Parang iisa ang pintig at sigaw ng puso nila.

Napabuka ang bibig niya ng unti unting bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Langhap na langhap niya ang mabango at mint fresh na amoy ng bunganga nito. Pero hindi siya pumalag. Hindi siya pumalag ng tuluyang lumapat ang labi nito sa labi niya. Mariin siyang napapikit when he smoothly brush his lips against her. Di niya ito nagawang pigilan, bagkus nagustuhan pa niya ang ginawa nito. Nagulat na lang siya sa sarili niya ng gumalaw ang labi niya para tugunin ang halik nito. Lust is not the feeling they feel habang pinagsasaluhan ang halik na yun. They feel the same way as the kiss goes deep. It's not just a kiss with a lust but a kiss with a

"Love? Compassion?" Hiyaw ng utak ni Chloie.

Pero bago pa niya bigyan ng malalim na dahilan ang iniisip niyang iyon ay biglang may malalakas na katok na nagpatigil sa kanila at agad na nagpakalas sa isa't isa. Agad niya itong itinulak at mabilis na tumayo.

"Sir Hindler?" Bungad ng nakakunot noong si Manang Delia. Buti na lang dumiretso ang tingin nito sa nabasag na baso ng juice sa sahig, kaya nagkaroon siya ng pagkakataon ayusin ang nagulong buhok at nagusot na damit.

"Ikaw?" Pasigaw na wika nito at nakapameywang na lumapit sa kanya. "Anong ginawa mo? Ke bago bago mo pa lang nakabasag ka na agad?"

Bago siya makasagot ay sumingit si Hindler sa usapan.

"Ah manang Delia. Wala po siyang kasalanan. Ako po ang dahilan kung bakit nabasag yung baso." Wika nito at hinarap si Manang Delia. Nagbaby face pa ito sa matanda para tuluyang mapaniwala. Lihim naman siyang napangiti sa inasal nito.

"He's so cute!" Usal niya.

"Hoy ikaw, anong nginingiti ngiti mo diyan?" Napatayo naman siya ng tuwid sa biglang pagsigaw nito. Tinimpi niya ang sariling sagutin ito dahil sa pagsigaw nito.

"Linisin mo na yan, madali! At sumunod ka sa akin!" Wika nito at tuluyang lumabas.

Napabuntong hininga naman siya bago nsinimulan ang pagdampot sa nabasag na baso.

"Tulungan na kita."

Napatingala siya sa pinagmulan ng boses at muling nagtama ang mata nila. Muling bumalik sa kanya ang tagpo bago sila maabutan ni Manang Delia. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Kailangan niyang di magpadaig sa nararamdaman niya. Kelangan niyang mapagtagumpayan ang misyon na to. Isa ito sa pinakamalaking mission niya.

"Ahh, huwag na po sir, kaya ko na po ito." Pigil niya dito habang patuloy pa rin sa pagpulot ng nabasag na baso. Buti na lang ceramic ang type ng baso na yun kaya naman di maliliit ang bawat pirasong nabasag.

Tumayo siya ng matapos sa ginagawa at muli itong nagsalita habang inaabot sa kanya ang tissue.

"Ahh, about that kiss." Mahinang usal nito.

Tahimik niyang inabot ang tissue at bahagyang yumuko. Hindi siya nakaimik sa tinuran nito.

"I like it." Muling wika nito. This time tinawid nito ang ilang hakbang na agwat nila. "Who are you?" Muling tanong nito.

Unti unting umangat ang mukha niya at sinalubong ang mga titig nito. Muli na namang nagsimula ang nagrarmbulang daga sa puso niya habang nakatitig sa mga mata nito.

"It's Chloie sir, your new maid." Pagpapakilala niya at tumalikod na para iwanan ito.

"Wait!" Wika nito at hinabol siya. Hinawakan pa siya nito sa braso upang paharapin sa kanya. "I think i already like you Chloie. Not just your kiss. But you." Seryosong wika nito.

Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala ang isang katulad nito ay mag coconfess sa kanya sa unang pagkikita pa lang nila. Napatitig siya sa gwapo nitong mukha at sa mala chocolate nitong mata. Totoo ang sensiridad na nababasa niya sa mga mata nito.

"Sir?" Tanging usal niya. Lahat ng tapang na baon niya ay biglang naglaho sa isang halik mula sa target ng misyon niya. Hindi rin siya pumalag nang hinaplos nito ang mukha niya at muling dinampian ng masuyong halik ang mga labi niya.

"Ano to? Nalove at first sight ka na din sa kanya?" Bulong ng isip niya. Ni hindi kayang manlaban ng utak niya sa ginagawa ng lalaking to sa kanya.

"See you later Chloie." Nakangiting wika pa nito.

Tumango lamang siya at nakangiting tumalikod dito. Parang may paru parung nagliliparan sa sikmura niya. Yan ang nararamdaman niya ngayon.

She's really inlove. Ewan nga ba. Bahala na ang misyong nakaatang sa kanya. Basta ang alam niya kakaiba ang sayang nararamdaman niya ngayon. At ayaw niyang maputol iyon kahit pa ilang minuto pa lang niyang nakikilala ang lalaking yun. Iyon ang isip isip niya habang lutang ang diwa na naglakad pababa sa kusina. Bahala na kung anuman ang kahihinatnan ng misyon niya.

***