Chereads / My love my murderer / Chapter 9 - Chapter India-Patagisan ng galing

Chapter 9 - Chapter India-Patagisan ng galing

*** Hervey

It come's when you least expect it.

"Hindler?" Muling mahinang tanong ng babae.

Unti unti niyang inangat ang mukha mula sa pagkakayuko at sinalubong  ang mga titig nito. Mga titig na magkahalong pananabik at pagdududa.

Nanatili ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya habang nakatayo sa gitna ng pintuan. Hindi na alintana ang papasaradong pinto kaya bago pa man ito maipit ay mabilis niya itong hinila. At sa paghila niya ay napadiretso itong yakap sa kanya. Buti na lang silang dalawa pa lang ang sakay ng elevator. He gasped as he inhale her sweet and seductive perfume. Nang aakit at nag aaya sa kanya para lalo pang hapitin ang bewang nito. He even smells her conditioned hair na medyo basa pa dahil kakatapos lang atang maligo. He's enjoying the scene nang marahas siya nitong tinulak. Napalunok siya at agad na dumistansiya rito.

"Who are you?" May talim na ang mga mata nito nung muling humarap sa kanya.

Hindi siya agad nakaimik. Di dapat nito malaman kung sino siya at baka mabulilyaso pa ang plano niyang paghuli dito. All he need is evidence. But for now kailangan muna yata niyang paghirapan yun.

"Who are you?" Muling tanong nito. Nahagilap ng mata niya ang pagkuyom ng kamao nito habang matalim ang matang nakatitig sa kanya.

Nanatiling nakatikom ang mga bibig niya.

"Sino ka! Ba't ayaw mong sumagot!" Medyo tumaas ang boses nito sa pagtanong sa kanya at nakita niya ang mata nitong bahagyang namamasa sa luha.

Natigilan naman siya ng makita ang hitsura nito. Ngunit bago pa man bumuka ang bibig niya para magsalita ay biglang tumunog ang elevator indikasyon na bubukas at may ilang kabataang sumakay. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para matakasan ang babae. Agad siyang tumakbo palabas bago pa man masundan ng babae. Buti na lang naharangan ito ng kabataang kapapasok pa lang kaya naman nakalabas siya ng malaya. Nasa second floor siya kaya mabilis niyang tinakbo ang hagdan pababa diretso sa parking lot sa naghihintay niyang White Porsche Macan suv. Alam niyang susundan siya ng babae kaya naman agad niyang inarangkada ang sasakyan palabas ng gusaling iyon. Nakahinga na lang siya ng maluwag nang mapagtantong wala ng nakasunod sa kanya.

"Lumiliit na ang mundo niyo ng babaeng yun Hervey. Kailangan mo nang gumawa ng paraan para mahuli siya." Napabuntong hininga siya sa naisip. Kampante siyang di matatrack ang sasakyan niya dahil nakablock ang kung sino mang gustong magtrace ng plate no. niya. And thanks sa napakagaling niyang partner sa pang hahack.

***

Almost 8hrs. din ang binyahe niya mula sa Maynila hanggang sa Casa Merah. Agad siyang dumiretso sa burol ng kapatid niya sa Casa Merah memorial, kung saan nakalagak ang bangkay nito. Hindi siya sanay sa mga ganitong okasyon, kahit sabihin pang balewala lang sa kanya ang pumatay ng tao. Napabuntong hininga siya at inayos ang nakabusangot na mukha bago tuluyang bumaba ng makita ang kanyang ina. Lihim siyang napamura ng makita ang humpak na pisngi nito. Bakas sa mukha ang labis na pagdaramdam nito sa pagkawala ng kapatid niya. Halatang miserable sa loob ng ilang araw mula ng mamatay ang kapatid niya.

Dont worry ma, ill make sure, na makakamtan mo ang hustisya sa pagkamatay ni Hindler. Magbabayad ang babaeng iyon sa pagpatay niya kay Hindler at sa pagiging miserable ng buhay niyo. Taimtim na bulong niya habang naglalakad papasok sa loob ng memorial service para salubungin ang ina.

"Hervey, anak. Salamat naman at nakarating ka. Ikaw na lang ang hinihintay ng kapatid mo eh." Bakas sa boses nito ang pagtatampo.

Seryoso siyang humarap dito.

"I dont want to miss this ceremony ma. You know how important Hindler for me is. I cannot afford to lose him, but..." Naikuyom niya ang kamao dala ng galit ng maalala ang sinapit ng kapatid.

"That's why, you need to capture that woman, son. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa kapatid mo." Suminghot ito para pigilan ang luhang nais sumungaw. "Ang anak kong, walang kalabang labang pinatay ng babaeng yun." Madiin ang bawat salitang binitawan nito at halata sa boses ang galit.

Marahan siyang lumapit rito at mahigpit na niyakap.

"Leave it to me, ma. Ako ng bahala sa kanya."

Pagkatapos ng libing ay nagpaiwan siya sa puntod ng kapatid kasama ang dakilang alalay nito na si Manang Delia. Pero gusto niyang mapag isa kaya pinayuhan na niya itong umuwi.

"Okay sige sir, mauna na po ako sa inyo." Wika nito pero saglit siyang tinitigan ng mariin bago humugot ng malalim na buntong hininga. "Hindi ko akalaing maiisip ko ang ganito. Ang isipin na ang kaharap ko ay si Hervey, at hindi ang pinakamamahal kong alaga na si Hindler."

Malungkot siyang ngumiti.

"Tanggapin na lang natin ang nangyari manang at panagutin ang maysala."

"Tama ka iho. Pero hindi ko lang matanggap na ang babaeng pinakamamahal ni Hindler ay siya pa palang papatay sa kanya." Malungkot na wika nito sabay haplos sa lapidang bagong kabit pa lamang.

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito at agad itong hinarap.

"What do you mean manang Delia?"

"Si Chloie, siya ang babaeng pinakamamahal ni Hindler, kahit sabihin pang maikling panahon pa lang silang magkakilala. Nag ka inlaban agad sila nung unang magkita. Na mahigpit namang tinutulan ng mama mo. Kaya nga patago ang relasyon nila eh. Kaya nga hindi ko akalaing siya pala suspek sa pagpatay sa kapatid mo." Walang preno ang bibig nito sa pagsasalita.

"So, that's it. Kaya pala. Kaya pala nung makita niya ako ay, halos tumalon ang puso niya sa tuwa." Sa isip isip niya. Pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may kakaibang kirot siyang nadarama. Was it because sa pagkamatay ng kapatid niya or dahil sa katotohang hindi siya ang nakikita ng babaeng yun, kundi ang kapatid niya?

Napabuntong hininga siya sa naisip.

"Bakit sir?"

Tanging iling lamang ang isinagot niya sa matanda, bago tuluyang nilisan ang puntod ng yumaong kapatid isang huling sulyap ang ibinigay niya sa puntod nito at isang nabuong plano.

***

Pabalik na siya ng Maynila ng biglang tumawag si Jack. Ininform nito na nakalapag na daw ng Pilipinas ang eroplanong sinasakyan ng intsik na target niya.

"Unit 18, 12th floor at Marriote Hotel. The escape vehicle is ready in the rooftop of the hotel. Need to complete mission within five minutes." Dugtong pa nito.

"Copy that!" Aniya at napangisi. Five minutes is just a matter of time for him when he's doing his mission.

"And of course, i book a room for you. And ang sidekick mo na ang bahalang magcheck out. You get the key from her as long as you arrived. And please dont make a fuss, there's a report may iba pang gustong tumira sa kanya kaya im sure, may masasagupa ka. So, before that happens, unahan mo na sila." Mahabang litanya nito.

"Roger that." Napailing siya at tuluyang pinutol ang tawag.

"Hmmm... Well this is going to be a fun night." Bulong niya at lalo pang binilisan ang pagpatakbo ng kotse at diniretso ang daan patungong Marriote hotel.

Pagdating sa hotel ay nakaabang na sa lobby ang sidekick niyang si Bishan. Agad niyang inabot ang susi dito at tinungo ang unit na tutuluyan.

"Well, ayokong patagalin pa to. May isa pa akong misyon na dapat unahin." Bulong niya habang papasok sa loob ng kwarto ng hotel na pinasukan.

Nang marinig niya ang pagtunog ng elevator ay pasimple siyang sumilip sa butas ng pintuan at napangisi ng makitang mag isa lang ang target at walang kasamang bodyguard, na labis niyang ipinagtaka.

"Di bale na. Kailangan kong samantalahin ang pagkakataon." Anas niya tsaka sumulyap sa suot na smartwatch. Nag set siya ng timer kung ilang minuto niyang matapos ang mission. "Okay, there you are. Five minutes." Aniya at isinukbit ang backpak na laging dala dala sa tuwing may misyon. Isinuot din niya ang clearshades niya na may maliit na camera at scanner na naka install. Nang masigurong nakapasok na ang target ay pasimple siyang lumabas habang isinusuot ang sumbrero at facemask.

Hindi na niya kailangang magpanggap. Straight to the point siya kung magtrabaho eh. Kanina pa niya iniscan ang cctv na nakakabit at hinack sa pamamagitan ng suot na shades. Pasalamat talaga siya sa partner niyang magaling gumawa ng ganitong mga gadgets. Dito siya natuto eh. Agad niyang tinungo ang kaharap na unit at kumatok. Pagkatapos ng tatlong beses na katok ay tsaka lamang sumagot ang nasa loob.

"Yes? Who's there?"

"Your servant sir. Im here to report!" Sagot niya habang nireready ang baril at kinakabitan ng silencer.

Ilang minuto muna ang lumipas bago bumukas ang pinto. Kaya naman lalo siyang nagkaroon ng pagkakataon para makapag handa. Alam niyang hindi agad ito basta basta nagtitiwala siguradong may iba din itong binabalak.

"There you go, Choochoo." Bulong niya ng tuluyang bumulaga sa kanya ang matabang katawan ng target. Napangisi siya at itinutok dito ang baril na labis nitong ikinabigla. Pero handa ang loko, may baon din pala itong baril na agad ding itinutok sa kanya. Kaya bago pa man siya mabaril nito ay agad niyang kinalabit ang gatilyo bago pa ito makahuma.

"Goodbye Choochoo." Nakangising wika niya tsaka tuluyang ipinutok ang baril. Headshot. At bumulagta ang walang buhay nitong katawan nang wala man lang kalaban laban. "Well, that's so easy. Wala man lang ka thrill thrill." Aniya habang isinusuksok ang baril sa kanyang likuran. Kinabig din niya pasara ang pintuan para walang makakakita sa bangkay ng lalaki pero di pa man niya naisara ng ayos ang pinto ay biglang bumukas ang fire exit at lumantad ang isang matangkad na babaeng naka takip din ng facemask ang mukha. Saglit silang nagkatitigan at agad na dumiretso ang mata nito sa nakaawang pang pintuan. Marahil ay nahagip ng mata nito ang nakahandusay na bangkay kaya mabilis na kumilos ang katawan nito at agad siyang binigyan ng flying kick na agad naman niyang naiwasan. Alam niyang babae ito pero alam din niyang kalaban ito at protector ng target niya. Kaya siya naman ngayon ang gumanti ng sipa, pero mabilis na umiwas ang babae at nasangga ang paa niya. She spin him around that make's him fall down.

He smirked.

"Aba't may ibubuga." Mahinang bulong niya. Mabilis niyang pinatid ang paa nito dahilan para matumba din sa lapag. Buti na lang wala pang tao sa hallway na yon kaya walang sagabal sa pag tatagisan nilang dalawa. Agad niyang kinubabawan ang babae at binigyan ng malakas na suntok. Pero nasangga nito ang kamao niya and she moved her leg to kick him. Napaigik siya sa sakit pero ininda niya yun at napangisi.

"Aba't talagang malakas ka ha!" Sa isip isip niya and use his force to turn her down. Now siya na ngayon ang nasa ibaba. He crossed his legs between hers and hug her tightly. Hindi ito nakahuma at agad na pumalag. Sinamantala niya ang pagkakataon para alisin ang takip sa mukha nito. Pero inuntog nito ang ulo sa ulo niya pero binalewala niya iyon at ipinagpatuloy ang pagtanggal sa takip ng mukha nito. But before he could finish what he's been doing the bell from the lift alarm. Saglit silang nagkatitigan ng babae. At bahagya siyang natigilan, ngayon lang niya napansin, pamilyar sa kanya ang mga titig na yun. Bago pa siya makahuma ay tuluyan ng bumukas ang elevator.

Napamura siya ng makita ang ilang armadong kalalakihan.

"Shit!" Aniya at mabilis na ibinalya sa isang tabi ang babae at tumayo, pero nahagip ng mata niya ang barcode na nakatattoo sa punong tenga nito, hindi nga lang niya pinansin dahil ang makaalis sa lugar na iyon ang priority niya kung ayaw niyang matadtad ng bala. "Nagtawag ng kasangga!" Dagdag pang bulong niya. Pero bago siya makalayo sa lugar na yun agad na nagsilapitan sa kanila ang ilang kalalakihan habang ang iba ay dumiretso sa loob ng kwarto ni mr. Choo. Marahil ng malaman kung ano ang sitwasyon ay agad siyang tinutukan ng mga ito ng baril.

"Get him!" Utos ng isa sa mga ito na sa tingin niya'y bodyguard pa nito mula China, base na rin sa hitsura nito.

Mabilis siyang kumilos at agad na nahablot ang babae at tinutukan ng baril. Napaubo naman ito dahil sa biglang paghaklit niya sa kuwelyo nito.

Bago pa man ito makapagsalita ay isang pamilyar na mukha ang bumulaga sa kanya.

"Bitawan mo siya!" Maawtoridad ang boses nito, habang nakatutok na rin sa kanya ang baril nito.

"Connor O'neal?" Kung nakalantad lang ang mukha niya ay nakita na nito kung paano ang ngiting aso niya sa maangas nitong mukha na ngayon ay halos magkasalubong na ang kilay sa labis na pagtataka kung bakit kilala niya ito.

Hindi ito sumagot bagkus ay dahan dahang humakbang papalapit sa kanila. Siya naman ay humakbang paatras patungo sa fire exit habang nakatutok pa rin ang baril sa dalaga.

"Come closer, and ill gonna put a hole in this girl's skull!" Mariing wika niya at idiniin pa ang pagtutok ng baril sa babae. Naramdaman niya ang pagpalag nito pero balewala iyon sa lakas niya, na bahagyang nahahalina ng masamyo ang amoy ng buhok nito.

"No it cant be!" Anas niya. "Just concentrate Hervey!" Inis pang bulong niya dahil sa reaction ng katawan niya ng maamoy ang familiar scent na yun.

Nakita niyang itinaas ni Connor ang kamay nito para pababain ang baril na nakatutok  sa kanila dahilan para tuluyan siyang makalabas ng fire exit. She dragged the girl until she reached the hellipad kung saan nag aabang ang run away vehicle niya, ang chopper niya, habang nakasunod naman si Connor pati ang tauhan nito. Nang makalapit na siya sa chopper ay pasadlak niyang itinulak ang babae sa sahig at kumuha ng teargas na kanina pa nakaabang sa loob ng dala dalang bag at mabilis iyong inihagis sa kinaroroonan nina Connor. Bumulaga sa mga ito ang usok na agad naman niyang sinamantala para makatakas. Agad siyang sumampa sa nakaready ng chopper at tuluyang umalis sa lugar na yun. Pero bago tuluyang makalipad pataas muling nagkasalubong ang titig nila ng dalaga, at sa pamamagitan ng usok ay muling nagtagpo ang mga mata nila.

"There's really strange about that woman! Something strange!" Bulong niya at tuluyang ikinabit ang headset at ipinayapa ang katawan sa biyahe.