Chereads / My love my murderer / Chapter 11 - Chapter Kilo

Chapter 11 - Chapter Kilo

***Hervey

Kanina pa siya nakasunod. Mula sa bahay nito hanggang sa makarating sa mall. Humahanap lang siya ng tiyempo para makalapit dito. And now here he is. He finally succeed. Mauumpisahan na rin niya ang pag iimbestiga. But wait, kaya kaya niyang iwasan ang temptation? Eh ngayon pa nga lang sa paglapat ng kamay niya sa malambot na bewang nito ay natutuliro na siya. Lalo na ang simpleng paghaplos nito sa pisngi niya.

"Hindler?" Muling untag ng babae.

Bigla naman siyang nahimasmasan ng magsalita ito.

Hindi siya nagsalita, bagkus ay mahigpit itong niyakap. Hindi na niya pansin na pinagtitinginan sila ng ibang taong naroon sa mall. Pinigilan niya ang damdamin ng maramdaman ang pagganti nito sa yakap niya.

"Chloie? Ikaw nga ba yan?" Siya na ang unang bumitaw at nagtanong dito.

Luhaan man ay nakangiti itong tumitig sa kanya. He can see the longing in her eyes. Those feelings that she'd been struggling to forget. But now, here he come disturbing those feelings and filling it up. Pero kapalit ng emosyong iyon ay ang magkahalong pagtataka at pagdududa.

"Hindler. Oo. Ako to si Chloie." Sagot nito at muling yumakap sa kanya. "I can't believe this is happening. Ikaw nga ba to, Hindler?" Tanong nito nang kumalas sa kanya.

Napatikhim siya bago sumagot.

"Ganito ba talaga niya kamahal si Hindler at bakit parang ang bilis niyang magtiwala?" Piping bulong niya pero may bahagyang kirot na naramdaman deep inside his heart.

"Yes, babe. Ako to, si Hindler." Pilit niyang pinasigla ang tinig para hindi nito mahalata ang kaseryosohan niya. Hindi siya sanay sa ganitong eksena. Isa siyang seryosong tao at minsan mo lang makitang ngumiti.

"But how come? Bakit b-buhay...ka?" Medyo atubiling tanong nito at bahagya pang yumuko. Bakas sa boses nito ang takot.

Para higantihan ka!

"Yes, babe. Im here. Im alive and kickin'." Wika niya at ginagap pa ang kamay nito. Habang ang isang kamay ay dumapo sa mukha nito.

He slowly lift it up and caress softly.

"Buhay pa talaga ako babe. Hindi ako namatay. Can't you see, im here in front of you."

"Pero paano? Akala ko wala ka na? Akala ko napatay ka na niya!" Naluluhang wika nito at litong lito sa nangyayari.

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.

What does she mean? Pero di siya dapat magpahalatang iba ang kaharap nito. Salamat na lang talaga at magkamukhang magkamukha sila ng kakambal niya. Magkaiba man ng konti ang boses ay kaya na niya iyong kontrolin para maging magka boses sila ni Hindler.

Iginiya niya ito sa kalapit na cafe para maka pag usap sila ng maayos.

"Chloie, babe, oh how i miss you so much!" Wika niya rito at ginagap pa ang kamay nito pagkaupong pagkaupo pa lang nila sa loob ng Starbucks. And big thanks kay manang Delia, pati endearmeant nito at ni Hindler ay nalaman niya.

Bakas sa mga mata nito ang tuwa ng humarap sa kanya. At nang ngumiti ito at lumabas ang puti at pantay pantay nitong ngipin na daig pa ang model ng toothpaste ay lalo niyang nahigit ang hininga.

"God! Dammit! She's so beautiful!" Usal niya habang matiim na nakatitig dito.

"Thank God, Hindler. Akala ko, tuluyan ka nang nawala sakin. Patawad. Patawarin mo ako, ako ang dahilan kung bakit nangyari sayo yun!" Saglit itong nagbuntong hininga bago muling nagsalita. "But i think this is the best way, to prove that i never did it, right? You know what really happened that day right?"

"It's okay babe. Thanks God talaga and di niya ako hinayaang mamatay! And your right maybe this is the best way!" What does she mean? Ano ba talaga ang nangyari nung gabing iyon? Sa isip isip niya habang di pa rin inaalis ang matiim na pagkatitig dito.

"But, paano nangyaring nabuhay ka? Your heart stop beating the moment Lizette enter's the room and naabutan niya akong hawak ang patalim." Hindi maikaila sa boses nito ang labis na pagtataka at pagkalito sa sitwasyon.

"Ah si Lizette!" Mahinang tugon niya. Sino nga ba si Lizette? Bakit ba hindi niya alam king sino yun? Pero walang nabanggit si manang Delia about that Lizette! Tahimik na usal niya. "Maybe she called an emergency ambulance. Iyon din kasi ang sabi ni manang Delia eh. And wala talaga ako masiyadong maalala eh. Maybe, time after time babalik ang memorya ko when im totally recovered." Nakangiting sagot niya.

"How did you manage to find me?" May bakas na ng pagkabalisa ang boses nito ng magtanong.

"Gotcha! Aamin ka din! Now i know your feeling anxious. Stop creating stories para malusutan mo ang kasalanan mo! Huwag mong gamitin ang pagmamahal ni Hindler sayo para takasan ang krimeng ginawa mo!"

Napakamot siya sa ulo bago sumagot.

"Ahh... About that, kahit wala akong masiyadong matandaan sa nangyari, pagkagising ko ikaw agad ang hinanap ng puso ko. Basta ang kuwento ni Manang Delia, nung makita niya raw akong duguan at tadtad ng saksak ay agad siyang tumawag ng tulong kaya agad akong naisugod sa hospital. And i'd spent the rest of my days there until i slightly recovered!" Paliwanag niya. Sinadya niyang maging haggard ang hitsura para mas lalo itong maniwala. He even loss his weight and ang mukha niya ay di masiyadong ahit.

Matipid itong ngumiti.

"Paano mo nalaman na nandito ako sa Maynila? Hinanap mo ba ako para paghigantihan dahil sa nagawa ko sayo?"

Muli niya itong niyakap. This time it was full of sincerity. And the feeling was genuine. Gustong gusto niyang kayakap iyo. Ewan ba niya, pero kahit pilitin niya ang sariling ito ang killer ng kakambal niya, ay may bahagi ng puso niya ang naniniwalang hindi ito masamang babae.

"I missed you so much! That's why, as soon as i wake up, and returned home, ikaw agad ang hinanap ko. I will searched the whole world only to find my beloved. Kahit pa pinigilan ako ni mama, nagpursige pa rin akong hanapin ka. And to tell you the truth, hindi kita hinanap para paghigantihan. Im here to tell you, na gusto kung ipagpatuloy ang pagmamahalan natin." Mahabang sagot niya at kumalas lamang ng dumating ang waiter para ihatid ang inorder nilang kape.

"Pero, hindi ako karapat dapat sayo. Isa akong mamamatay tao!" Giit nito. "Dapat ipahuli mo na ako ngayon at isumbong sa mga pulis. Tulad ng ginawa ng mama mo."

Bakas sa mga mata nito ang lungkot sa bawat salitang binibitawan.

"Chloie. As i've told you. Wala kang kasalanan! Sino bang pinatay mo? Im here in front of you. Alive. And besides wala namang ebidensiya sa ginawa mo eh. There's no witness even!"

Bahagya itong natigilan at matiim na tumitig sa kanya.

"Ahh... Ganun ba?" Wika nito at bahagyang iniwas ang mukha. She tooked a sip of coffee bago muling tumingin sa kanya. "Ahh... By the way, i thought you don't drink coffee.?" Tanong nito. Alam niyang umiiwas lang ito.

Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito.

Oh shit! But the last time i heard he used to drink coffee? But why on earth she ask me about not drinking coffee? Inis na usal niya.

"Ahh... Kasi epekto yata ng operation kaya nakahiligan ko na namang magkape!" Pag sisinungaling niya.

Tahimik itong tumango. Nabahala siya ng mapansin ang biglang pagbago ng mood nito. "Nakahalata kaya siya? No, i must convince her, that im Hindler!" Tahimik na bulong niya.

"Hindler, sigurado ka bang pinag titiwalaan mo akong muli? Despite what happened?"

Tumango siya.

"Yes babe. I trust you. And ilang ulit ko bang sasabihin sayo? Wala kang kasalanan!" Wala nga ba? Tahimik na dugtong niya.

Ilang oras ding nagtagal ang kanilang kuwentuhan. Sinamantala nito ang panahong magkasama sila para punan ang ilang araw na wala sa tabi nito si Hindler. Kahit pa kung ano-ano na lang ang pinagkukwentuhan nila. Halatang halata sa babae kung gaano nito kamahal ang kakambal niya. At parang may maliliit na karayom sa dibdib niya dahil sa isiping iyon.

Matiim niya itong tinitigan. The way her eyes spark. How her lips widened with those beautiful smile. And how glowing she is, the way she talk and the way she sway her head and look straight in his eyes. He can feel those love. Those longing that she held for so long. He can feel those tenderness the way she caress his face, as if he will be gone again. And when she sway her straight yet short hair...

Damn! He can't help it. May kung ano sa damdamin niya ang gustong umusbong. "Is this girl really a killer? With those sweet and innocent smiles?" Hindi niya napansin na kanila pa pala siya tulalang nakatitig dito. "Your lucky, that you have her twin brother!"

"Hindler!"

Napakurap siya ng makitang pinitik pitik ng dalaga ang kamay nito sa harapan niya dahilan para matauhan siya.

"Ahh, yes babe?" Hold yourself man! Why are you losing your grip? Inis na bulong niya.

"Why are you staring at me like that?" Nakangiting tanong nito.

"I just miss you so much babe. I can't help but to stare at you!" Tanging sagot niya.

Tumayo ito at lumipat ng upuan para tumabi sa kanya. Bahagya pa nitong inihilig ang ulo sa balikat niya.

"There she goes again!"

"I miss you too, Hindler. Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisihan ang ipagtapat--"

Naputol ang iba pang sasabihin nito ng biglang tumunog ang cellphone nito.

Saglit itong nag excuse at tumalikod sa kanya para sagutin ang tawag. Nang bumaling ito sa kanya ay wala na ang sigla at ngiti sa mukha nito.

"Why? What happened?" Nagtatakang tanong niya sa biglang pagbago ng reaksiyon nito.

Pilit itong ngumiti bago sumagot.

"Im sorry babe, but i have a mission to accomplished!"

Nag isang linya ang kilay niya sa pag kunot noo.

"Mission?" Maang na tanong niya. And he tightened his grip on the mug he was holding.

***

Enjoy reading!