Chereads / My love my murderer / Chapter 8 - Chapter Hotel

Chapter 8 - Chapter Hotel

***Hervey

"Holy shit!" Inis na usal niya pagkapasok na pagkapasok sa loob ng bahay niya. Ipinagpasalamat niyang di siya nakita ng lalaki.

"Im almost there! Dumating pa ang asungot!" Palatak pa niya habang pasalyang umupo sa sofa at inihagis ang dalang envelope. Nakuha niya ito kanina nung niransak niya ang condo ng babae. Napakurap siya ng maalala ang ayos ng babae ng makita ito kanina.

"God! Please Hervey! Cut the crap man! Siya ang killer ni Hindler!" Hiyaw ng kabilang bahagi ng isip niya. Paano ba naman kasi hindi na mawala wala sa isip niya ang mukha ng babae, at maging ang nakakaakit na katawan nito. Parang na stack na yata sa utak niya ang magandang figures nito. Nag init ang pakiramdam niya ng muling sumagi sa isip ang nakita kanina sa club.

"Haist! C'mon man! Stop dreaming! You need to catch that person, at hindi pantasyahin!" Saway pa niya sa naisip. Padabog siyang humiga pero di pa man lumapat ang likod niya sa sofa ay tumunog ang cellphone niya. Basta na lang niya iyon sinagot ng hindi man lang tinitingnan ang screen. Alam na niya kung sino ang tumatawag sa kanya, kung hindi ang partner niyang si Rick ay ang mama niya. Dalawa lang naman kasi ang nakakaalam sa private no. niya eh. As long as he can, he want all his information remain confidential, kahit pa sa girlfriend niya at sa boss niya sa New York.

"Hey, pare, your car is ready in 30 minutes!" Si Rick ang tumawag at ipinagbigay alam sa kanya na nasa Maynila na ang sasakyan niya at naibiyahe na mula sa isla Thallisiana.

"Oh sucks! Kelangan mo ba talagang tumawag? Your disturbing my rest man!" Pikit ang matang sagot niya.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Sorry man, but i think you need to check your email." Muling sagot nito.

Kunot noong inopen niya ang email na sinasabi nito sa suot niyang smartwatch. Marahil kanina pa ito naisend sa kanya, at di lang niya napansin dahil busy sa pagsunod sa babae.

Lalong nag isang linya ang kilay niya sa nabasa.

"What is this Rick?" Aniya habang binabasa ang file ng bagong kasong hahawakan niya.

"He's your new target. A smuggler from China at magtatayo ng bagong negosyo dito sa Pinas. Matagal na siyang under observation ng branch natin sa NY. And now balak niyang pumasok ng Pinas, pinasa nila sayo ang isang yan." Mahabang litanya nito.

Napabuntong hininga siya sa narinig. Siguradong di na naman niya makukuha ang bakasyon na hinihingi niya. "But, how about that guy Connor O'neal?" Tanong niya.

"He's still on your list. But dont prioritize him first may kailangan pa tayong malaman mula sa kanya. Unahin mo ung tsino na yun!" Sagot nito sa kabilang linya.

"Roger that!" Aniya at tuluyang pinutol ang tawag dito.

Inilapag niya ang cellphone sa mesa at aktong hihiga ng masulyapan niya ang inihagis niyang folder kanina. Agad niyang inabot yun at curios na binuklat. Basta lang niya ito nakuha kanina ng di man lang niya tinitingnan kasabay ng paghugot niya ng larawan ni Hervey. Tumambad sa kanya ang isang scrapbook na sa tingin niya'y naglalaman ng impormasyon ng babae. Lalo siyang nacurios na halungkatin ang pagkatao nito, at kung ano ba talaga ito sa buhay ni Hindler.

Marahan niya iyong binuksan at pinasadahan ng tingin ang bawat letrang nakasulat doon.

Dearest diary,

Iyon ang mga salitang tumambad sa kanya.

"Hmm? Diary? How could a girl like her wrote a diary?" Usal niya.

"It's been a long tiring day yet need to get up for another round. But still keep on fighting, until i reach the goal."

Tumayo siya at tinungo ang kusina para magtimpla ng kape. Saglit niyang inilapag ang hawak na scrapbook at naglagay ng Nespresso capsule sa coffee maker at muling ibinalik ang tingin sa binabasa, habang hinihintay ang paborito niyang kape, Ristretto flavor.

"I almost there. Magiging isa na ako sa kanila. Pero bakit ganun? Hindi pa rin buo ang loob ko na tanggapin 'tong kapalarang to? Tama ba talaga ang desisyon kong sumapi sa kanila?

Saglit niyang iniwan ang binabasa nang tumunog ang alarm ng coffee maker letting him know na ready na ang ristretto niya.

Napa kunot ang noo niya when he flip the page and read what's the writing there.

Ang tagal ko siyang hinintay bakit hanggang ngayon ay di man lang siya nagpakita?"

Napakibit balikat siya sa nabasa at bahagyang napaupo sa mesa. Marahan siyang humigop ng kape bago iyon muling inilapag sa mesa. He skip the next pages and reach the end.

"Tatlong buwan na lang ika 12 years na nang paghihintay ko sa kanya. Iseselebrate ko na ba? Or babalik ako sa lugar na tagpuan namin? Pero baka muli lang akong mabigo."

"What's with her? Ang drama niya." Usal niya pero bahagyang nakadama ng kabog sa dibdib ng makita ang drawing nitong half broken heart. As if, it's waiting for it's pair. Bago pa niya iflip ang huling pahina ay muling tumunog ang cellphone niya. Saglit niyang isinarado ang binabasa at sinagot ang tawag ng makitang mama niya ang nakalagay sa caller id.

"Yes ma?" Casual na sagot niya. Ayaw niyang ipahalata dito ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa pagkawala ni Hindler.

"Today is your brother's last day. Di ka man lang ba pupunta?" May bahid ng tampo ang boses nito.

"Wow, what a pleasant greeting this early in the morning." Pagbibiro niya sa sinabi nito. "Di mo man lang ba muna ako kukumustahin?" Malambing na Dugtong niya and he pout his lips bilang paglalambing dito.

"That's why, i need you to come home. Bisitahin mo naman ang mama mo kahit isang beses lang. Di yong puro ka na lang trabaho." Sermon nito.

Napangiti siya.

"Okay ma. Expect me there soon." Sagot niya and end the call. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan. Hindi siya masiyadong close dito di katulad ni Hindler dahil sa ibang bansa siya lumaki. Pero wala siyang sama ng loob sa mga ito, lalo na sa kakambal. Sa katunayan lagi silang magkausap ng mga ito at wala silang tinatagong sekreto sa isa't isa. Yun nga lang nitong mga nakaraang buwan medyo nag lie low ang communication nilang dalawa bago nga ito namatay. At iyon ang isang dahilan na gusto niya ring malaman.

Napabuntong hininga siya at mabilis na tumayo para magbihis. Kailangan niyang maagang makaalis, mahaba haba ding biyahe ang lalakbayin niya papuntang Casa Merah. Dala ang scrapbook ay tinungo niya ang sariling kwarto at nagbihis. Saglit niyang inilapag sa kama ang dalang scrapbook para kumuha ng damit na isusuot. Di na niya kailangang magdala ng ekstrang damit dahil wala naman siyang planong magtagal doon. Mag aatend lang siya ng libing ni Hindler at babalik agad para tapusin ang misyon niya.

Sinuot niya ang black Under Armour niyang t-shirt at rugged pants. Pinarisan niya yun ng black lacoste casual shoes. Nagjacket din siya para panlaban sa lamig. Matapos sipatin ang sarili sa salamin ay agad na siyang lumabas. Hindi na niya naalala ang scrapbook na naiwan sa kama.

Mag aalas sais na ng umaga nung lumabas siya at sinigurado niyang walang makakakita sa kanya sa paglabas niya. Walang nakakaalam na may nakatira sa inuupahan niyang unit. Ang alam ng mga kapitbahay niya ay nasa ibang bansa ang may ari nito.

Napabuntong hininga siya ng tuluyang makapasok sa elevator. My mission will ruined if she know's me! Sa isip isip niya habang pinagmamasdan ang unti-unting pagsara ng pinto ng elevator. Ngunit bago pa man yun tuluyang sumarado ay may mga kamay na pumigigil sa pinto dahilan para manatili itong nakabukas. He hold his breath when they're eyes met.

"Hindler...?" Mahinang bulong nito.

***

Happy readings!!!

Please add me on facebook for story updates.

@Monica grace patricio obsanga