The tragedy of life is not that it ends so soon, but that we wait so long to begin it.
--
Unang araw ng klase namin ngayon pero tinatamad talaga ako pumasok. Kung hindi lang talaga kailangang mag-aral baka kahit hanggang tumanda ako hindi ako tutuntong sa paaralan.
Bakit ba kasi nagkaroon pa ng paaralan at ng mga teacher pati ng mga nakakabuwisit na kaklase? Mas masarap pang matulog na lang sa bahay e.
Papunta na ako ngayon sa bagong nilipatan ko na paaralan ang BTS o Bitter Technology School. Malapit lang kasi ang school na ito sa bahay namin kaya dito na lang ako nagpalipat sa parents ko.
Marami rin akong nakikitang naglalakad na mga estudyanteng gaya ko. Pero wala akong pakialam sa kanila basta dire-diretso lang ako naglakad papasok.
May nakita akong tatlong lalaki at isang babae na naghaharutan. Grabe ang ingay noong babae tapos talo pang nakalunok ng microphone. Kaya para hindi ko na marinig ang ingay nila ay binilisan ko na ang paglalakad.
Sa ilang minutong paglalakad ko ay nakarating din ako sa classroom ko. Naghanap ako ng mauupuan kung saan tahimik ng buhay ko kaya naglakad na ako papunta sa upuang malapit sa bintana. Iyon kasi ang parte na pinakagusto ko dahil marami akong punong makikita.
May mga kaklase na rin naman ako rito pero wala akong oras para pansinin sila dahil ayaw ko ng may kinakausap at nakakasalamuha ako. Simula nang niloko ako ng dati kong kaibigan nawalan na ako ng tiwala sa lahat kahit na magulang ko nga hindi ko alam kung nakalimutan na nilang may anak sila.
"Bilisan niyo na Kurt maglakad! Malapit na dumating si ma'am baka ma-late tayo unang araw pa lang ng klase!" pasigaw na tawag ng babaeng maingay kanina sa kalsada na nadaanan ko.
"Oo na Boss Alyssa dadalian na namin," sabay-sabay na sabi ng mga mukhang abnormal na kasama niya.
Bakit ba ako nakikinig at nakatingin sa kanila? Kaya ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa labas. At hindi na nakinig sa ingay nila.
Ilang minuto ang lumipas dumating na si ma'am saktong 7 'o clock. Kaya umayos na ako ng upo at pasimple kong tinanggal ang earphones ko sa aking tainga. Kahit ayaw ko ang school ay sumusunod pa rin naman ako sa rules dahil ayaw kong mapahiya sa buong klase.
"Good morning, Grade 12- Stewardship!" malakas na sabi ni ma'am na ikinagulat naming lahat. Mukha siyang mabait pero 'yong boses niya punong-puno ng awtoridad kung saan kailangan sundin mo siya kapag may sinabi siya.
"Good morning, ma'am!" sabay-sabay na bati namin sa kanya habang nakaupo. Dahil unang araw ng klase mukhang matino pa mga kaklase ko. Ewan lang kapag nasa kalagitnaan na kung matino pa sila.
"Ako nga pala si Gng. Martizano, ang magiging guro ninyo sa Filipino. Ngayon ay unang araw ng klase maaari lamang na magpapakilala kayo isa-isa dahil hindi ko pa kayo kilalang lahat. It's up to you if you want to introduce yourself in Filipino or English. Let's start from the only girl at the back," seryosong sabi ni ma'am at parang nakaturo sa direksyon ko.
Para makasiguro ay tumingin ako sa kanan ko dahil baka nagkakamali lang ako ng interpretasyon sa itinuturo ni ma'am na unang magpapakilala sa harap.
Sa lahat pa naman ng ayaw ko iyong nagpapakilala tapos ang masakit pa ay ako iyong una. Kaso pagtingin ko ako lang iyong babae na nakaupo sa likod dahil ang mga nasa kanan ko puro lalaki.
Kung sinusuwerte nga naman talaga ako. Ako pa ang unang magpapakilala. Kaya labag man sa kalooban ko ay tumayo na ako para pumunta sa harap para gawin ang sabi ng guro namin.
"My name is Edlaiza Fujiwara and I don't want any friends and groupmates," sabi ko pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa upuan ko. Iniklian ko lang ang pagpapakilala dahil ayaw ko mag-stay ng matagal sa harapan. Idagdag paeg may mga nakikinig sa 'kin na mga kaklase.
Hindi na nila ikinagulat iyong sinabi ko dahil nga ang school na ito ay para lang sa mga tulad kong mga may pinagdadaanan.
Nakita kong sumunod na nagpakilala iyong mga lalaki sa kanan ko pero hindi na ako tumingin at nakinig sa kanila. Nilaro-laro ko na lang ang ballpen ko habang nagpapalipas ng oras.
Nakakatamad talaga kapag unang araw ng klase. Pero okay na 'to kaysa ako lang iyong nasa bahay.
Ilang oras din ang ginugol naman dito sa classroom para makinig sa mga paliwanag ng guro tungkol sa pag-aaralan namin sa susunod na mga araw. Mayamay ay tumunog ang hudyat na tapos na ang oras ng klase namin.
Dahil half day kami ngayon ay makakauwi na agad ako nang maaga.
---
📓Vote📓Comment📓Share
Thank you for reading my story!