Chereads / Ang Kalye_Serye Ni Donna / Chapter 1 - Chapter One

Ang Kalye_Serye Ni Donna

🇵🇭5UNOU5MYW5
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 42.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One

12:15 pm September 22, 2018 Saturday

"Hello, Guys! Good Afternoon sa inyong lahat!"

"It's me again! Your maganda at sexy Ka-Tropa ng mga Millenials, Madonna Celine a.k.a "Donya" Chen, at your service." masigla kong bati sabay wave ng mga kamay ko sa harap ng isang video recorder habang nire-record ng live ang aking sarili.

Panasonic Video/Camera Recorder at Dolica Tripod ang mga name ng brands nang mga gadgets na ginagamit ko sa tuwing nagre-record ako ng live.

Kasalukuyan akong nasa kuwarto ko habang inihahanda ang mga gamit na dadalhin ko sa biyahe papuntang Lobo, Batangas.

"Kumusta na ba ang mga buhay-buhay natin?" patuloy na pagsasalita ko habang nakaharap sa video recorder kung saan kitang-kita ang ginagawa kong paroon at parito sa loob ng aking kuwarto.

Maaga akong gumising para masimulan ko ang mga dapat kong gawin sa araw na ito at isa ang pagpunta sa Lobo, Batangas sa mga gagawin ko ngayong araw na ito.

Tatanungin ninyo siguro ako kung bakit ako papunta ng Batangas.

Ganito kasi iyan, teka nga muna patayin ko muna itong video recorder tutal naman wala pa akong nakahandang magandang kuwento para i-share sa mga madlang people.

By the way kagaya ng bungad ko sa video. Ako si Madonna Celine Chen. Tagarito ako sa Kawit, Cavite.

Filipino-Chinese pero hindi mukhang Chinese, mas malakas kasi ang dugo ni Mommy na nananalaytay sa akin kaysa kay Daddy na isang pure Chinese.

Kasama kong naninirahan sa bahay ang Mommy Carolina at Daddy Samuel ko pero sa ngayon wala sila sa bahay.

Ako at ilang kasambahay namin ang nandito sa bahay.

Nag-out of town kasi ang magulang ko dahil may i-me-meet na mga bagong clients si Daddy na gustong makipag-transaction kay Daddy at may kinalaman ito sa negosyo ng aming pamilya.

Supplier kasi kami ng mga garments. Ito ang negosyo ni Daddy simula pa noong binatilyo siya.

Only child ako. Chinese si Daddy na conservative pero hindi naman siya strict na ama, mas strict pa nga si Mommy.

25 years old. Graduate ako ng Bachelor Of Science In Business Administration.

Ano ang itsura ko? Isa-isahin ko muna.

Kamata ko si Kathryn Bernardo.

Kailong ko si Sophia Andres.

Kasing nipis ng labi ni Liza Soberano ang labi ko.

Kasing tangkad at kasing sexy ni Julia Baretto ang height at body shape ko.

At kasing puti at kinis ni Mariane Rivera ang kutis ko.

Ano na-imagine ninyo na ba? Hindi ba ang ganda ko.

Naku!, Tama na nga nahihiya na tuloy ako, kayo kasi.

Ituloy ko na ang kuwento ko.

Isa ako sa mga bagong usbong sa larangan ng Video Blogging. Isang akong Video Blogger.

Matagal ko na itong naririnig na binabanggit ng ibang tao o nakikita ko na ito noon pa man na ginagawa ng iba.

Ang first time kong gumawa ng video blog ay noong nasa College pa ako. Nag-start akong gumawa ng video blog noong graduation day ko sa College.

Trip lang noong una kasi nakaka-proud na napasama ang pangalan ko sa isa sa mga Dean's Lister ng aming klase bukod sa nakagraduate ako ng College.

Siyempre dahil happy ako noong time na iyon naisipan kong i-record iyong mga magagandang moments na kasama ko pa ang iba kong friends.

Sa Facebook ko siya unang pinost at nang makita ko na maraming nag-views, likes, shares and comments, nag-decide na akong gumawa pa ng ilang video blogs na mostly tungkol sa hobbies ko, musings or thoughts about any thing at mga places na napupuntahan ko kapag may free time akong mag-relax.

At kapag mas marami pa akong free time, pagtutuunan ko ang pag-gawa ng mas maraming Travel Blogs tutal mahilig din naman akong gumala o mag-lakwatsa.

Sa isang banda kahit graduated ako ng BS Business Administration, sinabi ko kay Daddy ang totoo na hindi pa ako prepared para mag-patakbo ng business namin. Sa una inakala ko na magagalit si Daddy sa desisyon ko dahil sa iba ang pinili kong career at ito ay ang pagpipinta.

I'm an owner of a small painting and gallery shop naming "ARTMO".

Located here in Poblacion Kawit, Cavite.

I put my original artworks, hand-made crafts, art supplies for selling on my shop.

I had my personal art collections display too but not for sale and only available for public viewing.

Bata pa lang ako mahilig na akong mag-drawing, magpinta o gumawa ng mga art activities sa school namin.

Sumasali din ako sa mga pa-contests ng aming school o sa ibang events na may kinalaman sa Art.

Hindi man lahat ay may pa-premyo pero iyong mapili ang pinaghirapan mo at magustuhan ng iba, isang masaya at magandang experiences na para sa akin.

At si Daddy at Mommy ay palaging supportive sa akin sa kahit anong gawin ko o kahit anong maging desisyon ko kaya nga mahal na mahal ko sila. Naku! Tama na nga baka maiyak pa ako, ma-damage pa ang beauty ko.

Balik tayo sa dahilan kung bakit ako pupunta ng Lobo, Batangas.

Mayroon kasi akong na-meet na new friend sa Facebook.

Her name is Isabella o "Isay" Noriega. Isa siya sa mga nag-li-like, sharing and nag-co-comments sa bawat video blogs na pinopost ko sa Fb hanggang sa maging best of friend o girl-friend ko na siya.

Taga-Lobo, Batangas siya. Malapit na kasi ang Fiesta sa kanila, ang "The Anihan Festival", from September 24 to September 29 at inimbitahan niya ako para magpunta sa kanilang bayan. At dahil gusto kong makita kung paano sila mag-celebrate at siyempre para makita ko na rin si Isay sa personal, kaya heto pagora na ako ngayong araw na ito papunta doon sa bayan nila.

Heto tumatawag na siya....

Sinagot ko ang tawag ng BF ko at ayon sa naririnig ko mula sa kabilang linya, mukhang mas excited pa siya sa akin.

"Hoy, Donya! Sitting pretty ka pa yata diyan sa inyo? Punta ka na dito. Ang tagal mo hah! May ipapakilala pa naman ako sa iyo na boylet!" si Isay na halata sa tono ng boses ang kilig habang kausap ako sa cellphone. Dinig na dinig ko kasi ang paghagikgik nito at ang matinis nitong tinig sa tuwing magsasalita na ito.

"Naku, Sis! Grabe ka, para namang ang lapit nang pupuntahan ko. Wait mo na lang kasi ako diyan!"

"Heto nga at nag-iimpake na ako nang mga gamit na dadalhin ko sa biyahe. I-reserba mo muna iyang boylet na tinutukoy mo." sabi ko sa kanya habang napapangiti ako sa usapan naming dalawa.

"Ahh!... basta dalian mo at baka abutan ka pa ng traffic sa daan at gabihin ka pa."

"Kung may problema, tumawag ka lang sa akin o ako ang tatawag sa iyo. Sige babuu na! Nagwawala na iyong alaga ko. Labyuu! muwahh!" sabay end niya ng call at ganoon din ako.

Naku! Paano ba iyan? Paalam na muna sa inyo all. Aayusin ko pa kasi ang mga gamit ko. Kita-kita na lang ulit tayo sa susunod. Byee!