"Sir!, nandito na po tayo!" ang narinig kong sinabi ng isang lalake na may malagong na boses. Ang nagsalita ay ang driver na nagmaneho sa kotseng sinakyan ko.
Hindi ako natutulog dahil gising na gising ang diwa ko pero kanina pa nakapikit ang mga mata ko habang nakahilig ang ulo ko sa headrest ng upuan na inuupuan ko habang nasa loob ako ng kotse. Nakasakay ako sa isang Color Grey Ford Fusion Full-size Car. Nagmulat na rin ako ng aking mga mata mula sa pagkakapikit at napansin ko na nakahinto ang kotse sa harapan ng isang school.
Ang nagsalita ay si Kuya Oscar Diokno, ang personal driver ng Tita ko, si Tita Shane Lim.
Si Tita Shane ay bunsong kapatid ng Papa ko. Dalawampu't-walong taong gulang na si Tita Shane. Wala pa siyang asawa ngunit may kasintahan siya at matagal na rin silang nagsasama bilang magkasintahan. Nag-mamay-ari si Tita Shane at ang nobyo niya ng ilang branches ng Bakery Shops dito sa Maynila. Ang pangalan ng shop ay "Earthian's Sweet Pastries Shop."
Si Kuya Oscar naman, siya na ang maghahatid sa akin simula ngayon papunta sa school na papasukan ko.
Ang bagong school na nilipatan ko.
Tatlumpung taong gulang na si Kuya Oscar. Ang alam ko lang matagal-tagal na siyang personal driver ni Tita Shane. Taga-Malolos, Bulacan si Kuya Oscar.
Sa Cebu City talaga ako naninirahan pero kagustuhan ni Papa na dito ako sa Mandaluyong magpatuloy ng pag-aaral o tapusin ang High School hanggang College, kaya heto ako ngayon nakatanaw sa isa sa mga kilalang school dito sa Mandaluyong.
Dito rin sa Mandaluyong naninirahan si Tita Shane.
Pansamantala muna akong manunuluyan sa bahay ng Tita ko hanggang sa makatapos ako ng High school bago ako lumipat sa isang apartment na malapit sa school na papasukan ko kapag nag-college na ako.
Sa ibang school ko nais mag-aral ng College kung saan naroroon ang mga barkada ko noong elementary ako at sa Cebu pa ako nakatira. Napagkasunduan naming magbabarkada na parehong University ang papasukan namin kapag tumungtong na kami sa College.
2nd Quarter na rin. Ito rin ang unang araw ko nang pagpasok sa school na ito.
3rd Year High School na ako. Labing-limang taong gulang.
Matangkad, maputi, singkitin dahil may dugong Chinese ako mula sa Father side.
Bumaba na ako sa kotseng sinakyan ko.
Pagkababa ko, pinaandar na ni Kuya Oscar ang kotse para umalis.
Pagkaalis ni Kuya Oscar, nagdiretso na ako maglakad papasok ng entrance gate ng school.
Habang naglalakad ako sa loob ng campus para hagilapin ang office nang Principal ng school na ito, napansin ko ang mangilan-ngilan mga estudyante na mataman nakatingin sa akin.
Ang ilan ay mga babaeng estudyante na hindi magkamayaw sa kani-kanilang mga kilos habang sumusulyap sa akin.
Bagamat sanay na akong pinagmamasdan o tinitingnan ang bawat pagkilos ko, hindi ko maiwasang hindi mairita o maasiwa dahil na rin sa ipinupukol na atensiyon nila sa akin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Nakarating ako sa ground floor ng building M at patungo na ako sa 2nd floor ng building para puntahan ang room (201) o ang office ng Principal para kausapin ang Principal na si Mrs. Cynthia Buenavista.
DONNA'S POV
Papunta ako ngayon sa Principal's office dahil pinapatawag ako ni Ma'am Margareth, kung ano man ang dahilan, aalamin ko pa lang.
Halos iilan na lang ang mga estudyanteng natatanaw ko sa paligid.
Kanina pa kasi nag-uumpisa ang mga klase pero ang sa amin ay hindi pa dahil wala si Ma'am Margareth at ito nga pinapatawag ako kaya papunta ako ngayon sa office ni Madam Principal.
Si Cessy kanina pang pumasok sa loob ng classroom nila dahil dumating na si Sir Nick para magturo.
"Donna!" napalingon ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ng isang babae.
Si Nilda Camacho or "Ida", isa sa mga best friends ko.
Matangkad si Ida dahil 5'7 ang height, maamo ang mukha, morena at maganda ang hubog ng pangangatawan. 3rd Year High School. Fifteen years old.
Madalas kuhanin na muse si Ida bilang Representative ng JRU High School Basketball Team.
Isa din sa madalas mapiling pambato pagdating sa mga Beauty Contests na ginaganap dito sa aming school o maging sa ibang contests na kalaban ng aming school ang ibang school.
"Saan ka papunta?" tanong sa akin ni Ida, may pagka-poker face at monotone lang ang isang ito kung magsalita o makipag-usap.
"Principal's office! Ikaw?"
"Sa library, may pinapakuha si Ma'am Stella sa akin na gagamitin namin sa Lesson, kaya sasabay na ako sa iyo." tugon naman ni Ida sa akin.
Si Ma'am Stella Dixon ay ang class adviser nina Ida. Math ang itinuturo ni Ma'am Stella samantalang ang class adviser naman namin na si Ma'am Margareth ay English ang itinuturo. Si Sir Nick naman ay Science ang itinuturo at siya ang class adviser nina Cessy.
Ilang araw ko nang napapansing tahimik si Ida, tahimik na tao naman talaga siya pero iba ang pagiging tahimik niya nitong mga nagdaang araw.
"Ida, Bes! nitong mga nagdaang araw napapan—" napahinto ako sa pagsasalita ng muli siyang magsalita.
"Noong isang linggo nga pala nakita ko ang isang Senior natin sa Mall."
"Oh!... Talaga? Isang Senior natin ang nakita mo mismo?" halos hindi makapaniwalang tanong ko kay Ida habang nakatingin sa kanya. Tumingin naman si Ida ng makahulugang tingin sa akin.
"Oo!"
"Kilala mo ba kung sinong senior ang nakita mo?"
"Oo, kilala ko siya dahil tanda ko naman ang mukha niya! pero hindi ko matandaan ang pangalan niya."
"Pero kilala mo siya Bes. Siya iyong guy na katamtaman lang ang tangkad, kulot ang buhok, kayumanggi at Varsity Player din ng Basketball team natin."
"May kasama nga rin siyang babae na medyo maliit pero sexy at maganda ito."
"Magka-holding hands pa nga sila at para silang mga manok."
"Kung makipagtukaan kasi iyong guy sa kasama niyang babae, akala mo sila lang ang tao sa paligid." walang kagatol-gatol na sabi ni Ida bagamat hindi nakatingin sa akin habang nagsasalita.
Ganoon? Pero sino naman kayang senior ang nakita ni Ida?
"Isa siya sa mga nanligaw sa iyo pero binasted mo, kasi masyadong presko at bilib sa sarili ayon sa deskripsyon mo sa kanya." muling nagsalita si Ida at bahagyang sumulyap ng tingin sa akin samantalang ako, heto naguguluhan pa rin dahil hindi ko pa rin alam kung sino ba ang tinutukoy ni Ida.
Tahimik na tao si Ida at may pagkamahiyain. Mas madalas na nakikinig lang siya sa usapan.
Pagdating sa usapang Pag-ibig, pinaka-open o vocal at opinionated si Cessy kumpara kay Ida. Pero minsan na rin siyang nag-open up sa akin.
Bagamat first time na nangyari iyon o first time ko lang narinig si Ida na magsabi ng kanyang saloobin o iniisip sa Topic na may kinalaman sa Pag-ibig.
"Hindi ko talaga kilala o maalala kung sino iyong tinutukoy mo Bes?" bahagyang napakamot ako sa aking kanan pisngi.
"Sure ka ba talaga Bes sa nakita mo?"
"Isa ba talaga sa senior's natin ang nakita mo sa Mall?"
May ilan din naman mga guys ang nagpalipad hangin sa akin pero dahil wala naman doon ang atensiyon ko kaya nakakalimutan ko na rin ang tungkol doon.
"Ganoon ba talaga ang mga lalake?"
"Mga lalakeng sinasabing gusto nilang ligawan ang isang babae at sinasabing gusto nila ito pero kapag sinabi na noong babae na hindi pa handa para doon, sumusuko na agad?" biglang tanong ni Ida sa akin, ngunit sa tono nang pananalita niya ay may bahid ito ng pagkadismaya.
Kung ano ang dahilan, iyon ang hindi ko alam.
"Bes!, O...okay ka lang?"
"Okay lang ako! naitanong ko lang kasi nakita ko nga sa Mall iyong guy na sinasabi ko sa iyo na dati rin nanligaw sa iyo."
"Hindi ba one week din siyang umaaligid-aligid sa iyo?"
"Hu-huh? Sino? Ahh!--- Parang alam ko na ang ibig mong sabihin at kung sinong tinutukoy mo." nakuha ko na rin ang pinupunto ni Ida.
"Oo!"
Si Kevin Montano ang tinutukoy ni Ida, isa sa mga Senior's namin.
Halos ligawan na nito ang lahat ng magagandang babae dito sa school. At ilan na rin ang nabalitaan kong naging girlfriend's nito.
Sa totoo lang hindi ko naman pinoproblema kung makahanap nang iba si Kevin dahil karapatan niya ito bilang lalake. At saka nagsasabi pa lang noon si Kevin kung puwedeng manligaw sa akin ngunit kaagad-agad ay tinutulan ko na pero dahil siya si Kevin kahit papaano sumubok siya manuyo kahit one week.
"Inaalam mo ba kung anong mararamdaman ko o iniisip ko na may kinalaman doon sa nakita mo sa Mall?" hindi sumasagot si Ida pero alam kong nakikinig siya sa bawat sinasabi ko.
"Ang totoo hindi naman ako naaapektuhan o dapat maapektuhan kung makita ko siyang may kasamang iba." muling napasulyap sa akin si Ida habang tinititigan ang aking mga mata, bahagyang mababakas sa kanyang mukha ang pagtatanong.
"Oo nga nagsabi siya sa akin, nanligaw sa pamamaraan niya, pero binasted ko siya, kasi alam ninyo naman na hindi ko pa priority ang pakikipagrelasyon. Hindi ba iyon ang madalas kong sabihin sa inyo."
"Isa pa wala akong karapatan manghimasok kahit ano pa ang gawin niya sa buhay niya o kung ano man ang maging desisyon niya dahil wala naman akong isinukling pagmamahal sa inialay niyang pag-ibig sa akin."
"Seryoso man siya o hindi sa mga pinakita o sinabi niya sa akin noon, ang masasabi ko lang may karapatan siyang magdesisyon para sa kanyang sarili."
"Kung ano man ang gawin niya labas na ako roon o wala na akong kinalaman doon."
"Maliban na lang kung may naramdaman talaga ako para sa kanya noong panahong nanliligaw siya sa akin pero nagkataon lang na hindi pa ako handang makipagrelasyon sa kanya."
"Makakaramdam siguro ako ng panghihinayang dahil sumuko siya agad at ako naman dahil hindi ko pinakinggan ang dinidikta ng puso ko."
"Kung ganoon nga mismo ang nararamdaman ko noong mga panahon na iyon, malamang maapektuhan ako kung bigla ko siyang makita na may kasamang iba."
"Pero dahil wala naman akong nararamdaman para sa kanya at bukod doon pag-aaral o ang makatapos sa pag-aaral ang priority o goal ko sa buhay kaya hindi dapat ako maapektuhan kung may iba man siyang magustuhan."
"Kung tinatanong mo ako kung may panghihinayang ba o wala?, Wala ang sagot ko."
"Isa pa kung seryoso talaga siya sa panliligaw sa akin, kahit sinabi kong hindi pa puwede, maghihintay siya kung kailan ako puwede."
"Hindi ko alam kung demanding o requirement ba siyang maituturing para lang mapatunayan kung seryoso o hindi ang isang guy."
"Basta ang alam ko lang kung seryoso ang isang guy handa siyang maghintay o mag-effort para doon sa girl na gusto niya."
"At kung sabi mo na nakita mo siyang may kasamang iba kahit kagagaling lang niya sa panliligaw sa akin, nabasted ko lang siya."
"Para sa akin okay lang dahil doon nalaman kong hindi siya seryoso talaga, dahil ang bilis nagbago ng damdamin niya."
"Pero kagaya ng sabi ko may karapatan siyang magdesisyon para sa kanyang sarili."
"Hindi naman puwedeng sa akin na lang umikot ang mundo niya o maubos ang oras niya kung ang ending hindi ko pala siya sasagutin."
"Magiging paasa ako noon at magiging unfair sa kanya iyon."
Tahimik pa rin si Ida habang nakikinig sa mga sinasabi ko.
"Bakit mo nga pala naitanong?" hindi ko alam ang iniisip ni Ida pero nararamdaman kong may dinadamdam siya na hindi lang masabi sa akin.
Sa tingin ko wala rin kinalaman ang tanong niya sa akin sa nakita niyang eksena sa Mall.
"Sige! hanggang dito na lang ako, pumunta ka na sa Principal's office, baka hinihintay ka na ni Ma'am Margareth." ngumiti na lang sa akin si Ida pero napansin ko sa mga mata niya ang pagkalito at lungkot.
"Ida! Kapag hindi mo na kaya, ibuhos mo sa akin lahat, sasaluhin ko ng buong-buo." nakangisi kong sabi sa kanya.
Pumasok na sa loob ng library si Ida at ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa 2nd floor ng building M, para puntahan ang room (201) kung saan nandoon ang Principal's office.
Nasa loob na ako ng building at paakyat na ako sa hagdanan patungo sa office ng Principal namin nang mapansin ko ang isang estudyante. May bitbit ito na mga kahon at sa hitsura ng estudyante, hirap na hirap itong dalhin ang mga kahon. Napapangiwi na ito dahil siguro sa bigat nang dinadalang mga kahon. Tatlong kahon ang binibitbit nito na hindi ko alam kung ano ang mga laman.
Tutulungan kong magbitbit ng mga kahon iyon estudyante kaya papalapit na ako sa kanya.
Nang papalapit na ako sa estudyante para tulungan ito sa pagbibitbit ng mga kahon, muntik na akong atakihin sa puso dahil sa nerbiyos. Ang akala ko mahuhulog pa ito sa hagdanan dahil muntik na itong matalisod. Hindi kasi kita noong estudyante ang tinatapakan niya dahil nakaharang sa kanyang paningin ang mga kahong binibitbit.
Pero mabuti na lamang naihawak nito ang isang kamay sa railing na bakal ng hagdanan bilang suporta at para hindi siya tuluyang mahulog, kaya nga lang dahil hindi niya nahawakan ng maayos ang mga kahon, nawala sa balanse ang mga kahon na nasa ibabaw at alam ninyo na ang kasunod.....