Muntik na akong maaksidente habang papunta ako sa office ni Madam Principal.
Alam ninyo ba kung bakit?
Ganito kasi iyan.....
Patungo kasi ako sa office ni Madam Principal dahil pinatawag ako ni Ma'am Margareth pero hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ako pinatawag.
Sa pag-akyat ko sa hagdanan napansin ko ang isang estudyanteng lalake ngunit hindi ko alam kung anong year level ang estudyante.
Pababa na ng hagdanan ang estudyante habang bitbit nito ang ilan mga kahon na hindi ko alam ang laman pero sa napuna ko tila hirap na hirap ito sa pagbitbit sa mga kahon. Madami sigurong laman ang mga kahon na binibitbit nito dahil kulang na lang ay mabitawan nito ang mga kahong bitbit dahil sa bigat. Kaya nagpasya akong lapitan ang estudyante para tulungan ito sa pagbubuhat ng mga kahon.
Pero kinabahan ako noong akala ko mahuhulog ito sa hagdanan. Muntik na kasi itong mawalan ng panimbang. Pero mabuti na lang naihawak nito ang isang kamay sa railing ng hagdanan para hindi tuluyang mahulog.
Papalapit na kasi ako noon sa kanya para tulungan siya dahil ilang hakbang na lang ang agwat ko mula sa kinatatayuan ko hanggang doon sa puwesto kung saan siya nakatayo.
Kaya nga lang dahil nakahawak ang isa niyang kamay sa railing ng hagdanan hindi na naging maayos ang pagkarga niya sa mga kahon. Nawala sa balanse ang mga kahong nasa ibabaw at papahulog ito sa puwesto kung saan ako nakatayo.
Sa nerbiyos hindi kaagad ako nakakilos mula sa kinatatayuan ko para umalis kaya napapikit na lamang ako. Subalit nagulat ako nang biglang may marahas na mga braso ang humatak sa bewang ko.
Naramdaman ko na lamang na parang nakasandal ako sa katawan ng isang tao na sa tantiya ko ay lalake dahil sa lakas nang paghatak niya sa akin.
"Baliw ka ba?" narinig kong sambit nang nagsalita. May pagkabaritono ang tono ng kanyang boses. Halata din sa tono nang pananalita nito ang iritasyon dahil madiin ang pagbitaw niya sa mga salitang binitawan niya.
Nagpanting ang tenga ko dahil sa narinig kong sinabi ng nagsalita pero dahil sa nerbiyos na naramdaman ko, hindi ko agad nagawang harapin ang pagmumukha ng masungit na lalake na hanggang ngayon ay nakapayapos pa rin ang isa niyang braso sa aking bewang na lalong nakadagdag sa pagkainis ko sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.
"Hoy!, Si--- sinong baliw?" mataray kong sagot sa kanya na nakataas pareho ang aking mga kilay at bahagyang ibinaling ang aking katawan paharap sa kanya para sermunan siya pero sa pagharap ko sa kanya napatulala na lamang ako.
Ba--- Bakit ganito? Bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko? Na--- Nakatingin lang naman ako sa mukha niya.
Pero bakit ganoon? Bakit hindi ko mabasa ang mga mata niya? Ano kaya ang iniisip ng mokong na ito tungkol sa akin?
Kaasar! Ano ba? Tu--- Tumahimik ka nga sa pagkabog kung hindi huhugutin kita.
Kakaasar naman kasi! Bakit ba hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa lalakeng ito? Pakiramdam ko ay nahipnotismo ako nang dahil sa mga titig niya sa akin.
"Tapos ka na?" humirit ulit ang lalakeng nasa harapan ko. Nakaismid ito habang titig na titig sa aking mga mata ganoon din ako sa kanya na hindi maalis ang pagkatitig sa kanyang mga mata pero nang dahil sa binitawan niyang mga salita ay natauhan ako kaya naman kumalas ako mula sa kanyang pagkakayapos sa akin at bahagyang dumistansiya sa kanya. Binalingan ko siya ng matalim na tingin.
"At anong ibig mong sabihin sa tapos ka na?" biglang kumulo ang dugo ko sa lalakeng ito. Nakapahalukipkip ang mga braso nito habang nakatingin pa rin sa akin. Napapailing siya at hindi nawawala sa kanyang labi ang mapangasar nitong pag-ismid.

Ang hambog, inaano ko ba siya?
At saka ko pa lang napansin ang suot niyang uniporme.
Uniporme nang mga estudyanteng lalake ng JRU.
Okay! Aaminin ko na!, bumagay sa kanya ang suot niyang uniporme.
Nakasuot siya ng polo shirt na puti na may selyo ng school na kulay asul at nakalagay o nakaimprenta ito sa kanang bahagi ng polo shirt.
Ang initial letters naman na JRU ay nakaimprenta sa kaliwang manggas at kulay asul ito. Ang kuwelyo ay may disenyo na parang hugis pipe na pa-stripe, na ang kulay ay kombinasyon ng asul at dilaw. May suot itong I.D na kulay asul ang strap.
Ang pang-ibabang suot ay pantalon na kulay asul.
Puting mga medyas at sapatos na itim naman ang pang-paang suot.
Sa tantiya ko, ang taas niya ay nasa 5'9.
Undercut ang pagkakagupit o estilo ng buhok niya. Matangos ang ilong at maputi, kasing puti ko siya.
Singkitin ang mga mata at malalim kung tumingin, nanunuot, sa sobrang lalim hindi ko ito mabasa.
Manipis ang labi niya na may pagkanatural na pink ang kulay.
Malapad ang mga balikat. Maganda ang pagtindig.
Tindig modelo pati hubog nang pangangatawan.
Medyo makapal ang mga kilay.
Baritono ang boses.
Mukhang masungit at suplado.
Sa halip na sagutin ako, nagpatuloy na lang itong umakyat pataas ng hagdanan.
Ang akala ko nga ay tutulungan niya ang estudyante na hayun aligaga na sa pagdampot sa mga papel na nagkalat sa hagdanan at sahig.
Ngunit nagdire-diretso lang ito sa pag-akyat sa hagdanan. Hahabulin ko sana ito para pigilan ngunit nagsalita ang estudyanteng nagpupulot ng mga papel.
"Sorry! Miss!" sambit ng lalakeng kaharap ko ngayon habang napapakamot sa kanyang ulo.
"Donna!, Donna na lang ang itawag mo sa akin." nginitian ko siya habang tinutulungan damputin ang mga natitira pang nagkalat na mga papel sa sahig.
"Bakit ikaw lang ang may dala-dala ng mga kahon na iyan? Ang bigat kaya niyan." usisa ko sa kanya.
Bagamat nahihiya ito dahil na rin siguro sa nangyari pero sinabi naman niya kung ano ang pangalan niya.
Siya si Alvin Tejada. First Year Student. Labing-tatlong taong gulang. Working Student. Student Assistant ni Madam Principal. Mukhang matalino si Alvin. Si Alvin ay may suot na salamin sa mata na medyo makapal ang mga lenses. Payatin ang pangangatawan nito kaya hindi nakapagtatakang mahirapan ito sa pagbubuhat ng mga kahon. Halos kasing tangkad ko siya. Kayumanggi. May pagkamahiyain.
Iyong mga kahon na dala niya ang laman pala ay puro mga test sheets noong mga nakaraang exams. Dadalhin ni Alvin sa Library ang mga ito.
"Pasensiya na po Ate Donna!, pati po kayo mapapaaway nang dahil sa kalampahan ko." pagpapaumanhin sa akin ni Alvin.
"Ano ka ba? Wala kang kasalanan, hambog lang talaga iyong lalake na iyon." sagot ko sa kaharap ko.
Magpapasalamat pa sana ako sa taong iyon pero dahil sa ginawa niya, kahit hindi na.
Okay!, magpapasalamat pa rin ako kung sino man siya. Pero sino nga kaya siya? Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha ng lalakeng iyon.
Mukhang nabasa naman ni Alvin ang iniisip ko kaya tinanong niya ako.
"Sino kaya siya Ate Donna?" tanong sa akin ni Alvin. Wala naman akong maisagot sa kanya pero sana mali ang hinala ko, kung nagkataon basag na naman ang mga eardrums ko dahil sa mga tili.
Sakit sa ulo.
Tutulungan ko sanang magdala ng mga kahon si Alvin para dalhin sa Library pero naalala ko na kanina pa ako dapat nagtungo sa Principal's Office naudlot lang kaya nagpaalam na ako kay Alvin at nagpatuloy na ako sa pag-akyat sa hagdanan para magtungo sa Principal's Office.
Nakarating na ako sa Principal's office. Kumatok ako sa pintuan ng office ng Principal namin at nang buksan ang pintuan bumungad sa akin ang mga mukha nina Madam Principal at Ma'am Margareth habang nakangiti ang mga ito kaya napangiti na rin ako.
Ngunit nang mapagawi ang tingin ko sa mahabang sofa na kulay brown kung saan may nakaupong isang pigura na pamilyar ang mukha sa akin, kulang na lang mawala ang ngiti sa aking labi nang mapagtanto ko kung sino.
"Come in, Ms. Chen!"
"Good Morning po Ma'am Margareth, Madam Principal."
"Pasensiya na po kung natagalan akong dumating. May nangyari lang pong aberya habang papunta ako rito." mariin kong bitaw sa ibang salita habang nakangiting nagpapaliwanag sa dalawang guro na nasa harapan ko sabay tingin sa puwesto kung saan nakaupo sa mahabang sofa na kulay brown ang hambog na lalake.
Tahimik lang ang asungot.
Patay-malisya. Nakakaasar siya.
"Have a seat." Madam Principal said while gesturing me to sit beside the guy sitting on the sofa.
"May bago tayong transfer student." panimulang sabi ni Madam Principal.
"Ms. Chen!, gusto ko sana pagkatapos nang iyong morning classes, masamahan mo o maging Tour guide ka ni Mr. Lim upang makita niya ang kabuuan ng school."
"Magiging kaklase ninyo nga pala siya base sa resulta ng mga Grades na iprinesenta niya sa akin."
"Dahil isa ka sa mga maaasahang estudyante ng school na ito, kaya naman ipinagkakatiwala ko sa iyo at sa Teacher mong si Ms. Sanchez ang paggabay kay Mr. Lim." ang mahabang paliwanag ni Madam Principal sa akin.
Gusto kong magprotesta. Bakit?
Sa dinami-dami naman ng classroom sa school na ito, bakit sa amin pa?
Ngumiti at tumango na lang ako habang nakikinig sa mga ipinaliwanag ni Madam Principal sa akin pero sa loob-loob ko, buwiset na buwiset ako.
Sakit sa ulo nito.
"Mr. Charlie Lim, I'd liked you to meet Ms. Madonna Celine Chen." saad ni Ma'am Margareth. Napatingin ako sa hambog na lalakeng katabi ko sa sofa at gayundin siya sa akin na may bahagyang pang-asar na ngiti.
"She is one of the eligible Top-Notch student in this school coming from my class and she's a friendly student too." pagpapatuloy na pagpapakilala ni Ma'am Margareth sa amin dalawa habang nakangiting ipinakikilala ako sa hambog na lalakeng nasa harapan ko na palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Ma'am Margareth.
"She is The President Of Central Student Council and Representative of the Third Year."
"Madonna pala ang name mo? Nice name! I bet! You're a nice girl, too. Am I right?" He smirked while saying those words, but the way he said those words.
It's obvious that he is mocking me.
Inilahad niya ang kanang kamay niya para makipagkamay sa akin.
"Huh? You knew Ms. Chen!, Mr. Lim?" nakakunot ang noo ni Ma'am Margareth habang tinatanong si Mr. Hambog.
"No! Ma'am, although I met her while I am on my way here. Right! Ms. Chen?"
Tumango na lang ako at nakipagkamay na lang sa lalakeng ito kahit kanina pa nagpupuyos ang damdamin ko.
Pero ang weird lang, nang maglapat ang mga palad namin, I felt a sudden electricity-liked crept on to my body.
Hayan ka na naman Heart, kumakabog ka na naman.
Not the first time I felt it.
Kani-kanina lang may nangyari muna bago pa man ako magpunta dito sa office.
Akala ko talaga mababagsakan na ako ng mga kahon na bitbit ng isang estudyanteng nakilala ko kanina, si Alvin.
Muntik na kasi akong mabagsakan ng mga kahon pero bigla na lang sumulpot ang lalakeng ito para hatakin ako papalayo sa mga babagsak sa akin.
Ang mga braso niya ay nakapayapos sa aking bewang at hindi sinasadyang mapalapat ang aking kamay sa braso niya.
Naamoy ko rin ang breath niya na amoy minty noong humarap na ako sa kanya ganoon din iyong body scent niya na lemon scent.
Then the way he looked at me, it was penetrating. Pero dahil sa mga binitawan niyang mga salita, kumalas ako mula sa pagkakayapos niya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.
Although I don't know why my heart is always beating so fast whenever he is around or near me?
As if in a minute, I'm having a heart-attack, marinig ko lang ang baritono niyang boses.
I don't understand why I am feeling this way right now? Hindi ba dapat mas lamang ang pagkainis ko sa kanya dahil sa kahambugan niya?
I felt a sudden warm sensation on my cheeks nang maalala ko ang nangyari kanina, but I hope none of them noticed it, particular this guy.
"Wow!, That's nice!" muling nagsalita si Ma'am Margareth. Si Madam Principal naman ay kanina pang tahimik na mataman nakikinig sa amin mga usapan. Tumayo na rin si Ma'am Margareth mula sa kanyang kinauupuan kaya tumayo na rin kaming dalawa ni Mr. Hambog.
"It's a good start of making friends."
"And you're right! Mr. Lim, she was a nice girl."
"I'm sure! The both of you will become good friends."
"Ms. Chen, I know you're a member of the Taekwondo Club right? Since you're an active member of the club."
"Could you introduce Mr. Lim, to the other members of the club and to your mentor?"
"He's interested in joining the Taekwondo Club." sabi ni Ma'am Margareth sa akin na cheerful palagi kung makipag-usap.
Napatingin ako bigla sa lalakeng nasa harapan ko.
Talaga lang huh? Kaasar talaga!, pati ba naman sa Taekwondo Club makikita ko ang pagmumukha ng lalakeng ito.
Ahh! ganoon, Okay! Ako talaga ang bahala sa kanya. Makikita niya ang hinahanap niya.
Member kasi ako ng Taekwondo Club simula First Year hanggang ngayong Third Year na ako.
At hindi naman sa pagmamayabang, nakailan medals na rin naman ako.
3 Silver, 2 Bronze, 1 Gold
Pero sa ngayon hindi ako gaanong active sa club dahil sa mga activities ng Student Council, at kailangan kong mag-focus sa studies ko.
"Okay, Ma'am! I will go with him and tour him around the whole school."
"I'll make sure he will like this school. He will not regret choosing this school to study." I responded with a hint of sarcasm in my voice while looking at the young man in front of me and smiling in snide at him.
"Well! Ma'am! referring to the club, this past few weeks! I'm not much active because of the activities of the CSC."
"But don't worry Ma'am! I will introduce him to the other club members and to Sir Lucas Chavez."
"Oh! Okay!, I see! Thank you! Ms. Chen!"
"Mr. Lim! You can ask Ms. Chen if you wanted to know more of the club you wanted to join and the other activities here at the school."
"If you have questions on our school rules and regulations."
"Just go to the main office of Ma'am Cynthia Buenavista. She's the Principal of our School."
"She will explained to you what you needed to do as a student in this school."
"Or what you should need to know on this school."
"And don't be ashamed to ask me if you want to know more of the school you will going to attend."
"I will answer your questions except on personal matters." Ma'am Margareth said with a wink while patting the boy on the shoulder.
Tumango lang itong Charlie ang name.
Pagkatapos nang usapan, nagpaalam na kaming tatlo kay Madam Principal para pumunta sa classroom namin at para na rin makapagsimula nang pagtuturo si Ma'am Margareth.
Habang naglalakad kaming dalawa sa hallway, pareho kaming tahimik ni Mr. Hambog. Ngunit hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kinaroroonan niya.
Si Ma'am Margareth naman ay nauna nang maglakad sa amin para magtungo sa classroom namin.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit dalawang beses na kumabog nang matindi itong puso ko. May sakit na ba ako sa puso? O baka stress lang ako?
Kung ano man ito, naniniwala akong lilipas din ito.