Chereads / Ang Kalye_Serye Ni Donna / Chapter 6 - Chapter Six

Chapter 6 - Chapter Six

"Good Morning Students!" masiglang bungad na pagbati ni Ma'am Margareth habang nakangiti siya sa amin nang pumasok siya sa classroom.

"Good Morning din po Ma'am Margareth!" sabay-sabay namin tugon bilang pagbati. Ang iba kong mga kaklase ay umupo na sa kani-kanilang mga upuan.

Kararating lamang ni Ma'am Margareth, bagamat mas nauna siyang maglakad sa amin dalawa ni Mr. Hambog para magtungo dito sa classroom ngunit naabutan pa rin namin siya sa daan na kausap ang ibang Teachers.

Pinauna na ako ni Ma'am Margareth para magtungo sa classroom samantalang pinaiwan naman si Mr. Hambog ni Ma'am dahil kakausapin pa ito ng ibang mga Teachers kaya heto ako kanina pang nasa loob ng classroom namin.

"Pasensiya na kayo kung na-late sa pagdating ang maganda ninyong Teacher." dagdag pang sambit ni Ma'am Margareth sabay kindat pa ng isa niyang mata.

"Okay lang po sa amin Ma'am, basta po ba wala kaming suprise Quiz ngayon." tugon ng isang estudyanteng babae habang nakangisi ito. Nakaupo ito sa may bandang dulo kung saan nakapuwesto ang kanyang upuan.

Siya si Jessica Ramirez, isa sa pinakamakulit at masayahin kong kaklase. Isa rin sa pinakamatangkad na babae dito sa School. Team Captain ng JRU Women's Volleyball Junior Team. Nasa 5'11 kasi ang height nito. Short hair na boyish cut at well-toned ang body figure niya dahil sa pagiging athletic at active sa Sport na Volleyball. Fifteen years old.

May pagka-boyish kumilos, magsalita at manamit si Jessy pero kahit ganoon may pagkakikay din siya na katulad ko.

Oo, tama ang narinig ninyo. Boyish o may pagka-barako ako pero kikay din ako. Mahilig akong mangolekta ng mga things na related sa favorite kong cartoon character, si Hello Kitty.

Stuffed Toy Collector din kasi si Jessy, Teddy Bear to be specific. May maliit na Gift's Store kasi sila na ang pangalan ay Hugs And Kisses Gift's Store na nakapuwesto sa may Divisoria at karamihan ng mga paninda nila ay Personalized or Hand-made. Kung minsan bumibili ako sa kanya ng mga Personalized Hello Kitty Collectibles dahil magaganda ang mga designs at quality na mayroon ang mga paninda nilang Stuffed Toys.

Natawa ang iba kong mga kaklase sa tinuran ni Jessy ganoon din si Ma'am Margareth.

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Jessy, tama nga naman siya. Sana ay wala kaming suprise Quiz ngayon. Pero kung sakaling mayroon wala naman problema sa akin dahil nakapagbasa at nakapag-aral naman ako kagabi.

"Sorry Guys!.... pero mayroon kayong Quiz."

"Mayroon akong nakahandang mga test questionnaires para sagutan ninyo." Ma'am Margareth said with a sheepish smile while looking on us.

"Awww!" halos sabay-sabay na sambit ng iba kong mga kaklase. Mga dismayado dahil ang ilan ay napaub-ub na lang sa kani-kanilang mga table.

"Hayy! Akala ko pa naman makakalibre na tayo sa Quiz." napabuntong-hininga na lamang si Jessy habang nakanguso pa ang labi.

"Ma'am! Hindi po nag-aral si Jess kagabi kaya po ganyan iyan." sabat ng isang estudyanteng lalake na nakaupo sa isa sa mga upuan na kahilera rin ng upuan ni Jessy, si Albert Corpuz, sabay tawa ng malakas nito kaya naman napatingin ang mga mata ni Jessy at magkasalubong pa ang mga kilay nito sa direksiyon kung saan nakaupo si Albert.

"Anong pinagsasasabi mo diyan hindi nag-aral?" simangot na tugon naman ni Jessy sa panunukso ni Albert sa kanya.

"Opo Ma'am! Maniwala kayo sa akin. Nakipanuod pa nga po siya sa amin, sa t.v namin. Pinanuod niya po iyong palabas sa t.v, iyong Taiwanese Drama sa Abs-Cbn. Ano nga title noon Jess?" mapangasar na saad ni Albert kaya naman sinamaan siya lalo ng tingin ni Jessy. Itinaas pa ni Jessy ang kanang braso niya at isinenyas ang kamao.

Nagkatawanan naman ang buong klase at kahit ako ay napatawa rin sa asaran noon dalawa. Aso't pusa ang dalawa kapag magkasama pero magkababata at magkapitbahay silang dalawa kaya sanay na kami sa asaran nila. Magkasing-edad din ang dalawa.

"Ma'am huwag po kayong maniwala diyan kay Alberto. Siya po iyon hindi nag-aral kahapon. At saka nag-review kaya muna ako bago ako nakipanuod sa inyo." depensang sagot ni Jessy habang binebelatan pa nito si Albert.

"Uyy! Ang sweet nila! Sabay pa silang nanood ng Taiwanese Drama." kantiyaw naman ng isang maputing babae na may pagka-chubby ang pangangatawan. May suot itong thick eyeglass.

Katabi ng upuan ni Jessy ang upuan nito. Siya si Cindy San Jose, Fifteen years old. Sinusundot nang isang daliri nito ang tagiliran ni Jessy kaya bahagya itong napapaigtad.

"Huwag kang ano diyan Cinds, pinapauwi ko na nga siya kahapon, ayaw lang umuwi." pangangatwiran naman ni Albert pero kapuna-puna ang bahagyang pamumula ng mga pisngi nito.

Mestizo si Albert at nasa 5'6 ang height nito. May pagkakahawig siya kay Ian Veneracion, isang Celebrity Actor noon 80's bukod doon parehong may biloy ang magkabilang pisngi nito.

Kalog o mabiro talaga si Albert at magaling makisama sa lahat pero pinakapaborito niyang gawin ay ang asarin si Jessy, kung minsan nga iniisip ko na may lihim na pagtingin talaga itong si Albert kay Jessy denial lang. Hindi nga lang din maaaring maging sila dahil ang alam ko at nang ibang malapit sa kanya na mayroon itong nililigawan na ibang babae mula sa ibang section at alam din iyon ni Jessy.

"Enough na Guys! Kayo talagang dalawa!" pagsasaway ni Ma'am Margareth sa dalawa habang napapangiti dahil sa kakulitan noon dalawa at nang mga kaklase ko.

"Ms. De Castro please give the test papers to everyone." Ma'am Margareth told to the girl sitting on one of the chair in front of her.

"Yes, Ma'am!" The girl with a sweet voice answered. She stands up from her chair and get the test papers from Ma'am Margareth then distributed it to everyone.

Her name is Arianna De Castro. Fourteen years old.

Arianna have a waist-length black straight hair. She is petite but sexy. The color of her eyes were azure. She has a tanned skin. We call her Barbie because she looks liked a real doll.

She is a Filipino-American, but she lives in Canada. Only last year she transferred here in the Philippines to study as an exchange student but stayed and live more after knowing our country. Even though the native language she spoke was English, but bit by bit, she knows how to speak our language, the Tagalog or Filipino and still learning it.

After distributing the test papers, Arianna now sat in her chair.

"Guys! Listen before we go ahead, May I get your attentions." Ma'am Margareth spokes in an authoritative tone.

"I guess you heard the news of the new transfer student coming on our school, right?"

"Yes, Ma'am! Why, Ma'am?" one of my girl classmate asked.

"You know how to welcome a new student and I hope you'll be friendly at him. Behave too in front of him girls." Ma'am Margareth said in a cheery tone.

"Oh, my gosh! Does it mean, the new transfer student was a boy." another one girl stands up from her chair. Based on her reaction, she was excited after knowing that the new transfer student was a boy.

"Let me guess, he is handsome or cute?" another girl said while giggling.

As expected heto na naman sila.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Naririnig ko pa rin ang bulungan at hagikgikan nang iba kong mga kaklase lalo na nga ang ibang babae.

It's obvious, kinikilig ang mga babae maliban sa akin siyempre.

Sometimes I wonder if it's just me or it's just that I can't believe that every time there was a new transfer students in this school, most of the students always creating a ruckus just because they are so much curious and excited at the same time to meet them. Those new students were not even celebrities nor a prominent people to gain attention from everyone.

To be honest for me, it was awkward and sometimes annoying. It's not I have a problem on the new students because believe me or not, me too sometimes curious just liked the others. What I'm trying to say is, I don't understand why do others pay so much attention to them even though they are just a normal student.

"Donna!..... Hoy! Donna." bahagyang natauhan ako mula sa aking pagmumuni-muni nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko.

"Hu..... huh? Bakit?" lumingon ako sa may bandang kaliwa kung saan bumungad sa harapan ko ang mukha ng kaklase kong babae na si Maika De La Torre. Fifteen years old.

Halos magkasalubong na ang mga kilay nito dahil sa pagkunot. Mababakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Nakaponytail ang mahaba-haba ngunit kinky niyang buhok. Makakapal ang mga kilay. Makapal-kapal ang labi. Kayumanggi ang kulay ng balat niya. Bilugan ang mga mata. Pango ang ilong.

"Anong bakit? Ikaw ang bakit ganiyan ang hitsura ng mukha mo?" tugon niya habang titig na titig sa mukha ko.

"Bakit? Ano ba ang problema sa mukha ko?" sagot ko sa kanya sabay hawak ko sa aking mga pisngi.

"Ang dami mo kasing pinakitang facial reactions. As if may kaharap kang kinaiinisan mo. Kanina pa kaya kitang pinagmamasdan." sagot niya habang natatawa at nakatitig sa akin.

"Huwag mo na lang ako pansinin. May naalala lamang ako."

"Ohhh! Hindi nga? Sino naman? Oo nga pala narinig mo ba iyon sinabi ni Ma'am?" biglang tanong ni Maika sa akin.

"Oo!"

"Ano sa palagay mo? Guwapo o cute kaya iyon bagong transfer student?" saad ni Maika na isa na rin sa mga babaeng kinikilig.

"Aba, malay ko! Hindi rin naman ako interisadong malaman kung ano hitsura niya." sagot ko kay Maika. Kulang na lang ay umirap ako sa kanya.

"Woah! Seryoso ka? Hindi ka man lamang excited o curios malaman kung sino siya o kung ano hitsura niya?" halos hindi makapaniwalang tugon ni Maika sa sinabi ko. Tinititigan pa niya akong mabuti na tila ba nanunuri kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

Bakit ba ang eksaherada nang reaksiyon nito sa sinabi ko? Kataka-taka bang malaman kung hindi ako interisadong alamin ang tungkol sa mokong na iyon?

At isa pa kanina ko pa siya nakilala.

"Guys! Please, Quiet! Hindi ba sabi ko behave kayo."

"Opo, Ma'am!" sabay-sabay namin tugon.

Tumayo si Ma'am Margareth mula sa kanyang kinauupuan para magtungo sa may pintuan at bahagyang binuksan ito para sumilip sa labas ng kuwarto.

"Okay, Mr. Lim, You can now come inside."

Nang muling bumukas ang sliding door ng classroom namin ay bumungad sa harapan namin ang mukha ng mokong na iyon.

Okay, ayoko sanang lumingon kahit kanina pa akong sinesenyasan ni Maika na tingnan si Mr. Hambog pero kung hindi ko gagawin iyon baka kung ano na naman isipin ni Maika. Kilig na kilig si Maika habang itinuturo pa si Mr. Hambog samantalang ako ay halos paikutin ko na ang mga mata ko.

Nakatingin lamang siya habang pinapasadahan ng tingin ang buong klase. Nang mapatapat ang tingin niya sa kinaroroonan ko, kulang na lang batuhin ko siya ng ballpen dahil sa mapangasar niyang pag-ismid.

"Oh my God! Ang guwapo niya!"

"Hala! Ngumiti siya sa akin."

"Hoy, hindi ahh! Sa akin kaya siya nakatingin."

"Mukha siyang celebrity!"

"Ma'am, puwede na po ba namin ma-chika si Mr. Pogi?" nagkanya-kanyang umimik ang iba kong mga kaklaseng babae. Daig pa nila ang kiti-kiti na hindi mapatali sa kinauupuan.

"Hala, Paano na iyan mga Tol? Mukhang hindi na tayo ang bida at guwapo sa paningin nang mga girls." sabat nang isa kong kaklase na lalake na umaakto pang nalulungkot. Ang puwesto ng upuan nito ay nasa ikaapat na hilera at nasa may bandang gitna ito.

"Bakit? Guwapo ka ba?" tugon nang isang babae sa hirit nang nagsalita. Natawa ang ibang mga boys at girls sa tugon nang kaklase kong babae. Nasa may bandang unahan ang puwesto ng kanyang upuan.

"Hayan kasi! Tanong pa more." mapangasar na sabi ni Albert habang tawa ng tawa. Binato naman siya ng papel na nilamukos nang lalakeng inaalaska niya.

"Ma'am, Oh! Ang sungit na naman po ni Monica." pagmamaktol na sumbong ni Jake kay Ma'am Margareth sabay duk-duk niya sa ulo niya sa kanyang table na para bang batang nagtatampo.

"Tsk, ang arte!" inirapan lamang ni Monica Agoncillo ang kaklase namin na si Jake Bernabe.

Kilalang masungit o mataray, suplada at prangka si Monica. Isa rin siya sa matatalinong estudyante na nag-aaral sa school na ito. Si Jake naman ay isa rin sa mapagbiro o kuwelang kaklase ko. Pero matalino din siya, hindi lang halata dahil madalas idinadaan sa biro.

Maganda si Monica kahit mataray. Matangos ang maliit-liit nitong ilong. Pouty ang lips. Maputi. Maliit ang mukha. May pagka-chinita at malalantik ang mga pilik-mata. Nasa 5'3 height nito at balingkinitan ang pangangatawan. Fifteen years old.

Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako kay Jake nang dahil sa sinabi ni Monica. May hitsura si Jake. Matangkad, medyo kulot ang buhok. Payat pero lean ang body. Kayumanggi. Hindi katangusan ang ilong. May braces ang ngipin. Paminsan-minsan ay nagsusuot ng reading eyeglass. Fifteen years old.

Ang alam ko may secret crush siya kay Monica. Actually accident ko lang narinig iyong usapan nila nang minsang mapadaan ako sa gym kung saan nag-papractice sila ng Basketball noon. Substitute Player si Jake. Nasa 5'5 ang height nito.

"Selos ka lang Tol!" sagot ng isa pang lalake na nakaupo sa upuan na katabi ng upuan ni Albert kaya lalong nagkatawanan at umingay sa loob ng classroom. Pinandilatan naman nang mga mata ni Jake ang lalakeng nagsalita.

"Ha ha! Nakakatawa!" sarkastikong tugon ni Jake.

"Wala kang allowance next week. Sasabihin ko kay Mama na huwag kang bigyan." pagbabantang tugon ni Jake sa lalakeng nagsalita. Nanlaki naman ang mga mata nito at pinagsiklop ang mga palad na para bang nakikiusap ito at ang mukha ay hindi maipinta ang reaksiyon.

"Wala naman ganyanan Kuya! Hindi ka na mabiro." tugon ni Jerome.

Si Jerome ay kakambal ni Jake. Hindi sila gaano magkamukha pero magkasing-kulit silang dalawa. Straight at smooth ang buhok ni Jerome. Matangos-tangos ang ilong nito. Maputi ito kumpara kay Jake. Magkamata silang dalawa na parehong bilugan ang mga mata. Halos magkasing-tangkad. May nunal ito sa kanan sentido. Mas guwapo si Jerome kaysa kay Jake at mas maappeal din pagdating sa mga babae.

Sa pagkakaalam ko nagpapalipad hangin si Jerome kay Barbie o Arianna pero dahil hirap sa pag-E-english si Jerome kaya halos hindi sila magkaintindihan.

"O kayo naman ang makukulit, kambal!" sabi ni Ma'am Margareth bagamat nangingiti ngunit naiiling din ito.

"Okay, stop muna kayo sa biruan. Mr. Lim! Introduce your self to everyone." pagsasaway ni Ma'am Margareth sa lahat kaya naman nagsi-tahimik na ang mga kaklase ko para makinig sa pagpapakilala ni Mr. Hambog.

Tumango lang si Mr. Hambog at saka nagsalita.

"Ako si Charlie Lim at taga-Cebu ako." maiksing sagot nito pero sa tono nang pananalita nito parang tamad na tamad itong magpakilala. Nagulat ako nang maghiyawan ang iba kong mga kaklaseng babae.

"Hala! Ang swabe ng boses niya."

"Ang cute talaga niya."

"Saan sa Cebu?"

"Anong name nang School mo dati?"

"Pare! Friends na tayo ah!"

"May girlfriend ka na ba?"

"Wow! Yayamanin, Lim ang apelyido."

"Anong mga hobbies mo?"

Sunod-sunod na mga tanong nang mga kaklase ko kay Charlie ngunit nanatili lang itong tahimik at nakatingin sa buong klase.

"Hay, naku! Kayo talagang mga bata kayo." buntong-hininga ni Ma'am Margareth at sapo ng isang palad niya ang kanyang noo.

"Okay, tama na ang pag-interview. Pamaya-maya nandito na si Sir Nick para magturo sa inyo pero bago iyon, mag-start na kayong sagutan ang mga tanong sa test papers ninyo."

"Pero exempted ka muna Mr. Lim dahil need mo muna makahabol sa mga Lessons."

"Nag-aral ba kayo kagabi? Baka naman, gumala at natulog lamang kayo nang hindi nag-rereview nang mga lessons natin kahapon?" seryosong tanong ni Ma'am Margareth at dahil natahimik ang iba kong mga kaklase malamang sa malamang hindi nga nagreview ang ilan sa kanila.

"Hayy! Anyway! No cheating, Please! All of you, Do your best para masagutan ang mga questions nang tamang mga sagot. Mag-focus kayo sa Test Questions at pag-isipan ang isasagot para makakuha kayo ng mataas na scores." warning ni Ma'am sa buong klase with authority in her voice. Kaya nagsimula na akong sagutan ang mga tanong na nakalagay sa test paper ko.

"Hayun lang, malamang ilan sa inyo hindi nag-aral." mahinang tugon ng isang lalake kahit wala siyang kausap. Nakaupo siya sa upuan na nakapuwesto sa may bandang unahan.

Si Louie na isang gay ang nagsalita at siya ang Class Treasurer nang amin klase. Fifteen years old.

Gay man si Louie Nuevo ngunit pagdating sa pag-aaral ay focus ito at hindi nag-papacute. Madalas din tahimik ito at seryosong makipagusap.

Sa bawat classroom ay may apatnapung estudyante. Apat na hilera at pa-vertical ang posisyon nang mga upuan na may tig-sampung mga estudyanteng nakaupo sa bawat hilera. Random ang seating arrangements. Bagamat maingay sa loob nang classroom namin, may ilan estudyanteng tahimik lang talaga sila. May ilan din kaming mga kaklase na absent. Nasa may bandang gitna ang puwesto kung saan ako nakaupo.

"Okay, Mr. Lim you can sit now. You can choose any among those empty seats." suhestiyon ni Ma'am na nakangiti at itinuro kay Charlie ang mga upuan na bakante at walang nakaupo.

Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit? Hindi tuloy ako makapag-focus sa ginagawa ko o makapag-isip nang maayos.

"Omg! Omg! Dito oh! Dito ka umupo."

"Hindi, Dito na lang Charlie sa tabi ko."

"Naku, Pare kung ako sa iyo, huwag kang tumabi sa upuan nang mga babae. Malalamog ka lang sa mga iyan." saad ng isa kong kaklase na lalake na may katabaan ang pangangatawan dahilan para samaan siya ng tingin nang mga kaklase kong babae.

Kitang-kita sa mga mukha ng iba kong kaklaseng babae na may katabi o katapat na mga upuan na walang nakaupo ang pag-aasam at pagbabakasakaling malapit sa kanilang puwesto uupo si Mr. Hambog.

Nagsimula nang umalis sa kinatatayuan niya si Charlie habang tinitingnan ang kabuuan ng buong kuwarto. Kaya naman ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa test paper ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makapag-concentrate.

Nagtataka ako kung bakit sinesenyasan ako ni Maika at pangiti-ngiti pa ito na nakatingin sa akin at sa kung sino man ang tinitingnan niya.

"Ma'am dito ko po napiling umupo, sa likuran ng upuan ni Ms.?" ang narinig kong sabi nang isang pamilyar na boses.

Bumilis na naman tibok ng puso ko dahil sa boses na iyon. Ano na naman bang trip niya?