Pinasok ko si Kuya Mike sa room nya. Nakadapa ito matulog. Habang nasa sahig na ang mga unan at kumot.
Ang likot talaga ni kuya matulog!
Napangiti ako.
Actually, itong si Kuya Mike ay isa na ata sa pinakamabait na kuya. Hindi lang ito mabait sa akin, maging sa lahat. Bukod sa pogi na, matalino pa. Lagi syang naeelect na President ng student council sa aming school. Tapos varsity player din sya ng basketball, kaya sikat na sikat si kuya.
Madami rin syang mga admirers, kalimitan nga sa akin binibigay ang mga loveletters nila para iabot ko kay kuya.
Kaya ang nangyayari, sakin mapupunta ang mga chocolates at pagkain na binibigay ng mga girls sa kanya. Hindi kasi mahilig si kuya sa mga sweets eh.
Swerte ko diba? Ahahaha!
Pumunta ako sa gilid ng kama para lapitan at gisingin sya.
Binulungan ko sya.
"Kuuyyyaaaa....gising naaaaaa...andyan na sina mooommmy." Mahina kong bulong. Tapos hinihipan ko din ng mahina ang kanyang tenga. Nakikiliti kasi sya sa ganun.
Bigla itong nagkamot ng tenga at tumihaya.
Pagkadikat ng mga mata ay agad na sumulyap ito sa akin.
"Bunso naman eh...istorbo ka." Wika nya tapos nagkusot kusot ng mga mata.
Natawa ako.
Umupo ako sa gilid ng kama nya ,sa bandang paanan.
"Pinapagising ka po ni Dad. Andyan na sila kasama ang pinsan natin." Sabi ko. Tapos bigla kong hinawakan ang talampakan ng paa nya at kinikiti ito.
"Ahahaha! Aray! Nakikiliti ako Erin!" Wala itong humpay na nagpagulong gulong sa kama nya para di ko maabot ang mga paa nya.
"Bangon na kasi dyan kuya!" Pangungulit ko.
Maya maya ay bigla itong bumangon. Nakatingin sa akin na waring may masamang balak.
"Oo babangon ako. Pero di para bumaba kundi para kilitiin ka kaya humanda ka." Naka evil smile ito.
Bigla akong tumayo at lumabas ng kwarto nya. Hinabol nya din ako.
"Ayaw ko kuya! Mom! Dad! Si kuya oh...ahahaaahah!"wika ko habang tumatakbo.
Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo para di nya ako maabutan.
Nasa sala na ako nang maabutan nya ako.
Hingal na hingal ako.
Umupo ako sa sahig na nakatawa.
Tumingin ako kay kuya na dahang dahan na lumalapit sa kanya.
Humalakhak ako. Di pa man nya ako kinikiliti ay tila nararamdaman ko na ito.
"Kuya ayaw ko na! Ayaw na!" Tawa padin ako ng tawa.
"Mike tama na yan. Pumunta kayo dito."
Hay salamat! Ligtas na ako. Buti nalang nagsalita si daddy.
Nasa likod na ako ni kuya at palapit na kami kina dad at mom.
Nakatingin lang si kuya Brett sa amin.
"Ho ho hoo...insan! Anlaki mo na. Mukhang mas matangkad ka pa sakin ng kunti ah? "Narinig kong wika ni kuya. Agad itong lumapit kay Brett at nag apir sila.
Mukhang magiging magkasundo ang dalawa, nakikita ko na.
Umupo ako sa tabi ni mama. Ngiting ngiti sila ni Dad habang pi apanood ang dalawa kong kuya na nag uusap.
"Insan, balita ko magaling ka magbasketball! Mag try out ka sa amin ha. Naghahanap pa kami ng dagdag na player eh." Wika ni kuya dito. Magkatabi sila sa malaking sofa.
"Oo nga Brett. Doon ka din namin ienroll sa school nila. Mabuti na lamang at nakahabol ka pa since 2 weeks palang nung nagsimula ang pasukan." Sabi ni Dad. Tumayo ito at mukhang paakyat sa kwarto. Sigurado magmumukmok na naman si Dad sa library sa tabi ng kwarto nila Mom. Ginawa nya narin kasi itong extension ng office. Dun nga ginagawa ang mga dinalang work galing office.
Isang Engineer si dad samantalang Architect naman si Mom. Sa school sila nagkakilala at naging magkasintahan. Hanggang sa grumaduate sila at magkatrabaho, di sila naghiwalay. Nung nagpasya silang magpakasal at magkaroon ng pamilya, nagtayo sila ng sariling construction company. Mula sa iilang tao hanggang sa lumago nang lumago ang business nila. At ngayon, isa na sila sa pinakamalaki, kilala at pinagkakatiwalaang construction company...ang Santillan Builders.
Marami na silang nagawang malls, subdivisions, buildings at kung anu ano pa. Grabe diba?
" Tito, tita pwede naman po ako sa public lang. Nakakahiya na po sa inyo eh. Kayo na po ang gumastos sa libing nina Mama at Papa eh." Nahihiyang tugon ni Kuya Brett.
Kawawa naman si kuya, nag iisang anak nina Tita Marga. Tapos ngayon, mag isa nalang sya sa buhay.
Siguro kung ako yun, di ko kakayanin! Iiyak ako ng iiyak talag!
Well, I know na ampon lang ako at di ko kilala ang aking biological parents, pero bata pa kasi ako nung iniwan nila..kaya di ko alam kung anu ang mararamdaman.
Basta masaya ako sa family ko ngayon! Plus may bago pa akong poging pogi na kuya! Si kuya Brett!
"Naku Brett, kami na ang bago mong pamilya. Wag kana mahiya. Kung ano man ang ibinibigay namin sa dalawa ay iyon din ang ibibigay namin sayo. Okay?" Wika ni Mom.
"Mike, samahan mo si Brett sa kwarto nya. Magiging kwarto na nya ang guest room mula ngayon. Tulungan mo syang mag-unpack ng mga damit nya sa bag."
"Okay po Mom....tara na insan,sa taas...madami tayong pag uusapan about sa basketball at chicks!" Nakangiting sagot ni Kuya Mike.
"Hala ka! Si kuya Mike Mommy, tuturuan pang maging playboy si Kuya Brett." Sabad ko. Tinitigan ko ng matalim si kuya.
Oo, playboy si kuya Mike. Halos monthly ito magpalit ng gf eh. Di ko nga kilala yung iba. Nalalaman ko nalang kapag break na sila. Kasi sakin nagpapadala ng hate letters ang mga babaeng pinaiyak nya.
Di naman kasalanan ni kuya eh. Yung ibang babae kasi kung makalapit sa kuya ko ay daig pa ang mga linta. Ang lalandi!
Ang alam ko, ngayon may bagong nililigawan si Kuya Mike. Di ko lang kilala kung sino. Hahayaan ko nalang..malalaman ko naman kapag nagbreak sila eh. Sakin na naman magpapadala ng letter.
Ngumiti lang si kuya sa akin at kumindat.
Sumimangot ako. Sabay irap.
"Mike ha. Unahin ang pag aaral. Wag muna magseseryoso. Ang babata nyo pa. At tigil tigilan mo ang pinsan mo. Wag mo tuturuan ng mga kapilyohan mo." Wika ni Mom.
Umakyat na sa taas ang dalawa kong kuya. Samantalang sina Mom ay pumunta ng kusina para tulungan si Nanay Tesie magluto ng hapunan.
Si dad, I am sure busy na naman sa conference call.
So ako ang naiwan sa sala.
Anu kaya ang magandang gawin?
Binuksan ko ang tv.
Nakailang pindot ako para maghanap ng magandang palabas pero wala akong nakita. Kaya ang ending, pinatay ko nalang.
Umakyat ako sa secondfloor at pumasok sa aking kwarto.
Humiga ako.
Naisip isip ko.
Sigurado bukas, pagkakaguluhan na naman ang dalawa kong kuya ng mga babae. Madami na namang loveletters akong matatanggap para sa dalawa at lalo na kay Kuya Brett.
More loveletters, more chocolates! Yehey!
Ansaya ko. Super!
Pumunta ako sa minitable sa tabi ng aking kama. Study table ko ito.
Umupo ako. Buti nalang nasa tapat ito ng bintana kaya overlooking ko ang likod ng aming bahay.
Kitang kita ang swimming pool at basketball court na talagang pinagawa ni Dad para kay Kuya.
Napangiti ako.
Kinuha ko ang akong diary at nagsulat.
Dear Diary,
Ansaya saya ko ngayon! Alam mo ba kung bakit?
Kasi may nadagdag sa family namin.
Si kuya Brett!!
Ang pogi pogi ng bago kong kuya! Sana magkasundo kami. At sana maging close na close kami!
Pagkatapos ko magsulat ay kinuha ko ang aking phone at inilagay sa tenga ang headset. Nagplay ako ng song.
When I was your Man ni Bruno Mars. Isa din ito sa mga most played sa itunes.
Muki akong humiga at nakinig sa kanta.
Excited na ako bukas! Excited na akong mas makilala si Kuya Brett.
Excited na akong maging close kami.
At nakatulog akong may ngiti sa labi.
"