Kristine's POV
" Makikipag-meet tayo bukas sa presidente ng companyang nag offer sayo para maging model nila kaya magpahinga ka na ngayon KC " sambit ng manager ko habang binubuksan ang condong tutuluyan ko. Pagkabukas niya dere-deretso ako papunta sa kama at humiga. Sumunod naman si manager Joyce .
" Until when will the contract end ? " tanong ko habang nakapikit
" Didn't I tell you it's a 1 year-contract? " agad akong bumangon at takang taka na tumingin sa kanya
" I thought you said it will take a month only? " tanong ko , 1 year ? ang haba naman ata non
" Yes , but the president said it was supposed to be a 1 year-contract but his secretary made a mistake, so we got the wrong information " sabi niya habang inaayos ang mga damit ko sa locker.
" What? wait a minute, 1 year is too long. Can we back out ? " tanong ko ulit
" No, we can't. We already signed that contract and besides the whole world knows that you will be a model on that company. "
" So we are staying here for one year? " tumango siya " Oh my gosh ! kill me now ! uggggghhh ! " nanlumo ako sa sagot niya
" I'm sorry KC but we'll try to talk to the president tomorrow if we can renew the contract " bigla naman akong nabuhayan " Okay, so matulog ka na ngayon para may lakas ka pa bukas at sigurado akong may jetlag ka pa. At dapat before 9:00 am ready ka na. I'll be on my sister's house for now. If you need anything, just call me, ok ? " hindi ko na siya sinagot dahil gusto ng pumikit ang mga mata ko. Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya malamang nakaalis na si manager Joyce. Ilang saglit pa nakatulog na rin ako.
" Bestfriend baka matunaw ka na niyan " sambit ng bestfriend kong si Andy
Inayos ko muna ang makakapal kong salamin bago tumingin sa kanya " Huh? anong matutunaw "
Ngumuso naman siya " Yun oh, kanina pa siya tumitingin sayo! baka type ka! " tinignan ko naman kung sino yun.
" Si Xander, yung varsity player ng basketball ? sigurado ka ba? eh dakilang playboy yan e! naku kumain ka na nga lang patapos na ang break natin at may class pa tayo mamaya sa English building " sambit ko sabay tingin sa librong binabasa ko.
" Eh ano yung tawag mo sa ginagawa niya ngayon? " nagtaka naman ako kaya napatingin ako kay Xander, lumaki naman ang mata ko nang makitang papalapit siya sa table namin. Umayos naman ako ng upo atsaka nagkunwaring nagbabasa kahit ramdam ko ang presensiya niyang papalapit na sa likod ko.
" Hi ! pwede bang makishare ng table? " narinig kong tanong niya, sinulyapan ko naman si Andy at pinanlakihan ng mata na waring nagsasabi na 'huwag, kundi lagot ka sakin'
Pero nagulat ako sa sagot niya " Sure :) " pinanlakihan ko ulit siya ng mata .. grrrrrrrrrr.. lagot ka sakin mamaya. Umupo naman si Xander sa tabi ng upuan ko.
Nagkunwari na lang ulit akong nagbabasa habang nagkwekwentuhan sila.
" Eh ikaw anong pangalan at course mo? " baling sakin ni Xander kaya lumingon ako sa kanya ... O_O agad kong inalayo ang mukha ko sa kanya, eh pano ba kasi magkalapit na pala ang mukha namin konti na nga lang eh magdadampi na yung mga labi namin eh .
" Uhmmm Kristine Courtney , Fashion designing " sagot ko kahit medyo awkward na
" Ilang taon ka na? " tanong ulit niya, hindi na ako sumagot , fc lang bro?
" 18 na yan pero wala pa ring boyfriend, sinusungitan niya lahat ng nanliligaw sa kanya hahahaha " sagot ni bestfriend. Nanlaki ang mata ko at muntikan na siyang batukan, gaga to ! ilaglag ba naman ako?!
" What's wrong? maganda nga yon eh conservative at hindi easy to get " sagot ni Xander habang nakangiti, namula ako. " Dba Kristine? :) " baling niya sakin kaya namula ulit ako ng todong-todo anu ba yan !
*KRRRRIIIING KRIIIIIIING*
"Ugghhhh ! " nagmulat ako ng mata at hinanap ang phone ko, nang mahanap ko na ito sinagot ko agad
" Hello Kristine? Ready ka na ba? " agad nagising ang diwa ko at tinignan ang oras sa side table.
8:30 !?! HALA !!
" Uhmmm yes manager. Bye! " mabilis kong sagot at mabilis na nag-ayos .
Pero habang nag-aayos ako, hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko, bakit napaginipan ko kanina ang unang pagkikita namin ?, agad akong umiling at inalis sa isipan ang mga alaalang iyon. 'Ano ba Kristine ! dapat mong ibaon sa limot ang mga alaalang iyon!'