Chapter 1737: Nagretiro Matapos Makakuha ng Pagkilala, Marangal Kahit Natalo (8)
"Pero… Ibinenta ni Su Yu ang mga kwintas sa napakababang halaga… Sir, sa tingin ko isang malaking insulto 'yon sayo… Dapat….?"
"Hindi… Si Su Yu ay isang taong…. Hindi muna natin pwedeng galawin sa ngayon… Hindi ganoon kasimple ang Su Family.
"Sige, Boss."
Nang marinig na ang mga regalo niya para sa mga anak ni Huo Mian ay ibinenta sa mababang halaga, bahagyang nalungkot si Huo Siqian pero hindi ito nagalit.
Pinagpatuloy niya nag pagtapik ng kanyang kanang kamay sa manibela ng kanyang sasakyan, tila mayroon itong iniisip na malalim.
Matalinong babae si Mian; naintindihan ba nito ang sinabi niya?
Maganda sana kung gumana ang panghihimok niya rito. Sa ganoong paraan, aalis na siya sa bahay ng Su Family dahil sag alit.
Kapag nangyari iyon, hindi na siya mahihirapang makita ito…
Ang susunod na ay hakbang ay ang linisin ang pangalan ni Mian…