Chapter 1730: Nagretiro Matapos Makakuha ng Pagkilala, Marangal Kahit Natalo (1)
"Ma… hindi ko maipapaliwanag ang lahat sayo, pero mayroon akong sariling plano."
Mukhang hindi sang-ayon si Huo Mian sa opinyon ng kanyang ina… pero ayaw naman noyang magkipag-away ditto.
Kaya sinubukan na lang niyang iwasan ang usaping ito…
"Sige… Kung ganoon, wala na akong sasabihin…"
Hindi naman nadismaya si Yang Meirong, dahil kilalang-kilala niya ang kanyang anak.
Minsan, kapag nagmamatigas si Huo Mian, nakakatakot ito…
Hindi siya perpekto. Oo, matalino ito, pero hindi pa rin siya perpekto.
Bilang ina, naiintindihan ni yang Meirong ang sitwasyon ni Huo Mian, pero umaasa pa rin siya na magkakaroon ng mas magandang buhay ang kanyang mga apo. Ayaw niyang palakihin ni Huo Mian nang mag-isa ang mga ito…
Kapag lumaki na ang mga bata, magkakaroon rin ng kanya-kanyang buhay ang mga ito.