Chapter 1687: Makita Kang Masaya (8)
"Kahit pa humingi ka ng tulong sa mom ko, hindi ka niya tutulungan. Kapag pumasok siya, tanungin mo siya kung anong klaseng pasyente ang gagamit ng cellphone kesa magpahinga."
At bigla naman binuksan ni Mrs. Su ang pinto. "Mian, tawag mo ako?"
"Mrs. Su… um… wala po, nakikipagbiruan lang po ako kay Su Yu." Pilit na ngumiti si Huo Mian; gusto lang sana niyang takutin si Su Yu, pero hindi ito gumana.
"Para kayong mga bata… Yu, wag mo nang asarin si Mian."
"Hindi naman!" Aroganteng sagot ni Su Yu.
Paglabas ni Mrs. Su sa kwarto ni Huo Mian, bumalik na siya sa pakikipag-usap sa doktor sa kung ano ang dapat gawin, kainin, at iwasan.
"Su Yu, hindi ko gustong maglaro sa cellphone ko, tatawagan ko lang dapat si Rick."
"Bakit mo siya tatawagan? Sabihin mo na lang sa akin, ako na ang magsasabi."