Chapter 1682: Makita Kang Masaya (3)
Natigilan si Huo Mian; nagsalita siya nang hindi lumilingon, "Sinabi ko na sayo, hinihintay kong bumalik si Qin Chu para siya mismo ang magsabi sa akin."
Pagkatapos ay naglakad siya palabas.
Sa mga mata ni Rick , si Huo Mian ang pinakamalakas na babaeng nakilala niya; kahit na iniisip na ng buong mundo na patay na si Qin Chu, naniniwala pa rin siyang buhay pa ito.
Ganoon niya ito kamahal…
"Qin Chu, narinig mo ba ang sinabi niya? Kailangan mong bumalik nang buhay, kung hindi, ano na ang gagawin ni Huo Mian?" Hindi negatibong mag-isip si Rick, pero hindi nito lubos maisip kung gaano katinding sakit ang nadarama ni Huo Mian na mabuhay nang wala si Qin Chu.
Tinawagan agad ni Huo Mian si Xixi pagkalabas niya ng Seductive Fox, "Hello? Xixi, tapos na kami mag-usap.
"Kamusta naman ang pag-uusa niyo? Kamusta na si Rick?" Nag-aalalang tanong n Xixi.