Chapter 1647: Parang Isang Panaginip (8)
Tumango si Huo Mian. "Sa tingin ko lang naman, hindi pa ako sigurado."
"Wala akong kakilala na may dalawang pagkatao... hindi ba sakit ito sa pag-iisip?"
"Napakaseryoso ng sakit na ito... na para bang may dalawang kaluluwa ang nasa isang katawan. Bukod sa orihinal niyang pagkatao, mayroon pa siyang isa pa. Na kahit sino sa dalawa ay hindi alam na namumuhay ang isa. Kapag nagpakita ang isa, makakalimutan nito na mayroon siyang ginawa na ginawa ng isa pa niyang katauhan..."
"F*ck, nakaka-baliw," gulat ni Su Yu; Hindi ko inakala na mayganoong mga tao sa totoong buhay.
"Oo nga ... yan din ang naririnig ko."
"Naririnig ko lang ang mga ganyan sa mga TV o kaya naman sa mga nobela, hindi ko akalain na totoo pala iyon."
"Malamang naman... Marahil ay maraming alam si Xiaowei kaysa sa akin. Kailangan ko siyang makausap patungkol dito."