Chapter 1599: Hindi Na Makontrol ang Sitwasyon (10)
Tumawa si Mo Xue'er. "Hindi mangyayari yun. Baby niya si Huo Mian. Hahayaan niya mamatay kahit sino pero ililigtas niya siya."
Tumaas ang mga kilay ni Jiang Ye. "Wow, 'di ako makapaniwalang ang taong kasing selfish ni Huo Siqian, ganoon kagusto si Huo Mian."
Sabi ni Mo Xue'er, "Siya ang tipo ng tao na pinapahalagahan ang mga alaala. May mga taong nostalgic. Pag mas luma ang tao o bagay, mas malaki ang halaga para sa kanila…"
Hindi mapigilan ni MO Xue'er na maging bitter na magkasamang lumaki sina Huo Mian at Huo Siqian.
"Haha… good news para sayo! Pag matanda ka na at nasa 80's ka na, matatandaan ka rin ni Huo Siqian!" asar ni Jiang Ye.
"Tigilan mo ako… jerk… ano sinasabi mo? Ayaw kong maalala niya ako. Sana lang tratuhin niya ako nang mas mabuti… Pagkatapos ng lahat ng taon… Kalimutan mo na, ayaw ko siyang pag-usapan. Naiinis ako."