Chapter 1549: Tingnan Natin Kung Sino Ang Mas Malupit (10)
"Shut up, nakakainis ka."
Hindi binigyan ni Su Yu ng pagkakataon para magsalita si Huo Mian at binuhat niya siya paakyat ng bundok.
Noong una, sinabi ni Huo Mian na gusto niyang maglakad. Pero, kahit anong sabihin niya, ayaw bumigay ni Su yu, kaya sumuko si Huo Mian.
Sa wakas, dumating ang dalawa sa tuktok ng bundok. Pinapawisan si Su Yu habang binababa niya si Huo Mian.
Naalala ni Huo Mian lahat ng ginawa ni Su Yu para sa kanya…
"Ang bigat ko, 'no?" tanong ni Huo Mian.
"Okay lang, medyo mas mabigat sa golden retriever ko."
"Hayop ka, kinumpara pa ako sa aso…" tawa ni Huo Mian.
"Matuwa ka na lang, mas matalino pa yung golden retriever ko sayo… At least siya, hindi pupunta nang mag-isa sa kalaban niya."
"Paano mo nalaman?"
"Wala kang matatago sakin." Sumulyap si Su Yu kay Huo Mian.