Chapter 1321: Malaking Bagay sa New Year (2)
"Buntis ka dyan, hindi nga ako buntis, mamatay man."
"Galingan mo naman, Sis, gusto ko na maging tito."
"Hindi naman 'yon nakasalalay sa akin… okay? Sabihin mo sa bayaw mo na mas galingan niya," naiinis na sagot ni Huo Mian.
Pero mas ikinagulat niyang mas nakakainis ang sagot sa aknya ni Zhixin, "Sinabi ko nga, tas sinabi niyang ginagalingan naman daw niya."
Walang nasabi si Huo Mian; tinuturuan na ba ni Mr. Qin ng kalaswaan ang mga kabataan ngayon?
Dahil sa masaya si Huo Mian sa pagbabalik ni Zhixin, hindi na muna siya pumasok nitong hapon. Pinagmaneho niya ito papunta sa Sky Blessing Court. Nang makarating sila, naglilinis ng bahay si Yang Meirong.
Nakasuot ito ng apron at nagwawalis ng sahig.
Nang makarinig ito ng mga yabag, hindi man lang ito lumingon. "Mian, hindi ba't on-call ka ngayon? Bakit ka nandito?"
"Ma!" Tumayo si Zhixin sa pinto at sumigaw.