Chapter 1256: Isang Pag-amin na Hindi Talaga Pag-amin (7)
Natuwa si Huo Mian noong nakita niya sina Jiang Xiaowei at Zhu Lingling. Sobrang busy nila recently na bukod sa occasional na WeCHat message, madalang lang sila magkita.
Gumaan agad ang pakiramdam ni Huo Mian noong nakita niya ang dalawa niyang best friends.
"Tinawagan kami ni Mr. Qin at sabi niya ililibre niya kami ng roasted lamb leg…" Tinuro ni Zhu Lingling si Qin Chu nang mapaglaro. Tiningnan siya ni Huo Mian nang masaya. "Bakit hindi mo sinabi!"
"Surprise pa rin ba kung sinabi ko sayo?" Kinuskos ni Qin Chu nang mapagmahal ang noo ni Huo Mian.
Lumapit si Zhu Lingling kay Huo Mian at hinawakan ang braso nito. "Guys, tama na, pwede bang 'wag niyo na kami pahirapan? Stop being so cheesy!"
"Nasaan yung pulis mo?"
"On duty pa siya, pero pupunta rin siya."
Tumalikod si Huo Mian para tingnan si Xiaowei. "Nasaan si Young Master Wei?"