Chapter 781: Laban Ng Mga Socialites(2)
"Siyempre pwede." ngumiti si Huo Mian.
"Pwede na akong tumakbo at tumalon ng malayo?" Inosenteng pumi-pikit ang mga mata ni Shuai Shuai kay Huo Mian.
"Oo, pwede… kapag gumaling ka na, pwede mo nang gawin ang lahat na ginagawa ng ibang tao."
"Yay, excited na ako!" Pumalakpak si Shuai Shuai.
Humarap si Xie Juan. "Dr. Huo, gumawa ako ng congee at pancakes, kung okay lang sa inyo…"
"Okay lang, hindi pa rin ako nag-aagahan." Kumuha si Huo Mian ng pancake at kinain ito.
Kumuha siya ng card mula sa lab coat niya. "Ito ang meal card ng South Side. Naglagay na ako ng pera dito. Pwede mong dalhin si Shuai Shuai doon para kumain at gamitin ang card na ito. Hindi naman masama ang pagkain… Oh, oo nga pala, 'wag niyong kalimutan ang mga oras. Ang breakfast ay mula 6 AM hanggang 8 AM lang, lunch naman ay 11 AM hangang 1 PM at ang hapunan ay 6 PM hanggang 8 PM."