Chapter 777: Kailangan Niyong Magsanib Pwersa (8)
"Hindi ko na siya ma-contact. Lumayas siya tatlong taon na ang nakakalipas, simula nang malaman namin na may kidney disease si Shuai Shuai… Ang sabi, nakipagtanan siya kasama ang asawa ng isang construction worker at walang nakakaalam kung nasaan siya… Hindi rin kami kinakausap ng lolo at lola ni Shuai Shuai. Wala na akong pagpipilian...hindi pwede panoorin ko na lang siyang mamatay. Hindi ko kaya."
Nakaupo si Xie Juan sa gilid ng kama at nagsimulang umiyak uli habang nagsasalita...
"Mama, hindi ako mamamatay… Mabubuhay ako ng matagal at aalagaan kita kapag matanda ka na."
Inosente ang boses ng batang lalaki. Sabi ng lahat na nagsasabi ng totoo ang mga bata, at ang mga sinasabi nila ay galing sa puso nila.
Hindi na nagtanong si Huo Mian…
- Dalawampung minuto ang nakalipas -
Dumating ang ambulansya ng South Side.
"Head Nurse."