Chapter 769: Isang Masamang Babae (10)
"Nag-away ba kayong dalawa?"
"Hindi… hindi kami nag-away," Mahina ang boses ni Huang Yue at hindi siya makatingin kay Huo Mian.
"Yue… ang relasyon ay nasa pagitan ng dalawang tao, at hindi ko na dapat ito tinatanong sa'yo… pero kilala ko si Zhixin at kung naubos ang option niya, hindi siya hihingi ng tulong sa akin. Sabi niya ay iniiwasan mo siya ng ilang araw… Bakit? May ginawa ba siyang mali?"
Si Huang Yue ang tipo ng tao na mahilig sumali sa mga bagay pero hindi siya pumunta sa thirty-ear anniversary celebration ng GK. Kakaiba talaga ito.
Napansin na ni Huo Mian na mayroong kakaiba pero hindi siya nagtatanong dahil ayaw niyang pangunahan si Zhixin.
Gayunpaman, nang tumawag si Zhixin sa kanya kagabi, alam niyang mayroon na talagang mali…
Umiling si Huang Yue. "Senior Sister, mabuting tao si Zhixin… siya ang pinakamabait at inosenteng lalaki sa lahat at maayos ang pakikitungo niya sa akin."