"Nakita ko."
"Ano sa tingin mo?"
"Ang galing mo..." puri ni Huo Mian.
"Haha… hindi ko alam kung nakatulong ba ako."
"Syempre, dinumog ng mga fans mo ang weibo ko at pati na rin ang haters," sabi ni Huo Mian sa mikropono ng headphones niya habang nagmamaneho.
"Mabuti yan… Oh, tama, kapag may oras na ako, gusto kita kitain sa ospital. Sa tingin ko ay mas nakakatulog na ako ng maayos ngayon at makakapagpatuloy na tayo sa treatment plan."
"Okay, huwag kang mag-alala. Tanda pa rin kita."
Pagkatapos patayin ang tawag ni Ni Yang, dumating na si Huo Mian sa lugar ni wu Xiaoxue…
Ipinarada niya ang kotse niya sa labas ng residential district at umakyat…
Pagkapindot ni Huo Mian ng doorbell, isang babae ang nagbukas ng pinto.
"Hi, nandito ako para kitain si Wu Xiaoxue."
"Okay, pasok." Binuksan ng kasambahay ang pinto at pinapasok si Huo Mian.
"Nandoon siya." Turo ng kasambahay sa master bedroom.