Tiningnan ni Ni Yang si Huo Mian pero ganun pa rin ang ekspresyon niya…
"Ikaw…" Halatang naalala siya nito.
"Dahil sa imbitasyon ni Director Li, ako ang magsasagawa ng treatment mo. Sana ay makipagtulungan ka sa akin at tulungan ako makahanap ng lunas para sa mga sintomas mo."
"Wala akong sakit, ayoko lang magsalita."
Ngumiti si Huo Mian. "Alam ko, pero sakit na rin na maituturing kapag bad mood ka ng matagal. Hindi kita tatratuhin bilang espesyal na pasyente at hindi mo dapat tratuhin ang sarili mo na parang pasyente rin. Mag-usap lang tayo na parang magkaibigan, yun lang."
Mukhang mas naging komportable si Ni Yang pagkatapos marinig ang sinabi ni Huo Mian kaya lumapit siya at umupo sa harap nito.
"Sabi ni Ate Yingzi ay baka sabihin mo sa mga reporters ang edad ko pero ang sabi ko ay hindi mo gagawin yun."