"Alin sa mga mata mo ang nagsabi sayo na gusto ko siya… seryoso." Patuloy pa rin si Zhu Lingling sa 'in-denial' niyang ugali.
"Lingling..."
"Ano?"
"Paano ko ba sasabihin ito? Ang biro na ito ay biro pa rin pero bilang matalik mong kaibigan, kailangan ko ito sabihin sayo," seryosong sabi ni Huo Mian.
"Sabihin mo sa akin," kaagad na sagot ni Zhu Lingling.
Sabi ni Huo Mian, "Sa buhay natin, hindi marami ang nagkakaroon ng pagkakataon na makilala ang isang tao na may pagtingin rin sa kanila, kaya kapag may nakilala kang ganun, hindi ba isang trahedya kapag pinalagpas mo siya dahil sa mga walang kwentang rason? Kung tatanggapin mo ang relasyon na ito at kahit pa hindi maging kayo sa huli, wala kang pagsisisihan dahil naranasan mo ito. Kapag tumanda ka, kailanman ay wala kang pagsisisihan sa mga dinate mo; kaysa naman sa magsisisi ka na may hindi ka dinate na tao."