"President Huo, niloloko mo ba ko?" Hindi alam ni Huo Mian kung anong magiging reaksyon niya sa koala na stuffed toy na kalahating-metro ang laki na buhat buhat niya.
Ang regalo lang sakin ng presidente ng Huo Corporation ay isang stuffed toy na hindi nagkakahalaga ng higit sa 50 yuan. Isang malaking kalokohan.
"Ayaw mo ba ng koalas? Ang una ko talagang naisip ay bigyan ka ng totoong koala."
"Pakiusap, ang koalas ay ang pambansang hayop ng australia," binigyang diin ni Hou Mian.
"Alam ko, hindi naman mahirap kumuha ng kaibigan na magdadala nito, pero.. Ang mahirap ay maghanap ng puno na titirahan ng koala kasi mahilig siya kumain ng dahon.
Kahit na madlaing ilagpas ang koala sa border, sobrang hirap kumuha ng puno kaya... binigyan na lang kita ng stuffed toy na pwede mong paglaruan."
Nagsalita si Huo Siqian ng para bang walang pakialam, pero halos mainis si Huo Mian sa mga salitang sinabi niya...