"Hindi ito mali, B ang blood type niya. May inventory kami para sa ibang mga blood types at ang tanging kulang lang namin ay blood type B dahil madami ang may kailangan nito kamakailan lang."
Pakiramdam ni Huo Mian ay nablangko ang utak niya. Hindi alam kung ano ang iisipin, hinila niya ang kanyang braso.
Hindi niya masyadong pinapansin ang blood type ng nanay niya dahil iniisip niya na baka type A or AB ito.
Kumpiyansa siyang AB type siya dahil madami na siyang mga test na pinagawa dati.
Noong bumisita siya si Huo Zhenghai, tiningnan niya ang patient profile nito at sigurado siya na B ang blood type nito.
Kaya, ang nanay niya dapat ay type A o AB ang dugo.
Para magkaroon ng AB type na anak, ang isa dapat sa mga magulang ay type B at ang isa naman ay dapat type A at AB.
Kung ang mga magulang niya ay parehas type B, ang anak nila ay dapat B o O ang type ng dugo. Ibig sabihin nito, imposible silang magkaroon ng anak na AB type.