"Hindi mo dapat ako hinayaan na matulog sa hita mo ng ganun," hindi alam ni Huo Mian kung ano ang isasagot.
Sobra kung magspoil si Qin Chu sa kanya…
Ang dalawa ay naupo sa Maybach ng isang oras, at ang Wanda Square ay hindi lalagpas sa sampung minuto ang layo mula sa Imperial Park.
Nakatulog si Huo Mian sa hita ni Qin Chu ng isang oras.
Idagdag pa rito, nung mga oras na yun, tahimik lang na umupo si Qin Chu na parang isang katulad ng gwapong maginoo…
"Ano naman? Basta ba makatulog ka ng maayos."
"Honey, magiging sobrang spoiled ako kapag ganito kabait sa akin."
"Pinapayagan naman kita maging spoiled."
"Umakyat na tayo." Npabuntong hininga si Huo Mian pagkabukas niya ng pinto, pero nung palabas na siya, napansin niya na namamanhid ang kanyang mga legs.
Siguro ito ay dahil nakabaluktot ang posisyon niya habang natutulog kaya namanhid ang kanyang legs. HIndi tuloy siya makatayo.
"Uhm…"
"Anong problema?"