Si Huo Mian ay may mataas na IQ at EQ, pero mayroon siyang isang kahinaan.
Kapag kasama niya si Qin Chu, tila ba hindi siya nakakapag-isip ng maayos. Kaya naman naging matagumpay si Qin Chu na gawin siyang girlfriend.
Lagi niyang iniisip na lahat ng ito ay nangyari dahil sa tadhana. At kahit pa gaano siya mag-isip at kaperpekto, madali siyang nahulog kay Qin Chu.
Samakatuwid, noong hinalikan siya ni Qin Chu, gusto niyang pumalag ngunit hindi siya makakuha ng lakas ng loob para gawin yun. O baka naman, ang katawan niya ay nagpapakatotoo lang, na ayaw nitong itulak siya papalayo at gusto nito siya at kanyang amoy na mapasakanya habang buhay.
Kapag oras ng break ng mga estudyante, nagpapatugtog ang kanilang school ng kanta upang maibsan ang kanilang stress.
Ito ay tumugtog na tila ba sakto ang oras nito, at rinig ang ito hanggang sa buong field…