Chapter 92 - Biyaya

Chapter 92: Biyaya

"Anong klaseng reaksyon yan? Huwag mong sabihin sakin na… hindi niyo pa nagagawa ito," sabi ni Zhu Lingling, mukhang gulat na gulat ito.

"Syempre hindi, natutulog kami sa magkahiwalay na kwarto."

"Ano? Magkahiwalay na kwarto? Edi ano pa ang point ng pagpapakasal niyo?" tanong ni Zhu Lingling na may halong panghihinayang.

"Hindi porket kinasal na kami, ibig sabihin na nito ay kailangan may mangyari samin. Alam mo naman na pumayag lang ako magpakasal sa kanya para may pang-opera si Zhixin."

"Pero mag-asawa na kayong dalawa ngayon, at yun ang katotohanan."

Katahimikan ang isinagot ni Huo Mian, habang isang malungkot na expression ang makikita sa kanyang mukha.

Walang kaalam-alam si Huo Mian na hahantong sa ganito ang mga pangyayari. Wala siyang kahit anong ideya kung paano sila ni Qin Chu magsasama simula ngayon.

"Sige, titigil na ako sa pagsasalita tungkol sa nakakalungkot na usapang ito. Ito nga rin pala ang bago kong nobyo, ano sa tingin mo?" inilabas ni Zhu Lingling ang kanyang phone at ipinakita kay Huo Mian ang litrato niya na nakatayo nang malapit sa isang lalaki.

"Tatagal na ba ito ng tatlong buwan?" tanong ni Huo Mian, makikita mo ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Mayaman ito at madaming talento kaya sa tingin ko, wala naman magiging problema. Ha! Ang lalaki ring ito ay isang matalinong businessman, at gusto ko na rin magtagal sa isang relasyon ngayon kaya totoo na talaga ito ngayon, girl!" habang nakikinig si Huo Mian sa sincere at seryosong pangako ni Zhu Lingling, medyo nakakaramdam pa rin siya ng kaunting pagdududa sa buong sitwasyon.

"Lagi mo nalang sinasabi na 'totoo na ito' lagi, pero hindi naman ito mga nagtatagal nang mahigit sa tatlong buwan."

"Hindi ko kasalanan kung wala ni kahit isa sa mga relasyon ko ay true love," ipinahinga ni Zhu Lingling ang kanyang baba sa kanyang palad at ngumiti.

"Fine. Nakapag-order ka na ba ng pagkain? Nagugutom na ako," ngumiti pabalik si Huo Mian.

"Oo, at ikaw ang manlilibre ngayon! Nakapag-asawa ka na ng mayaman! Kailangan kita kuhaan ng kaunti!" Pabirong dumila si Zhu Lingling.

"Walang problema, ako ang taya," tinapik ni Huo Mian ang kanyang dibdib bilang panigurado.

"Whoa! Ang saya siguro maging mayaman! Ito boss, isang toast para sayo. Congratulations sa kasal mo."

"Baguhin natin ang biyaya, hindi ito maganda," may pag-aalinlangang sabi ni Huo Mian.

"Walang may pake. Hayaan mo kong sabihin sayo, Mian. Hindi tayo ganoon mabubuhay ng mahaba, kaya hindi ka dapat laging nag-aalangan. Huwag ka nanng mamuhay sa nakaraan at matakot sa mga mangyayari palang, kundi, wala kang maabot sa huli. Huwag mo na ring antayin na tumanda ka at panghinayangan lahat ng mga desisyong hindi mo nagawa. Kung tatanungin mo ako ang relasyon niyo ni Qin Chu ay simple lang. Mahal mo siya at mahal ka niya. Kaya magsama na kayo, at saka niyo na pag-isipan ang lahat."

Napangiti ng mapait si Huo Mian.

"Lingling, hindi ganun kadali ang mga bagay-bagay katulad ng iniisip mo. Minsan, mahirap para sayo ang maglakad ng isang milya kung suot mo ang sapatos ko. Kaya baka hindi mo masyado maintindihan kung ano ang pinagdadaanan ko. Pero okay lang, huwag na natin pagusapan ito. Minsan na nga lang tayo maghapunan ng magkasama, kaya mag-enjoy nalang tayo." Itinaas ng dalawa ang kanilang mga glass at nagtoast.

Nagkakahalaga ang pagkain ng 700 yuan, kaya medyo mahal nga ito.

Bago pa makapagbayad si Huo Mian ng bill, inisingit ni Zhu Lingling ang isang malaking pulang envelope sa kanyang mga kamay.

"Ano ito?" Gulat na tanong ni Huo Mian.

"Wedding gift mo."

"Dude, wala nga ako naging wedding e." Hindi alam ni Huo Mian kung tatawa ba siya o iiyak.

"Oo nga, pero kasal kayo sa papel kaya ito ay isang pagbibigay ng respeto."

"Sige na nga, ikaw na ang panalo." Magiliw na tinanggap ni Huo Mian ang pulang envelope galing kay Zhu Lingling. Kung titingnan ito maigi, hindi bababa sa five thousand yuan ang laman nito.

Kung may nagpapasaya man kay Huo Mian sa mga nagdaang taon, ito ay ang pagiging matalik na kaibigan ni Zhu Lingling.

Lagi itong nasa tabi niya kapag kailangan ni Huo Mian ng tulong.

Iniisip dati ni Huo Mian na mas nagtatagal ang pagkakaibigan kaysa sa pagmamahalan.

Pagkatapos kumain ni Huo Mian kasama si Zhu Lingling, sumakay ito ng taxi para bumalik sa Imperial Park.

Nagring ang phone niya habang palabas siya ng taxi.

"Ms. Huo, si Mr. Luo ito, yung abugado."

"Anong kailangan mo?" Nagdilim ang mukha ni Huo Mian pagkarinig ng boses sa kabilang linya.

"Ms. Huo, tinatawagan kita ngayon para sabihin sa iyo na hindi mo na kailangan maghirap para magsampa ng kaso."

"Sinusubukan mo bang bayaran ako ulot?" Cold na tumawa si Huo Mian.

"Hindi, may nangyari sa aking client "

"Ano?" Hindi makapaniwala si Huo Mian sa narinig at nagtanong ulit.