Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 73 - Penitensya

Chapter 73 - Penitensya

Chapter 73: Penitensya

"Ma, hindi ka yata gaanong pamilyar sa batas. Kung gagawin natin ang tamang paraan at sila ay natalo sa kaso, kinakailangan pa rin nilang magbigay ng kabayaran kahit hindi ito kasing laki ng inaalok nila sa pribadong kasunduan. Kinakailangan din nilang bayaran ang pagpapagamot ni Zhixin. Ang tanging mawawala lang ay ang nutritional fees at emosyonal na danyos. Hindi tayo manghihingi ng sobra at ayaw kong gamitin ang aking kapatid upang yumaman. Kapag tayo naman ang nanalo sa kaso, magbibigay pa rin sila. Kaya huwag kang mag-alala tungkol sa pera."

"Ate, parang ginagawa mo naman itong komplikado. Paano maiintindihan ni mama yan? Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na kung aayusin natin ito sa pribadong paraan, maaari nila tayong bigyan ng 1,000,000 yuan bilang kabayaran. Pero kung aayusin natin ito sa korte, pagkatapos mabigay ang desisyon, maaari nila tayong bigyan ng 300,000 yuan para sa gastusin sa ospital. Medyo malaki ang diperensya nito pagdating sa pera, tama?"

Pagkatapos magsalita ni Jing Zhixin, tumango si Huo Mian.

Hindi na gaano nagsalita pa si Yang Meirong, pero ibinaba nito ang kanyang ulo at mahinang sinabi "Sana maging maayos ang lahat."

Nakikita ni Huo Mian na kahit hindi mukhang masaya ang kanyang ina, sumasang-ayon ito sa kanyang desisyon.

Sa sandaling iyon, may kumatok sa pintuan...

Kinabahan si Huo Mian. Natatakot siya na baka biglang pumunta si Qin Chu sa ospital nang walang pasabi.

Kung mangyayari ito, at makikita ng kanyang ina si Qin Chu, mas magkakaroon ng tensyon ang sitwasyon.

Pagkakita sa taong pumasok pagtapos nito kumatok, nakahinga ng maluwag si Huo Mian.

Ito ay si Ning Zhiyuan.

"Kuya Zhiyuan," mahinang sabi ni Jing Zhixin.

Nakaputing lab coat si Ning Zhiyuan na para bang kakagaling lang nito sa shift sa ospital.

May dala siyang basket ng prutas. Una niyang tiningnan si Huo Mian, bakas ang halu-halong emosyon sa kanyang mukha.

Pagkatapos, binati niya ang nanay ni Huo Mian, "Tita."

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba naghiwalay na kayo?" sabi ni Yang Meirong na may seryong mukha.

"Nandito ako para bisitahin si Zhixin. Mukhang umaayos na ang kalagayan niya. Sana gumaling ka kaagad," sabi ni Ning Zhiyuan habang nilalapag ang basket ng prutas.

"Salamat, Kuya Zhiyuan," ngumiti si Jing Zhixin.

"Mian…" tiningnan niya si Huo Mian, ngunit hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

"Oh."

"Pwede ka bang lumabas saglit? May sasabihin ako sa'yo."

"Kung ano man yun, pwede mo namang sabihin dito. Hindi naman ibang tao ang aking ina at kapatid," pagkatapos niya pumunta sa bagong bahay ni Ning Zhiyuan noong isang araw, nakita niya itong may kasamang babae, at hindi nito binigay sa kanya ang kanyang perang binayad niya para sa downpayment kaya wala nang ni katiting na nararamdaman si Huo Mian para kay Ning Zhiyuan.

Bago mangyari ito, ipinagpapasalamat pa niya ang paraan ng panliligaw nito noong nasa school pa sila.

Ngayon, alam na niyang kaya nitong magbago ng walang awa.

Kung tinulungan sana siya ni Ning Zhiyuan dati, hindi na sana niya kinailangang magmakaawa kay Qin Chu.

Sa huli, wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang pakasalan si Qin Chu. Sa huli, si Ning Zhiyuan ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat.

Ngayong nangyari na ang lahat ng ito, wala nang iba pang gustong sabihin si Huo Mian sa kanya.

Nang marinig ni Ning Zhiyuan ang mga salita ni Huo Mian, nahiya ito.

Pagkatapos, umubo ito at sinabing, "Mian, hindi ko inakalang mangyayari ito. Dati… galit at nagseselos ako. Naging tayo ng mahigit tatlong taon kaya alam mo na kung ano ang nararamdaman ko para sa'yo. Hindi sa ayaw kitang tulungan. Narinig ko rin na bayad na ang operasyon ni Zhixin at nanghiram ka sa iba para dito. Gusto kitang tulungan bayaran ito. Pwede kong ibenta ang apartment at kotse ko. Ang iyong pamilya ay pamilya ko na rin at si Zhixin ay para ko na rng nakababatang kapatid. Pwede ba tayong bumalik sa…"

Bago pa makatapos si Ning Zhiyuan, pinigilan siya ni Huo Mian.

"Hindi pwede."

"Mian, hindi mo ba talaga ako mabibigyan ng isa pang pagkakataon?" pagmamakaawa ni Ning Zhiyuan.

Iniangat ni Huo Mian ang kanyang ulo. Tumingin siya sa mga mata ni Ning Zhiyuan at sinabing, "Ang alam ko lang ay noong wala akong pagpipilian kung hindi humingi ng tulong sa iyo noong nag-aagaw buhay ang kapatid ko at nangangailan ng pera para mailigtas ang kanyang buhay, nasa bahay ka na binayaran natin parehas ang down-payment at nakikipagtalik sa ibang babae. Ning Zhiyuan, hindi ako tanga, at ikaw rin. Huwag na tayong mamuhay sa nakaraan. Hindi mo ako tinulungan, at hindi kita sinisisi. Pero ngayon, ang pagpapanggap mo bilang mabait pagkatapos ng lahat ay nakakasuka."

Nahiya si Ning Zhiyuan dahil sa mga sinabi ni Huo Mian.

Kasabay nito, nagulat siya. Para sa kanya, si Huo Mian ay palaging mahinhin. Bakit ngayon ay parang tumabil ang kanyang dila? Parang siyang ibang tao. Ang kanyang mga salita ay sinusugatan siya na para bang kutsilyo, at hindi siya makasagot sa mga ito.

"Mian... sa tingin ko ay nagbago ka na," sabi ni Ning Zhiyuan matapos ang mahabang pag-aalinlangan. Napangiti ng bahagya si Huo Mian sa kanyang mga sinabi.

Related Books

Popular novel hashtag