Chapter 699 - Paliwanag (8)

"Okay, maguumpisa na ko."

"Mmh."

Bago magkwento si Qiao Anhao, tinitigan niya muna si Lu Jinnian sa screen,

na para bang iniisip niya kung paano siya maguumpisa. Pagkalipas ng

sampung segundo, umubo siya at nagpatuloy, "Long time ago, may isang

babae at isang lalaki na sobrang nagmamahalan pero hindi nila alam na

pareho silang may nararamdaman para sa isa't-isa. Isang araw,

nagkayayayaan silang magdinner."

Habang nagkwekwento siya, bumalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari

noong nakaraang Valentine's day…

"Sa sobrang excited ng babae, sinukat niya ang lahat ng damit na meron siya

sa closet bago siya makapili ng susuotin niya. Pagkatapos, dumiretso siya sa

katabing mall para magpa'makeup pero ala una palang ng tanghali noong

natapos siya sa lahat-lahat kaya ibig sabihin, may anim na oras pa siya bago

magumpisa ang dinner. Naglakad-lakad muna siya sa loob ng mall hanggang

sa maisip niya na pumunta sa male department para ibili yung lalaki ng

regalo.

"Kaso habang nakapila yung babae, may biglang nangyari kaya nagmamadali

siyang pumunta sa lalaki at pinagsabihan ito ng masasakit na salita. Siguro

hindi yun ang inaasahang marinig ng lalaki galing sa babae kaya bigla siyang

nagalit at umalis."

Malambing at mahinahon ang boses ni Qiao Anhao kaya masarap sa tenga.

Samantalang si Lu Jinnian naman ay walang kaimik-imik habang nakikinig ng

mabuti sa bawat sasabihin ni Qiao Anhao. Nararamdaman niya na may

pinatutunguhan ang kwento nito pero imbes na patigilin ito ay pinili niyang

manahimik at hayaan itong magpatuloy sa pagkwekwento.

"Noong oras na 'yun, sinubukang humingi ng tawad nung babae pero

masyadong galit yung lalaki. Sa totoo lang, hindi naman sinasadya nung

babae yung mga nasabi niya kaya noong nakita niyang galit na galit yung

lalaki, sobrang nakonsensya siya. Pero kahit anong gawin at sabihin niya,

ayaw na talaga siyang pansinin nito.

"At dahil din sa lalaki, nagkasakit ang isang auntie, na mula pagkabata ay

sobrang malapit talaga sa babae kaya naisipan niyang bisitahin muna ito."

Habang nagpapatuloy si Qiao Anhao, naalala rin ni Lu Jinnian ang mga

nangyari noong araw na 'yun. "Alam mo ba…hindi naman talaga nagalit yung

lalaki, nalungkot siya dahil kinumpara siya nung babae sa ibang tao. Noong

oras na naghiwalay sila, pumunta ang lalaki sa gym at tumakbo ng dalawang

oras para maglabas ng sama ng loob. Pero noong napagod na siya, narealize

niya na mayadong naging maikli ang pasensya niya kaya nagtext siya sa

babae para humingi ng tawad."

Huminga ng malalim si Qiao Anhao bago siya magpatuloy, "Pero ang hindi

alam ng lalaki… Noong pumunta ang babae sa bahay nung auntie, may mga

narinig siya na medyo nakasakit sakanya kaya nagpaalam muna siyang

bumaba para mag'CR. Noong nakita niya ang maganda niyang makeup sa

salamin, natakot siya na baka hindi na matuloy ang dinner date nila nung

lalaki dahil sa mga nasabi niya kaya gustong-gusto niya sanang itext ito para

manghingi ng tawad.

"Seryoso talaga yung babae na magsorry sa lalaki kaya inisip niyang mabuti

kung ano bang magandang laman ng message niya para magkaayos na sila

kaagad."

Nakatitig lang si Lu Jinnian kay Qiao Anhao at hindi nagsasalita.

"Sobrang tagal niyang nagisip bago siya mag'type sakanyang phone."

Kahit na kalmado ang boses ni Qiao Anhao, ramdam ni Lu Jinnian ang bakas

ng lungkot.

"Ito sana ang ang gusto niyang sabihin- Masyado akong naging emotional

kanina. I'm sorry. Sabi mo magdidinner tayo mamaya diba. Pwede ba tayong

magusap? Hihintayin kita sa bahay…"

Hindi makapaniwala si Lu Jinnian sa mga huling sinabi ni Qiao Anhao kaya sa

gilid ng kanyang phone na hindi nito nakikita, biglang nanginig ang kanyang

mga daliri.

Related Books

Popular novel hashtag

CONTINUE FROM LAST READ?
Chapter 519, Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (20)