Sa gitna ng sunod - sunod na tunog ng pagkuha ng larawan, hinarap ni An Zihao ang mga reporter ay publiko ng kalmado. Ang sulok ng kanyang mga labi ay kumurba papataas na may kaduda - dudang ngiti.
Ang huling pagkakataon na tumayo siya sa harap ng ganito karaming tagapanood ay ilang taon nang nakakalipas nang maging international spokesperson si Yun Xin para sa VL. Para naman ngayong na ito, naroroon siya sa entabladong iyon para sa kanyang sarili; siya ay muling maipapanganak.
Ang oras ay alas - 3:20 ng hapon.
Opisyal na nagsimula ang press conference. Pinanatili ng staff ng Cheng Tian ang kaayusan, binigyan lamang 15 minuto ang mga reporter magtanong ng katanungan.
Umakyat si Lan Xi ng entablado at tumingin sa paligid, "Mga kaibigan sa media, nagtrabaho kayo ng mabuti. Hinggil sa viral headline patungkolnsa Cheng Tian, magbibigay kami ng kompletong paliwanag ngayong araw."