"Tangning, ako ay kasalukuyang nasa bahay ng assistant ni Mo Yurou," nang sumunod na araw, nakatanggap ng tawag si Tangning mula kay Long Jie. "Gayunpaman, tila ba may sakit ang kanyang anak na babae. Ang kanyang asawang babae ay medyo bata pa at ang tanging ginagawa lang niya ay ang maglaro sa loob ng kanyang silid.'
"Gaano kalala ang sakit ng bata?" kumunot ang noo ni Tangning. Gaano ba kahalaga si Mo Yurou sa lalaking ito, para pangalagaan niya ito ng mabuti?
"Hindi siya tumitigil sa pag – iyak at tila ba mayroon siyang lagnat at panginginig. Ang kawawang bata na ito."
Naririnig ni Tangning ang iyak ng bata mula sa kabilang linya ng telepono. Kung hindi nila nakita ang batang ito, hindi nila ito aalalahanin, ngunit dahil sa nasasaksihan ni Long Jie ang sitwasyong ito, inutusan niya ito, "Dalhin mo siya sa ospital at bayaran mo ang lahat ng dapat bayaran sa kanyang pamamalagi roon."