Chereads / Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 10 - Determinadong bumangong muli.

Chapter 10 - Determinadong bumangong muli.

Tumigil ng pagsasalita si Mo Ting habang nakatingin ito saan at si Tangning naman ay napatingin sa itim na nunal sa tenga nito na para bang ipinanganak itong may hikaw, na nagbibigay dito ng delikadong aura.

"Alam mo bang sa ginagawa mong pagtitig sa'kin ng ganyan, inimbitahan mo akong halikan ka? Yakapin ka? O…"

Pinigilan ni Tangning ang kanyang nerbyos at hinawakan ni nito ang braso ni Mo Ting habang iniwasan ang mga tingin nito. "Bago tayo umuwi, pwede mo ba akong samahan muna?"

"Pagkatapos ntin puntahan iyon, pwede ba nating tapusin ang hindi natin natapos kagabi?"

Kaswal na tanong ni Mo Ting, pero halatang hindi maitago ni Taning ang kaba sa harap nito dahil sa totoo lang, hindi niya alam kung magiging ganun pa rin ang lakas niya ngayon kaysa sa lakas na ipinakita niya kahapon. Hindi siya pwenersa ni Mo Ting, o patuloy na tinanong ito. At hinayaan lang niya si Tangning na hawakan ang kanyang braso habang pasikretong ngumiti ito.

Hindi nga silang dalawa dumiritso dahil sa hiling na iyon ni Tangning. At dumiritso sila sa isang kilalang cherry blossom tree kung saan palagi silang nagkikita ni Han Yufan dati sa kanilang date. Pero ngayon, aalisin niya na ito sa puso niya. Sa huli, sinagot niya ang tawag nito, "Nandito ako sa cherry blossom forest kung saan tayo palaging nagdedate. Kung gusto mo akong makita, pumunta ka lang dito. See you there."

"Okay, pupuntahan kita kaagad." Agad na sagot ni Han Yufan. Kahit noong magkarelasyon pa sila ni Mo Yurou, wala siyang balak na iwanan si Tangning. At saan siya makakakita ng babaeng mabilis mauto? Atsaka, loyal ito sa kanya, may magandang background ang pamilya, at maganda rin ang ugali.

Pinatay ni Tangning ang telepono at hinarap si Mo Ting na nasa harap nito. Buong katotohanang pinakangako nito, "Ito na ang huling beses na mag-uusap kami sa telepono ng nararamdaman namin. Mula ngayon, hindi na ulit mauulit pa."

Tumaas ang mga kilay ni Mo Ting dito. Tinuro nito ang upuan sa tabi nito para doon umupo dito na parang pagmamay-ari niya ito.

Agad namang sumunod si Tangning dito at tumingin sila sa bintana kung saan makikita ang mga nangyayari sa baba. 'Di kalaunan, nakita nila ang may humahangos na pigura ng isang tao ang lumitaw sa ilalim ng cherry blossom tree.

Dumating nga si Han Yufan!

Maraming beses na nangyari na siya ay nakatayo kung nasaan nakatayo ngayon si Han Yufan habang walang kamuwang muwang na inaantay ito buong araw. 5 sa 10 beses ay hindi siya sinipot nito. Sa mga nangyayari ngayon, ang katapatan na pinakita niya dati ay tinapakan lang nila…

...hindi sinipot, pinaglaruan, at tinraydor, gusto niyang maramdaman lahat ito ni Han Yufan.

"Will this really relieve your hatred?" Tanong ni Mo Ting habang ang isang kamay nito ay nasa mga balikat ni Tangning at tinitignan ang taong nasa baba nila.

"Syempre hindi, pero gusto kong maranasan ang lahat ng naranasan ko, kahit gaano pa kalaki o kaliit ang mga iyon!"

Inabot ni Mo Ting nag kanyang mahahabang daliri at hinawakan ang baba ni Tangning, tinignan ito sa kanyang mga mata. Nakikita nito ang isang mahinang babae pero pagnaransan nitong masaktan ang damdamin niya, malinis nitong nireresolba ang lahat ng mga bagay na 'yun; mabilis na tinatapos niya ang mga ito katulad ng sinasabi niya ng walang halong pagkukunwari.

"When ordering I ordered some foie gras. Sabi ng waiter na nanggaling daw mismo iyon sa France, I thought it would be quiet good."

Inilabas siya ni Mo Ting sa pagkakahawak dito at hlat na nginitian niya ito, "Pa'no mo nalaman na gusto ko 'yun?"

"It's not hard to find out my husbands preferences." At tinawag ni Tangning ang waiter upang ihain na ang kanilang pagkain, "Let's eat while we chat."

Tinignan ni Mo Ting ang pink at malambot, na malarosas ang manipis niyang labi. Ang mga tingin nito ay mapanganib, "Pero, ayokong makipag-usap. I just want to…kiss you!"

Sinong may sabi na siya ang lason sa industriyang ito? Siguradong, ang babaeng nasa harapan niya ang nagdadala rin ng lason na hindi nila alam ay nakakaadik din.

Nakatayo pa rin si Han Yufan sa kinatatayuan nito habang sa taas naman, sa loob ng restaurant ay masayang kumakain sina Tangning at Mo Ting. Ayaw pag-usapan ni Tangning ang trabaho niya sa harap ni Mo Ting at naiintindihan niya naman ito. Pagkatapos niyang tulungan ito ng dalawang beses, nakita niya kung pa'no nito hawakan ng maayos ang mga bagay na ito para sa kanyang sarili. Hindi naman pala mahina ang maliit na babaeng ito.

Gayunpaman, kahit hindi ito mahina, asawa niya pa rin ito. At hanggang siya ay asawa pa rin niya, sisiguraduhin niyang siya ang aaway sa mga kaaway niya at hindi siya ang aawayin ng mga ito.

Isang oras makalipas, nasa baba pa rin si Han Yufan at patuloy na nagaantay dito kahit halatang naiinip na ito. Sa mga oras ring iyon ay walang tigil ang pagtawag niya kay Tangning pero pinatay na ni Tangning ang mga abiso nito. Ang hindi niya lang alam, na sa mga mata nina Tangning at Mo Ting, siya ay isang tagabantay na nakatao sa ilalim ng punong iyon.

Pagkatapos ng dalawang kumain, sumulyap si Mo Ting sa baba at nagtanong, "Gusto mo pa bang manuod?"

"No, I want you to help me move houses."

Tumango si Mo Ting at agad na binayaran ang kanilang pinagkainan tapos sinamahan si Tangning palabas. 'Di nagtagal, dumating na rin sila sa bahay ni Tangning. Nang papasok na sana si Mo Ting, sinabihan siya ni Tangning na antayin niya ito ng limang minuto sa labas. Pagkatapos ng limang minutong iyon ng pumasok siya sa bahay, lahat ng bakas ng relasyon nina Tangning at Han Yufan ay wala na. Wala ring masyadong tinanggal si Tangning dahil hindi naman palaging pumupunta doon si Han Yufan.

"Sandali lang Mo Ting, I need to pack a few things."

Pinagmasdan ni Mo Ting ang bahay ni Tangning. Nakita niya ang malaking litratong nasa salas; ang litratong iyon ay kung saan natanggap ni Tangning ang pagiging no. 1 na modelo nito. Kung hindi siya umalis, siguro ngayon international model na ito.

Pagkatapos ng limang minuto, lumabas si Tangning na dala - dala ang teddy bear sa kanyang mga braso, "Ito na lahat ng mga gamit ko."

"Wala ka ng iba pang gamit?"

"Wala, let's leave the memories behind." Siguradong pagiiling ni Tangning ng kanyang ulo ng bigla siyang hinila ni Mo Ting at hinagkan siya ng malamig na labi nito.

Sa una ay nagulat si Tangning pero 'di nagtagal, pinikit niya ang kanya mga mata at ibinalik ang halik nito. Nang hindi na makontrol ni Mo Ting ang kanyang sarili at mga kamay nito ay umabot na sa ilalim ng kanyang palda at tumigil silang dalawa. "Let's leave the rest for when we get home. Pero sa ngayon, has my kiss made your memories better?"

Pinalibot ni Tangning ang kanyang mga braso kay Mo Ting. Nararamdaman niya ang kalmadong paghinga nito. Mula ngayon, hinding - hindi na siya papayag na saktan pa ulit siya ng iba, Iingatan niya ang lahat ng sa kanya.

Apat na oras ng nag-aantay sa ibaba ng cherry blossom tree si Han Yufan. Gusto pa sina niyang mag - antay pa pero nakatanggap siya ng tawag galing kay Mo Yurou, "Yufan, nasa'n ka? Andito ako sa inyo pero hindi kita makita, my stocmach is in pain… Yufan, why haven't the photos been removed yet? I'm afraid na baka masira ako ng ganito na lang."

Biglang nagising si Han Yufan at mabilis na umuwi. Nang makita nitong kaawa - awang nakatayo si Mo Yurou ng isang paa lang, hindi niya maiwasang tumakbo papunta rito, "I won't let you be destroyed and I won't let Tianyi be destroyed."

"Yufan, ikaw lang ang meron ako. 'Wag mo kaming iwan ng baby ko."

Mabilis na inalo ni Han Yufan si Mo Yurou at pagkatapos ay marahang tinatapik niya ang likod nito. At sa gabing iyon ay pinilit niya ang kanyang mga kasama na maglabas ng pahayag na nagsasabing may mga ibang tao rin na nandun. Ang katotohanan ay nawalan ng balanse si Mo Yurou at aksidenteng napadpad siya sa braso ni Han Yufan at nahulog sila pareho sa kama.

Hindi naman kasi makikita sa litrato, at hindi rin sila naghahalikan sa kama.

Ang importante, sa mga oras na ito ay gusto pa rin isakripisyo ni Han Yufan si Tangning na nagsasabing may tao sa likod ng mga nangyayari at sabihin sa publiko na 'wag magpaloko.