Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 4 - Misteryosong Eksperto

Chapter 4 - Misteryosong Eksperto

"Sister Chen, kumakain ka nanaman ng miryenda

Pagkatapos bumili ng miryenda, tinawag ni Chen Guo ang lahat ng empleyado ng Internet Cafe para sama-sama nilang pagsaluhan ang mga ito. Mabilis na kumalat ang amoy ng mga pagkain sa loob ng Internet Cafe na naging dahilan kung bakit kaagad na nag reklamo ang mga kustomer. Matagal nang lumipas ang oras ng hapunan ngunit napipilitan silang maamoy ang napakabangong amoy ng mga pagkain.

Hindi sila nasiyahan, bagkus ay nainis sila!

"Pumila kayo nang maayos kung gusto niyo ng noodles." Sigaw ni Chen Guo.

"Sister Chen, dapat araw-araw ka kumain ng lutong bahay. Kami nalang ang kakain ng mga instant noodles."

Walang nakakatanggi sa pang-aakit na ito. Ang mga Instant Noodles lamang ang maari nilang mabili sa loob ng Internet Cafe at kinakain nila iyon habang naiinggit na tinitiigan ang mga empleado na kinakain ang kanilang kompleto, masarap at masustansyang pagkain.

"Kung gusto niyo ring lumabas at kumain, huwag niyong utusan ang mga empleyado ko na bumili para sa inyo." Sabi ni Chen Guo.

"Sa susunod, hindi ba pwedeng sabihin mo muna sa amin na bibili kayo ng pagkain sa labas? Para makasabay na rin kami." Sabi ng isang tao.

"Sa sobrang dami ng mga tao rito sa Internet Cafe, sa tingin mo ba'y kaya naming buhatin lahat ng mga pagkain niyo para ihatid sa inyo?"

"Kung gusto niyo talagang kumain, pero tinatamad kayo, tawagan niyo nalang sila't pwede naman nilang ihatid ang pagkain niyo!"

"Alam mo ba ang numbero ng telepono nil Ate Chen? Pahiram nga para mailagay ko rito sa telepono ko." May isang taong nagsabi.

"Ano namang gagawin ko sa numero ng telepono nila? May mauutusan naman akong tao, bakit ko pa sila tatawagan?" Sumagot naman si Chen Guo.

Sa pagkakataong ito, hindi lang ang mga kustomer ng Cafe kung 'di pati na rin ang mga empleyado ang nagreklamo hanggang sa bumuhos ang kanilang mga luha. Nakahanap ng pagkakataon si Ye Xiu at hindi niya ito pinalampas para magtanong: "Chen ang apelyido mo Boss diba?"

"Yup, Chen Guo. Nakita ko na ID card mo. Hindi mo ako kasing tanda, kaya ayos lang sa'kin kung tatawagin mo akong ate. Hindi ka rin lugi." Sabi ni Chen Guo.

"Kung 'yun ang gusto mo…" Pilit na ngumiti si Ye Xiu.

"Parang sobrang anghang ng giniling ngayon ah. Hoy, bata. Kainin mo nga iyang lahat."

Hindi masyadong marami ang kinain ni Chen Guo, matapos ng isang subo ay kaagad siyang tumakbo at kumuha ng isang basong tubig. Sa mga sandaling makabalik na siya ay sinipa niya ang upuan ni Ye Xiu.

"Hindi ka pa ba tapos? Bilisan mo." Sabi ni Chen Guo.

"Bakit ka nagmamadali?" Tanong ni Ye Xiu

"Malapit na ang oras." Itinaas ni Chen Guo ang kanyang kamay para ipakita kay Ye Xiu ang kanyang relo. Kasalukuyang 11:52pm ngayon. Pitong minuto nalang bago ang pagbubukas ng ika-sampung server ng Glory.

"Sasama ka rin?" Bahagyang nagulat si Ye Xiu. Pagkatapos malaro ang account ni Chen Guo na Chasing Haze, na isang account sa ika-limang server.

Kung nagawa ang account na iyon sa mga sandaling nagbukas ang ika-limang server ay matatawag na limang taon na ang tinagal ng account na iyon.

Kahit na hindi iyon nakakakumpara sa kaniyang pangunahing account ay isa pa rin itong pambihirang account para sa mga pangkaraniwang manlalaro, at iyon ay malinaw na mahirap na bitiwan.

"Tingnan mo kung gaano sila kasabik." Tugon ni Chen Guo.

Talagang nakakasabik ang pagbubukas ng isang bagong server. Ang dapat na isang ordinaryong araw lang ay nagiging oras na kung saan ay napupuno ang Happy Internet Cafe. Puno ng mga manlalaro ang lahat ng lugar. Hanggang sa kung saan kayang makita ng mga mata mo ay may mga taong nakaupo't tinititigan ang kanilang screen.

Sa pagpasok sa isang bagong server ay masyadong maraming maaring magawa ang isang manlalaro, dahil dito ay hindi rin mapigilan ni Chen Guo na makaramdam ng sabik.

Ibinaling niya ang kaniyang tingin kay Ye Xiu. Siya'y nagulat matapos makitang walang kahit na anong bakas ng sabik at kasiyahan sa pagmumukha nito.

"Ano pa ba ang hinihintay mo?" Tila mukhang mas balisa pa si Chen Guo kaysa sa mga kustomer.

"Bakit kailangan magmadali?"

Tunay na kalmado lang si Ye Xiu, at hindi siya nagkukunwari. Pero matapos makita ang naiinis na pagmumukha ng kaniyang Among si Chen ay naramdaman niyang kailangan niya ring magkunwari.

Dahil dito ay ibinaba niya ang kaniyang chopsticks at naghanap ng kompyuter na kung saan maari siyang maglaro.

"T*ngina, parang pinipilit ko pa yata siyang maglaro. Anong klaseng tao ba talaga 'tong lalakeng ito?"Patagong nagalit si Chen Guo. Ang mga empleadong nasa paligid naman ay patago ring tumawa.

Namalayan nila na may kakaiba sa bagong empleado na si Ye Xiu. Para mapagalit ng ganiyan ang kanilang amo ay malinaw na hindi siya isang pangkaraniwang tao.

Umupo si Chen Guo sa katabing istasyon ni Ye Xiu at nirehistro ang kanyang Chasing Haze account. Hindi masyadong bumaba ang kasikatan ng iba pang siyam na server dahil sa pagbubukas ng ika-sampung server. Kapag mas matagal na ang server, mas lalo itong sumisikat.

Dahil dito ay bakit naman bibitawan nila ng ganoon kadali na lamang ang mga nakakatanda nilang account? Idagdag pa na maaring magkita ang lahat ng mga manlalaro sa lahat ng server doon sa Heavenly Domain.

Ang Heavenly Domain ay hindi isang basta-bastang lugar lamang. Iyon ay isang panibagong mundo na kung saan maaring makipaghalubilo ang lahat ng mga manlalarong mula sa iba't-ibang server.

Para sa lahat ng mga manlalaro ay ang Heavenly Domain ang kanilang panghuling destinasyon.

Malapit na sumapit ang hating-gabi. Sa huling sampung segundo, may mga tao sa Internet Cafe na hindi mapigilan magsimulang bumilang.

Habang papalakas nang papalakas ang ingay at naisigaw ang huling 'ZERO', naglaho kulay-abo na kulay ng login window ng ika-sampung server.

Nagkaisa ang lahat sa Internet Cafe. Sabay-sabay nilang inunat ang kanilang kamay at ipinasok ang kanilang account card sa login device.

Pinindot nila ang kanilang mouse para makapasok sa ika-sampung server.

Ibinaling ni Chen Guo ang kanyang ulo patungo kay Ye Xiu at halos sumuka siya ng dugo sa kanyang nakita. Habang ang lahat ay pumapasok sa laro, ang taong 'to ay nagbukas at tinitingnan ang mga patnubay na para sa mga baguha, ukol sa kung anong mga quests ang dapat nilang unahin sa pagpasok sa laro.

"T*ng i*a, hindi mo alam paano gawin ang mga 'yan? Kailangan mo pa ng patnubay?" Kung hindi dahil sa totoong first-edition card na hawak-hawak ni Ye Xiu ay kahit na bugbugin siya, hindi siya maniniwalang may sampung taong karanasan sa paglalaro ang lalaking ito .

"Matagal ko nang hindi ginagawa 'to, sa tingin mo ba'y maaalala ko pa ang mga dapat na gawin dito?" Tugon ni Ye Xiu.

"Talaga bang wala kang karanasan? Kahit sa pagtulong man lang sa isang manlalaro na matapos ang mga quests na iyan?" Nagtanong si Chen Guo.

"Talagang wala akong karanasan dito…" Sagot ni Ye Xiu.

"Hindi ka kasi nakikisama, kaya ganiyan…" Panghahamak ni Chen Guo.

"Nawalan kasi ako ng oras." Pagdadahilan ni Ye Xiu.

"Hindi naglalaro ang mga taong walang oras. Ang mga naglalaro ay mga taong sobra-sobra ang oras." Sabi ni Chen Guo.

"Abala ako sa paglalaro." Seryosong sinabi ni Ye Xiu.

"Ano palang ang trabaho mo?" Tanong ni Chen Guo.

"Ang paglalaro!" Sagot ni Ye Xiu.

"Oh, isa ka palang propesyonal na manlalaro?" Sabi ni Chen Guo.

Tumawa si Ye Xiu: "Oo, malakas-lakas rin ako noon."

"Malakas-lakas? Propesyonal na manlalaro?" Natulala si Chen Guo.

Nagmamalaking tinango ni Ye Xiu ang kanyang ulo.

"Edi retirado ka na!" Sabi ni Chen Guo.

"Paano mo nalaman?"

"Matanda ka na kasi." Sabi ni Chen Guo.

Mapait na tumawa si Ye Xiu.

"Pinagtataka ko kung paano mo tinalo yung lalaking 'yun sa loob ng 40 na segundo. Kaya pala, isa ka palang propesyonal na manlalaro kahit isang baguhan ka lang sa larangang iyon." Sabi ni Chen Guo.

"Baguhan?"

"Kilala ko halos ang lahat ng mga propesyonal na manlalaro, at Ye Xiu? Hindi ko pa naririnig ang pangalang 'yan. Kung hindi ka isang baguhan, ano ka ba?" Nagtanong si Chen Guo.

"Ha ha, ah ganon pala." Tawa ni Ye Xiu.

"Huwag mo nang ipagkait pa. Hindi ka talaga nag-retiro. Sadyang hindi ka nakakuha ng pwesto, kaya tinanggal ka 'di ba?" Sabi ni Chen Guo.

Natameme si Ye Xiu.

"Walang personalan, ah..." Napagtanto ni Chen Guo na bahagyang masakit ang kanyang mga sinabi.

"Okay lang 'yun." Napabuntong-hininga na lamang si Ye Xiu.

"Huwag ka panghinaan ng loob. Hindi naman ganun katanda ang 25 na taong gulang. Kung palaging kang mag-eensayo, siguro. Maaaring makabalik ka pa," Sabi ni Chen Guo.

"Iyan nga ang plano kong gawin." Napangiti si Ye Xiu.

"Kung mangyayayari ang araw na 'yon, may hihingiin akong pabor sa iyo." Sabi ni Chen Guo.

"Ano 'yon?"

"Pahingi ako ng pirma mo." Sabi ni Chen Guo.

"Bakit kailangan mo pang hintayin ang mga araw na iyon? Pwede namang bigyan na kita ng pirma ngayon!"

"Walang-hiya! Sinong may gusto ng pirma mo? Gusto ko lang ng pirma mula sa iniidolo ko." Tugon ni Chen Guo.

"Oh? Sino?"

"Si Mucheng pati na si Ye Qiu. Pero baka mahirapan kang kunin ang pirma ni Ye Qiu. Mahilig magtago ang taong 'yon." Sabi ni Chen Guo.

"Ah ganoon ba?" Halos mapaiyak si Ye Xiu. Ate, kaharap mo't nakikipag-usap sa iyo ngayon si Ye Qiu!

"Yup. Kaso halos hindi siya nagpapakita sa publiko. Kahit na isa kang baguhan, hindi ko inakala na talagang hindi ka nakikisama, pati ba naman si Ye Qiu ay hindi mo kilala?" Sabi ni Chen Guo.

"Alam ko. Siyempre alam ko. May sasabihin ako sa iyong sekreto. Sa katunayan, ako si Ye Qiu." Sabi ni Ye Xiu.

"Talaga? May sasabihin din pala ako sa iyong sekreto. Sa totoo lang, ako si Su Mucheng." Sagot ni Chen Guo.

"Ako talaga si Ye Qiu." Halos mapaiyak na sumagot si YeXiu..

"Ako talaga si Su MuCheng." Sumagot naman si Chen Guo.

"A..."

"Sige na, tigilan na natin ang lokohan. Patingin nga ng plano mo!" Winagayway ni Chen Guo ang kanyang kamay. Hindi na siya nagagalit sa mabagal at kalmadong galawan at pag-uugali ni Ye Xiu.

Ngunit nang bumalik ang kaniyang paningin sa screen ay hindi mapigilang sabihin ni Chen Guo na: "Kung may hindi ka naiintindihan, tanungin mo lang ako."

"Gusto ko lang pag-aralan muna saglit. Kukuha lang ako ng mga misyon para sa attributes at skills. Ang ibang mga misyon na may gantimpalang Experience o kagamitan, mas mabilis kung papasukin ko ang mga Instance Dungeons." Sabi ni Ye Xiu.

"Tama, ganiyan dapat mag-isip ang isang beterano! Kaso, hindi mo na kailangang aralin iyan. Pumunta ka sa huling pahina ng patnubay na 'yan!" Panukala ni Chen Guo.

"Oh?" Ibinaling ni Ye Xiu ang patnubay sa pinakahuling patnubay at doon niya nakita nakasulat ang mga plano niya sanang gawin.

Dahil dito ay nakaramdam siya ng matinding kahihiyan. Minsan na siyang tinaguriang isang manlalarong mala-Diyos ang karanasan, karunungan at kagitingan.

Pero ngayon ay hawak-hawak niya't pinag-aaralan ang isang patnubay na para sa mga baguhan. Papaanong hindi siya makakaramdam ng matinding kahihiyan?

Bumuhos ang luha mula sa kaniyang mga mata.