Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 7 - Nakaranas ka na ng Kasawian Dati

Chapter 7 - Nakaranas ka na ng Kasawian Dati

"Anong ginawa ko?"

Hindi makapagsalita si Zhang Xuan nang makitang galit na galit si Yao Han.

Ganoon pa man, naintindihan niyang natural lamang na mag-isip ng masama ang ibang tao tungkol sa kanya. Kung sabagay, kahit hindi niya tinuruan si Zhao Ya sa kanyang cultivation, napapayag niya ang dalaga na maging estudyante niya at namumula pa ang dalaga sa tuwing mababanggit ang tungkol dito. Higit pa rito, may nakitang basag na Record Crystal sa sahig. Hindi maikakailang isa iyong act ng pagsira ng ebidensya...

Pinatutunayan lamang nito na may mali sa mga nangyayari.

Agad na nabansagan si Zhang Xuan na weird uncle, manyakis, walang hiyang teacher at kung anu-ano pa.

"Uncle Yao, ano bang iniisip mo? Kung ipagpapatuloy mo ang inaasal mo na yan, hindi na kita papansinin kahit kalian!"

Sa itsura pa at pananalita pa lang ni Yao Han, paanong hindi niya malalaman kung ano ang iniisip nito? Nagdilim ang kanyang mukha at nagsalita.

Kung sabagay, isa siyang dalaga. Masisira ang reputasyon niya kapag kumalat ang ganitong klaseng balita.

"Young mistress..."

Dahil pinigilan siya ni Zhao Ya, wala nang magawa si Yao Han kundi tumigil.

"Tara na, samahan mo akong kunin ang mga gamit ko, huwag na tayong magtagal pa dito, may klase pa ako bukas." Ang sabi ni Zhao Ya at sabay lakad palabas ng silid.

Hindi niya gustong pag-usapan ang tungkol sa kanyang sakit. Kung sasabihin niya kay Yao Han ang tungkol dito, siguradong pipilitin siya nitong pag-usapan ito. Sa ganitong sitwasyon, paano naman niya gugustuhing pag-usapan ang tungkol dito?

Kaya naman, noong hindi na niya alam kung ano ang idadahilan niya, sinabi na lang niyang kusang loob niyang pinili si Zhang Xuan bilang teacher niya.

"Hmph!"

Nang makitang paalis na ang dalaga, tumingin ng masama si Yao Han kay Zhang Xuan, na parang may malalim na iniisip. Pagkatapos nito, kasabay ng paghawi ng kanyang kamay, tumalikod si Yao Han at lumabas na din ng silid.

Sa mga sandaling iyon, ang pagnanais ni Yao Han na patayin si Zhang Xuan ay nanatili sa kanyang isipan. Kung wala sila sa akademya at hindi siya pinigilan ni Zhao Ya, siguro ay noon pa niya ginawa ito.

"Sino naman ang nagalit sakin ngayon..."

Habang tinitignan niya si Yao Han na nakatingin ng masama sa kanya, nabalisa at napaisip si Zhang Xuan.

[Tinanggap ko lang ang isang estudyante, bakit kailangan niyang magalit ng ganoon...

Parang pinapalabas niya na isa akong kawatan na pinagmulan ng lahat ng kasamaan sa mundong ito.]

Ang problema... wala naman talaga siyang ginawa na kahit ano!

"Kalimutan ko na ngayon, may oras pang natitira. Susubukan kong makakuha ng iba pang estudyante! Kapag mas marami akong estudyanteng tinuturuan, mas marami akong makukuhang mga kagamitan!"

Maraming iba't ibang antas ang mga teacher sa Hongtian Academy. Taon-taon, nagkakaroon ng pagsusuri ang mga guro base sa kondisyon ng kanilang mga estudyante. Ang bilang ng estudyante na mayroon sila, ang bilis ng kanilang paghusay, at ang kanilang resulta sa iba't ibang kompetisyon... Dito nakasalalay ang pagtaas ng antas ng isang guro.

Kapag mas mataas ang antas ng isang guro, mas marami ang mga kagamitan na maaari niyang matanggap. Ganito din ang matatanggap na kagamitan ng kanilang mga estudyante.

Ito marahil ang ibig sabihin ng magkasamang pag-unlad ng teacher at estudyante.

Sa ngayon, mayroon nang tatlong estudyante ni Zhang Xuan. Posibleng mapanatili niya ang pagiging isang guro niya, ngunit kung pag-uusapan ang tungkol sa kanyang katangian at kakayahan, siya pa rin ang pinaka huli sa buong paaralan!

Kinakailangan ni Zhang Xuan na magpatuloy sa pagkalap ng mga estudyante kung nais niyang umangat pa ang kanyang antas.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Zheng Yang, huwag ka masyadong malungkot! Si Wang Chao laoshi pa lang naman ang tumanggi sayo, hindi mo kailangang malungkot!"

Dalawang kabataan ang nag-uusap sa pasilyo ng akademya. Ang binata sa unahan ay sinusubukang pagaanin ang loob ng isa pang binata na kasunod niya.

"Mo Xiao, natanggap ka, syempre hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon. Paano kaya kung ikaw ang tinanggihan!" Sumimangot si Zheng Yang, hindi siya nasiyahan sa sinabi ng kanyang kaibigan.

"Ehem ehem, huwag mo naman sabihin iyan. Marami pa namang mahuhusay na guro sa akademya, sa dami ng mga guro dito hindi mo kinakailangang piliin si Wang Chao laoshi!"

Napakamot na lamang ng ulo ang binata sa unahan ni Zheng Yang dahil sa hiya.

"Walang dahilan para piliin ko siya? Madali lang para sayo na sabihin yan. Mula pa noong bata tayo, hinahasa na natin ang ating galing sa paggamit ng sibat at parang parte na rin ng mga katawan natin ang mga sibat natin. Ito ay isang bagay na hindi na natin maiaalis sa mga sarili natin. Ang pinakamahusay na guro sa paggamit ng sibat sa buong Hongtian Academy ay si Wang Chao laoshi. Ngayong natanggap ka niya at ako nama'y hindi, sa tingin mo ba maiiwasan kong malungkot?"

Nagalit si Zheng Yang.

"Hindi iyan ang ibig kong maramdaman mo..." Hindi malaman ni Mo Xiao kung ano ang isasagot niya sa tanong ng kanyang kaibigan.

Sa Hongtian Academy, may iba't ibang larangan ng kahusayan ang mga guro. Ang iba sa kanila ay bihasa sa larangan ng paggamit ng mga suntok habang ang iba naman ay bihasa sa larangan ng paggamit ng espada. . . Si Wang Chao laoshi ay kilala sa kakayahan niya sa pagtuturo ng paggamit ng sibat. Siya ay itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na guro sa buong akademya.

Sabay na kumuha ng pagsusulit si Mo Xiao at Zheng Yang sa pag-asang maging mga estudyante sila ni Wang Chao. Subalit, isa lamang sa kanila ang nakapasa at ang isa naman ay bumagsak sa pagsusulit. Natural lamang na maging malungkot ang isa sa kanila.

"Hmm, may silid aralan banda roon. Tara puntahan natin iyon!

Dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin para mapagaan ang kalooban na kaibigan niya, itinuro ni Mo Xiao ang isang silid aralan na hindi kalayuan sa kinatatayuan nila.

"Hindi ako sasama. . ." Umiling si Zheng Yang.

"Tara punta tayo doon at tignan natin kung ano ang mayroon doon. Malay natin baka sakaling bihasa din sa pagtuturo ng paggamit ng sibat ang guro doon, di ba?" Ang pag-anyaya ni8 Mo Xiao sa kaibigan. "Wala namang mawawala sayo kung sisilip tayo doon!"

"Sige na nga!" Kahit na ayaw niya, sumama pa rin si Zheng Yang kay Mo Xiao papasok ng silid.

Ang taong nasa loob ng silid ay si Zhang Xuan. Palabas pa lamang siya ng kanyang silid upang maghanap ng iba pang estudyante nang makita niya ang dalawang magkaibigan.

"Ikinalulugod kong makilala ka, guro!" Pagbati ni Mo Xiao.

"Un!" Bahagyang iminulat ni Zhang Xuan ang kanyang mga mata. "Naghahanap ba kayo ng magiging guro niyo?"

"Opo, siya po ang aking kaibigan. Siya po ay napakahusay, lalo na po sa paggamit ng sibat. Kakaunti lamang ang may kayang tumapat sa kanya. Sana ay magabayan mo siya guro!" Ang mabilis na sinabi ni Mo Xiao.

"Mo Xiao. . ." Hinila ni Zheng Yang ang damit ng kanyang kaibigan.

"Ano ba yun?" Ang tanong ni Mo Xiao.

"Tumingin ka sa paligid. . ."

Napasimangot si Zheng Yang.

Napaka sikip ng silid aralan na ito. Kung titignang mabuti, halos sampung katao lamang ang magkakasya dito. Kitang kita na napakaliit ng silid aralan na ito.

Ang lawak at laki ng silid aralan ay sumasalamin sa kakayahan ng guro. Ang mga guro na mataas ang ranggo ay may mga silid aralan na halos kasing laki at kasing lawak ng isang palayan, kasya dito ang halos isang-daang estudyante na nag-aaral at nag-eensayo ng sabay-sabay. Kung ikukumpara ito sa mga silid aralan ng mga mahuhusay na guro, ang silid aralan na kinatatayuan nila ngayon ay kasing laki lamang ng palad ng tao. Ang guro ng silid aralan na ito ay siguradong pangkaraniwan lamang.

"Mukhang maliit nga ang silid aralan na ito. . ." Napansin ni Mo Xiao ang laki ng silid aralan at kumabog ng malakas ang dibdib niya, 'ge deng!'.

Nais sana niyang mapagaan ang loob ng kanyang pinaka matalik na kaibigan. Pero, sa hindi inaasahan, napadpad sila sa ganitong klaseng lugar. Kung sakaling mababa nga ang kakayahan ng guro sa silid aralan na ito, maaaring bumigat at lumala pa ang nararamdaman na pagkabigo't kalungkutan ni Zheng Yang.

"Ipakita mo ang kakayahan mo sa paggamit ng sibat!"

Kalmadong nagsalita si Zhang Xuan, mistulang hindi niya napapansin ang pag-uusap ng dalawa.

"Tutal nandito na tayo, bakit hindi natin hayaan na turuan ka ng guro na ito kahit konti, wala namang mawawala sayo. Kung talagang wala siyang kakayahan, pwede naman nating tanggihan siya at umalis!" Ang paghihikayat ni Mo Xiao sa nag-aalangang si Zheng Yang.

"Un!" Sumang-ayon si Zheng Yang.

Maliban sa ilang mga sikat na guro na kadalasang pinipili ng mga estudyante, kapag ang guro ang pumili ng kanyang magiging estudyante, maaaring obserbahan ng estudyante ang kakayahan ng isang guro upang makapagdesisyon ito kung tatanggapin ba ang guro o hindi.

Pagkatapos niyang pag-isipan ng mabuti ang gagawin, nagmadali si Zheng Yang na kunin at buuhin ang sibat na nasa kanyang likod.

Weng!

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zheng Yang nang mahawakan na ang kanyang sibat, para bang katulad ng isang patalim na napakatalas.

Sou sou sou sou!

Sumugod siya gamit ng kanyang sibat at nagpakawala ng isang malakas na tunog. Nayanig ang buong silid na parang bang mapupunit ito at umihip ng malakas ang hangin sa paligid.

Madaling malaman kung sino ang eksperto sa oras na kumilos sila. Si Zheng Yang, hindi man siya maituturing na napakalakas, kitang-kita naman ang galling niya sa paggamit ng sibat.

Hu!

Tumama ang kanyang sibat sa haligi na hindi kalayuan sa kanila. Patuloy ang pag-ihip ng hangin at lumitaw ang mga numero sa haligi.

"110!"

Nakamamanghang humigit pa sa isang-daang kilo ang kanyang pwersa!

Sa lakas pa lamang ng kanyang pwersa, kahit ang isang 1 – dan Fighter Juxi realm pinnacle ay hindi kakayaning saluhin ang kanyang atake!

"Guro, pakiusap bigyan mo ako ng mga payo!"

Habang hawak niya ang kanyang sibat sa tabi niya, tumayo ng tuwid si Zheng Yang ng walang kaba at pagod na naramdaman, at tumingin siya kay Zhang Xuan.

Yung totoo, kung titignan ang laki ng silid aralan, hindi umaasa si Zheng Yang na magagabayan siya ng guro na kaharap niya. Inisip niyang pangkaraniwan lamang ang kakayahan ni Zhang Xuan.

Parang bang napatunayan ni Zheng Yang ang kanyang iniisip nang makitang bahagyang napapikit si Zhang Xuan. Mahirap malaman kung ano ang kanyang iniisip. Dahan dahan lamang niyang iminulat ang kanyang mga mata nang marinig ang mga sinabi ni Zheng Yang. Lumingon si Zhang Xuan at tumingin kay Zheng Yang na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Ikaw ay may emosyonal na pinagdadaanan? Ikaw ay. . . minsan nang nakaranas ng kasawian dati?"

Matapos mag-isip ng mabuti, nagmadali si Zheng Yang na kunin sa likod niya ang kanyang sibat at pinagdugtong ang mga parte nito.

TL: Kung sakaling nalilito kayo sa parteng ito, ito ay marahil mayroong 3 parte ang isang sibat (Masyadong mahaba ang isang sibat. Ito ay kadalasang mas mataas kaysa sa isang tao, kaya mahirap itong dalhin kung saan-saan).