Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 56 - Napaliligiran (2)

Chapter 56 - Napaliligiran (2)

"Mukhang hindi siya mahina. Kaya pala masyado siyang mayabang!"

Nang makitang tumalsik su Number Four sa isang tulak, nqnigas saglit su Master Mo Yang bago mas nagung mabangis ang kanyang ekspresyon. Matikas na iwinagayway ang kanyang kamay, na tila siya ang may kontrol sa buong sitwasyon, ang sabi niya, "Subalit, hanggang dito na lang ang swerte mo!"

Matapos nito, lumingon siya a tindero ng artifact s gilid at sinabing, "Tapusin mo agad. Mat mga bagay pa tayong dapat asikasuhin!"

"Un!"

Tumango ang tindero ng artifact at sumugod.

Boom!

Bago pa siya umatake, naglabas na agad siya ng aura mula sa kanyang katawan. Ito'y katulad ng mga bundok at karagatan, hindi masusukat. Kung pipikit ang isang tao, mararamdaman nila na ang sampung acupoint sa kanyang katawan ay humihigop at naglalabas ng spiritwal na enerhiya, ang bawat isa nito ay maliwanag gaya ng mga bituin.

"Pixue realm expert?"

Napaatras si Zhang Xuan.

Sa Fighter 6-dan Pixue realm, maaaring magbukas ang isang tao ng kanyang acupoint sa kanyang katawan para humigop ng spiritwal na enerhiya mula sa mundo at palakasin ito para gamitin nila. Sa ganitong lebel ng cultivation, maging lakas o bilis man ito ng reaksyon, lubos na lalakas ito. Sa Hongtian Academy, ito ang lebel ng lakas na taglay ng isang elder!

Higit sa inaasahan na ang isang manloloko ay nagtataglay ng ganitong lakas.

"Takot ka ba? Kung ganon, lumuhod ka, humingi ng tawad at magbayad ka para sa kawalan namin! Kung hindi, kamatayan ang nag-aabang sa'yo!"

Nang makita ang pagkabigla ni Zhang Xuan, inakala niya na siya ay natakot sa kanyang lakas. Kung kaya't sa isang sigaw, lumapit siya, tulad ng isang Diyos na namamahala sa buhay at kamatayan.

"Lumuhod? Humingi ng tawad? Magbayad sa kawalan niyo?" Umiling si Zhang Xuan. "Hindi ako ganoon kalaya oara manghingi ng tawad at magbayad sa isang manloloko. Kung gusto niyo, pwede kayong lumuhod sa akin at magbayad sa akin dahil sa pag-atake niyo ngayon. Sa ganitong paraan, maaari kong mapag-isipan na plampasin kayo!"

"Anong sinabi mo?"

"Nababaliw na ba ang taong ito?"

Naghinala na si Master Mo Yang at ang tindero ng artifact na nababaliw na ang lalaking ito.

[Mas marami ang tao namin kaysa sa iyo. Higit pa rito, may mga Pixue realm expert sa aming panig. Ngunit, umaasa ka na kami ay luluhod sa isang kaawa-awang lalaking tulad mo?

Para saan ka nagpapakaastig?

Bukod pa rito, bayaran ka para sa pinsala sa pag-atake? Pwet mo may pinsala! Ang ulo ng aming Number Four ay nakabaon pa rin sa lupa. Kung oag-uusapan natin ang ating mga kawalan, mas malaki ang sa amin diba?]

"Huwag niyo na siyang kausapin, patayin niyo na lang siya!"

Sumenyas si Master Mo Yang.

"Un!" Tumango ang tindero ng artifact. Naglabas siya ng pwersa sa talampakan ng kanyang paa, sumugod siya kay Zhang Xuan na bukas ang kanyang mga daliri na hugis ng isang palad.

Huhu!

Bago pa siya makalapit, ang pagkaluskos ng hangin ay maririnig, parang may isang agilang nanghuhuli ng isang kuneho. Nagbigay ito ng nakakatakot na pakiramdam sa iba, isang matinding pwersa na hindi nila maintindihan.

"Iyon ang battle technique ni Number Two, ang [Sparing Eagle]!"

"Ang battle technique na ito ay itinuturing na isa sa nakatataas sa mga mortal intermediate tier. Hindi ba sayang lang kung gagamitin ito sa isang batang katulad niya?"

"Hehe, hindi ito sayang. Nagawa ng batang ito na patalsikin si Number Four gamit lamang ang isang palad niya. Pinapakita nito na siya ay magaling din. Subalit, hanggang dito na lang ang kanyang swerte, ngayong kaharap na niya ang Soaring Eagle ni Number Two!"

Nang makita ang tindero ng artifact na nagsasagawa ng isang kahqnga-hangang technique, tumango ang madla sa pagsang-ayon.

Ang Soaring Eagle ay naa unahan ng mga mortal intermediate tier battle technique. Sa oras na ito ay isagawa, maglalabas ito ng isang malakas na aura, katulad ng isang agilang nanghuhuli ng isang kuneho, nagbibigay ng impresyon sa kanyang kalaban ng mga bundok at karagatan, patk ang pakiramdam ng kawalang pag-asa sa harap ng isang kakaibang lakas.

Kahit na ang kaharap nito ay ang pinuno nilang si Master Mo Yang, kakailanganin niyang umattas upang maiwasang harao-harapan niya itong harapin.

"Soaring Eagle?"

Sa oras na ginawa ng kalaban niya ang batyle technique, isang manual ang lumitaw sa utak ni Zhang Xuan at nakasulat dito ang kahinaan at kasaysayan nitong tindero ng artifact.

Nang suriin ito gamit ng kanyang kamalayan, itinatak ito ni Zhang Xuan sa kanyang isipan at biglaan, isang kakaibang ekspresyon ang lumitaw sa kanyang mukha.

Hu!

Dahil sa kakulangan ng oras, hindi niya napansin ito. Ang battle technique na ginawa ng tindero ng artifact ay nasa harap na niya.

Isang battle technique na nagbibigay kakayahan sa isang tao na higit na mailabas ang kanilang lakas, kaya nadadala sila sa mas mataas na lebel.

Bilang isang Pixue realm expert na nakapagbukas na ng sampung acupoint, ang tindero ng artifact ay hindi talaga mahina. Nagtataglay ng mortal intermediate-tier battle technique, naglalabas siya ng isang makapangyarihan at nakakatakot na aura.

"Mamatay ka na..."

Isang mabangis na ngiti ay lumitaw sa kanyang mukha na katulad ng liwanag ng isang bulaklak. Subalit, bago pa matapos lumago ang bulaklak, naningkit ang kanyang mata at narinig ang isang nanghihinang sigaw, "Ah..."

Isang masaklap na alulong ang umalingawngaw sa madilim na langit, tila parang dinurug ng pandurog ng bato ang taenga ng isang aso.

"Anong nangyari?"

Sa umpisa, akala ni Master Mo Yang at ng lahat na sa isang iglap ay madudurog si Zhang Xuan ng lakas ng Number Four. Subalit, hindi nila inasahan na masaklap ang kahihinatnan nito. Nang maalala ang pagkatalo ni Number Four, agad silang lumingon upang tingnan ang nasa harao nila na nagdulot ng pagkangiwi ng mukha nila, muntik nang himatayin sa pwesto nila.

Binalewala ng binata sa harap nila ang galing ng tindero ng artifact at sinipa ito sa kanyang dignidad bilang isang lalaki. Kacha, ang tunog ng itlog na nababasag na nagdulot ng pagkangiwi sa mukha ng lahat.

Sou!

Ilang sandali lang ay lumipad ang tindero ng artifact na parang isang bola, at sumalpok a isang pader sa malayo, na naghugis 大. Noong una, dapat ito'y maghuhugis na 太, ngunit mukhang malabo nang mangyari ito.

"Kamangha-mangha!"

Nang makita kung gaano lang niya kadaling sinipa palayo ang Pixue realm na tindero ng artifact habang umaatake, sumang-ayon si Zhang Xuan at tumango.

Kahit na ang kanyang katawan ay higit na malakas kaysa sa mga kalaban, magaling din ang kanyang mga kalaban sa pakikipaglaban at nagtataglay din sila ng kakaibang bilis. Kung lumaban si Zhang Xuan nang normal, kakailanganan niyang gumawa ng ibang paraan para mapatumba ito, pero kahit na, matatagalan pa siya bago niya magawa ito. Subalit, gamit ang Library of Heaven's Path, kaya niyang makita ang kahinaan ng kalaban. Kaya naging madali ang patumbahin ito. Sa isang sipa... lumipad ang ibon niya at nabasag ang kanyang itlog. Kahit na siya ay isang Pixue realm expert, muntik na siyang mamatay sa sipang iyon.

"May kakaiba sa batang ito. Sama-sama natin siyang atakihin!"

Nang makita na dinagukan ni Zhang Xuan si Number Four sa lupa at sinipa si Number Two sa puntong hindi na niya maramdaman ang kanyang ibaba, kahit gaano man kahangal si Master Mo Yang, naunawaan niya agad na ang lalaki sa kanyang harap ay hindi simple, at lalong nanlisik ang kanyang titig.

Hualala!

Nang marinig ang mga utos, kahit na pawis na pawis na ang mga ito at namamanhid na ang kanilang mga singit, hindi nila sinuway ang utos at sumugod upang paliguran si Zhang Xuan.

"Sugod!"

Sa isang sigaw, ang natitira ay agad na sumugod. Walang tigil nilang inatake ng lahat ng klase ng malalakas na atake si Zhang Xuan.

Ang kanilang zhenqi ay sumirit sa kanilang mga meridian at dumagundong ang kanilang mga suntok dahil sa kanilang pag-atake.

Gaya ng naunang Number Four, lahat sila ay mga Fighter 5-dan Dingli realm expert.

Kahit na pinagtutulungan nila si Zhang Xuan, dahil sa kanyang kakayahan na makita ang kahinaan ng iba at ang Pixue realm pinnacle na lebel ng kanyang galing sa pakikipaglaban, hindi man sila naging hadlang sa kanya.

"Parang may mali. Bakit ganito lang kaunti ang mga pag-atake?"

Habang sinasangga niya ang lahat ng mga atake nila sa kanya, may biglang pumasok sa isip ni Zhang Xuan, kaya siya ay napahinto saglit.

Ang tindero ng artifact, na pangalawa lamang sa kanila, ay nagtataglay ng lakas ng isang Pixue realm. Kung iisiping mabuti, ang pekeng si Master Mo Yang ay dapat na higit na malakas kaysa sa kanya. Subalit, bakit hindi siya umaatake kaama ng iba?

Kung aatake siya, mahihirapan si Zhang Xuan na umiwas sa mga atake...

Nang siya ay nalilito dahil sa pangyayari, may nakita siyang isang anino na tumakas na mga sampung metro ang layo. Sa gitna ng kanyang pagtakas, sumigaw siya, "Patayin niyo siya, babalik ako..."

"Ah?"

Nang marinig ang mga salitang iyon, nanginig ang mga umaatake.

Hindi na kailangan pabg pag-isipan ang nangyayari. Halata na na ang kanilang pinuno... nang maramdaman na lumalala na ang sitasyon, ay tumakas at iniwan sila...

"Walanghiya!"

Sumigaw si Zhang Xuan kasabay ng mga 'suporta'.

Kanina lang ay sumisigaw pa siya nang matapang. Ngunit saglit lang ay lumingon na siya para tumakas, iniwan niya ang kanyang mga kasama. Kaya pala nakatakas siya sa paghahabol ng Kaharian ng Liuzhu, talagang wala siyang kahihiyan para mahuli nang ganon kadali!