Isang transcender si Zhang Xuan, kaya papano niya malalaman na ang paggawa ng isang cultivation technique ay magdudulot ng pagkabigla at kaguluhan? At dahil dito, hindi niya maintindihan ang naging reaksyon ng kanyang mga estudyante. Kalmado niyang inilabas ang isa pang libro. "Liu Yang, ang librong ito ay isinulat ko base sa iyong kondisyon. Magcultivate ka ng naaayon dito, at ang iyong kanang kamay ay tuluyang gagaling sa loob ng kalahating buwan!"
Bago pa man sila makakibo, naglabas pa siya uli ng ilan pang mga libro at ipinamigay ito.
"Yuan Tao, magaling ka sa pagdepensa. Ang librong ibinigay ko sa iyo nung una ay ang pangunahin mong cultivation technique at ito namang iniabot ko sayo ngayon ay nakatuon upang pag-ibayuhin pa ang iyong depensa. Wang Ying at Zheng Yang, gumawa din ako ng libro base sa inyong mga natatanging kakayahan. Kapag nagsanay kayo nang naaayon dito, ang inyong cultivation ay lalong mapapadali!"
Dahil silang lahat ay kanyang mga estudyante, natural lang na hindi siya mamili ng papaburan. Kaya binigyan niya lahat ng mga ito ng regalo.
Ang mga cultivation technique na ito ay nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba't ibang libro na galing sa Compendium Pavilion gamit ang Library of Heaven's Path. Ginawa ang mga ito para lamang sa kanyang mga estudyante base sa kanilang mga kakayahan. May kaunti mang kakulangan ang mga ito, mas konti naman ang mga ito kumpara sa ibang mga libro.
"Ang mga librong ito..."
"Ang galing naman ng mga cultivation technique na 'to..."
...
Kahit na si Wang Ying, Liu Yang o si Zheng Yang pa ito, alam nila kung papano malalaman ang kahalagahan ng isang libro. Sa isang tingin pa lang sa mga librong ito na walang pangalan, lahat sila'y nanginig sa sobrang pagkabahala.
Ang mga librong ito ay masasabing ginawa lamang para sa kanila, at higit pa dun ay napakataas ng antas ng mga ito. Kung ihahambing ang mga librong nakuha nila kay Zhang Xuan sa mga pinagsasanayan nila noon, maituturing na basura ang mga ito; hindi nga maihahambing ang mga ito sa natanggap nila sa kanilang guro!
"Teacher, itong mga librong 'to… pwede naming pangalanan ang mga 'to?"
Hindi na mapigilan ni Wang Ying na magtanong.
"Sige lang, gawin niyo ang gusto niyo!"
Ikinumpas ni Zhang Xuan ang kanyang kamay.
"Ah..."
Nagtinginan ang mga magkakaklase, napatikom ang kanilang mga kamao.
Ang pagsulat ng isang cultivation technique ay isa nang maituturing na kahanga-hangang kakayahan. Pero, ang sumulat ng limang libro na para lamang sa kanila, at naayon sa kani-kanilang kakayahan, at ang kalayaan na pangalanan ang mga ito...
Grabe ang kakayahang ito at kabutihan ng loob!
Hindi pa ito nangyayari sa buong Hongtian Academy!
Ang puno't dulo ng lahat ng ito ay ang cultivation technique na ginawa ni Zhang Xuan na naaayon sa kani-kanilang mga pangangailangan.
Kahit na gaano kagaling at kalawak ang kaalaman ng isang tao sa cultivation, nangangailangan pa din nito na gumugol ng mahabang panahon para makagawa nito. Malamang ay hindi siya natulog para lamang magawa at matapos ang mga ito!
Hindi natulog ang kanilang guro upang magawa lamang ang mga cultivation technique na ito para lamang sa kanila, tapos pinagdudahan lang nila ang kakayahan ng kanilang guro kung magagabayan ba sila nito...
Ito'y masyadong...
Namugtong muli ang kanilang mga mata.
Ang kabutihang ito, ay katumbas ng pagbabago ng kanilang mga buhay!
"Maraming salamat po, teacher!"
Lumuhod silang lahat. Tumitig sila ng punong puno ng determinasyon kay Zhang Xuan na nakatayo sa kanilang harapan, "Zhang laoshi, huwag po kayong mag-alala. Ipinapangako namin na hindi namin ipagkakalat ang mga cultivation technique na ito sa labas. At kung sino man ang magkalat nito'y makakatanggap ng parusang manggagaling sa inyo!"
"Hindi ipagkakalat? Sige!"
.
Ang mga cultivation technique na ito na nagawa sa pamamagitan ng Library of Heaven's Path ay malayong malayo kung ikukumpara sa Heaven's Path Divine Art, kaya hindi nag-aalala si Zhang Xuan tungkol dito. At sa mga sandaling ito, pagkarinig niya sa sinabi ng mga estudyante niya, sinang-ayunan na lang niya ang mga ito.
"Ito ang kahulugan ng isang tunay na master!"
Pagkakitang parang walang pakialam si Zhang Xuan sa sitwasyon, ang mga estudyante ay kusang yumukod sa kanya.
[Ano ang isang master?
Ito yun!
Sino ang pinakamagaling?
Siya!
Ang maging maabilidad ngunit mapagkumbaba, mahirap unawain ngunit hindi matinag, pinapahiya ngunit kalmado sa harap ng iba't ibang sitwasyon...
Para magkaroon kami ng ganitong klaseng guro ay isa nang pagpapala!]
Hindi alam ni Zhang Xuan na sa mga oras na ito ay isa na siyang diyos para sa kanyang mga estudyante. Pagkatapos niyang utusan na magsimula na sila sa kani-kanilang pagsasanay, bakante na muli si Zhang Xuan.
Ang isang guro ay di dapat laging nakabantay sa kanyang mga estudyante, bagkus, ay dapat niyang hayaan ang mga ito na magsanay at matuto sa sarili nilang paraan. Ang isang guro ay dapat lamang na ginagabayan ang kanyang mga estudyante sa tamang landas na dapat nilang tahakin.
Ngayon at may kanya-kanya na silang cultivation technique, hangga't sila'y nagsasanay ng naaayon at tama, ay makakamtam nila ang magandang resulta.
...
Bakas ang pag-aalinlangan sa makinis na mukha ni Shen Bi Ru. Pero, habang naalala niya ang mga kagila-gilalas na bagay na ginawa ni Zhang Xuan kahapon, ay muling nanaig ang pagtuklas sa kanyang damdamin habang siya'y papunta sa klase ni Zhang Xuan.
Siya ang itinuturing na diyosa ng akademya, ang iniidolo ng lahat ng mga lalaking guro at estudyante. Araw-araw ay di mabilang na regalo at bulaklak ang kanyang natatanggap mula sa mga guro't estudyante. Pero kahit ganun, wala siyang pakialam sa mga Ito at hindi pa siya lumapit sa kapwa niya guro ng kabilang kasarian. Pero... naakit siya sa binatang punong-puno ng misteryo na nakilala lang niya kahapon, kaya wala siyang masabi sa pangyayari. Sa katunayan, di siya nakapagturo ng maayos ng dahil dito.
"Pupunta lang ako dun para ibuking siya... Wala nang ibang dahilan!"
Nang makahanap siya ng dahilan para sa sarili niya, huminga siya ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.
At kung tungkol naman kay Zhang Xuan laoshi, matagal na niyang kilala ito. Pero, dahil di naman siya nakikihalubilo sa kanya, wala siyang alam tungkol sa mga nangyari sa kanya. Pero, base sa mga paglalarawan ng iba sa kanya, tatlong salita ang pwedeng maglarawan sa kanya. Palpak! Palpak! At ang huli, palpak pa din!
Siya ay kilala bilang ang pinaka-walang kwentang guro sa buong akademya.
Ganun din ang pagkakakilala niya dito noon pa man. Pero, kahapon, nabago lahat ng iyon.
Kaya niyang maalala ang lahat ng laman ng isang libro sa pamamagitan lamang ng pagbuklat sa mga ito. Kahit na zero ang nakuha niyang score sa Teacher Qualification Examination, ay nakaisip siya ng madaming sagot sa isa sa mga katanungan na nakapaloob dito. Dahil lang sa pagkain, nalaman niyang isa din siyang gourmet. At higit sa lahat, nagawa niyang paamuhin ang isang Sky Shattering Lion ng ganun kadali...
Ang dating walang kwentang guro sa kanyang mga mata ay naging isang palaisipan. Hindi niya ito maintindihan kahit anong gawin niya.
"Kalimutan mo na nga yun, tigilan mo na ang pag-iisip tungkol dun. Ngayong araw na 'to, makakakuha ako ng sagot galing sa kanya..."
Paghinga niya ng malalim, iniangat niya ang kanyang mala-jade na mukha. At dun lang niya napagtanto na nasa labas na siya ng klase ni Zhang Xuan. Pero, bago pa man siya tuluyang pumasok sa silid, may napansin siyang isang taong nakabenda ang buong katawan na nakatayo sa labas ng silid.
Siya ay siYao Han na namomroblema.
Kahapon, pagkatapos niyang sigawan sa kanyang klase si Zhang Xuan, pinagalitan siya ni Zhao Ya nung nakabalik sila sa kanilang tahanan.
Pagkatapos nun, nang bumalik na siya sa kanyang silid kinagabihan, naalala niya ang pangyayari kaya nagalit siya.
Ang puno't dulo ng kaguluhan na ito ay ang basurang guro na si Zhang Xuan.
Kung hindi dahil sa ginawa niyang hindi maganda kay Zhao Ya, na naging dahilan upang siya ay mapasunod nito, papaanong namumula ang mukha ni Zhao Ya habang nagpupumilit siyang maging estudyante ni Zhang Xuan? Kung hindi dahil dun, hindi sana siya mabubugbog ng husto noong pinagbalakan niyang atakihin si Zhang Xuan noong nakaraang gabi.
Dahil sa hindi na niya mapakiusapan si Zhao Ya, ang kanyang naging intensyon ay isuplong ang pangyayaring ito sa city lord, para makagawa na siya ng paraan tungkol sa bagay na ito. Ngunit, ang Baiyu City ay napakalayo, at kahit ang pinakamabilis na kabayo ay aabutin ng kalahating buwan para lang magpabalik-balik mula dito. Kung aalis naman siya... Papano kung gumawa ng kahalayan ang gurong yun? Kung ganun, kahit na mamatay siya, mahirap para sa kanya na akuin ang kasalanan!
"Anong dapat kong gawin? Siguradong hindi matutuwa ang young mistress kapag basta na lang akong pumasok ngayon sa loob. Pero, kung di ko gagawin yun, baka mapahamak siya..."
At dahil dun, nakatayo lang sa labas ng silid si Yao Han sa loob ng mahabang oras, at naguguluhan.
"Sino ka?"
Habang siya'y namimili pa din kung anong gagawin niya, isang mala ibong tinig ang kanyang narinig. Pag-angat niya ng kanyang ulo, nakita niya ang isang magandang babae na nakatayo di kalayuan mula sa kanya at nagtatakang nakatingin sa kanya.
Ang magandang binibini ay nasa dalawampung taong gulang na. Nakasuot siya ng kulay lilak na kasuotan, na naipapakita ang magandang hubog ng kanyang katawan. Ang kanyang balat ay sing kinis ng gatas, kahit di siya gumalaw, napakaganda pa rin niya.
"Wala akong dahilan para magpakilala sayo!"
Kahit na anong mangyari, si Yao Han ay isang beterano na naranasan na ang malupit na katotohanan ng mundo. Kaya nakasagot siya agad at nagsungit.
[Isa ka lamang batang babae habang ako naman ay ang butler ng panginoon ng Baiyu City. Sino ka ba para sabihin ko sayo kung sino ako?
At isa pa… Paano ko masasabi kung sino ako sa kalagayan ko ngayon...]
"Ayaw mong magpakilala? Anong balak mong gawin dito at tinatakpan mo pa yang mukha mo?" Sumimangot ang magandang binibini. Gedeng, pumintig bigla ang kanyang dibdib at bigla siyang napaisip. "Itong taong 'to, hindi kaya... Inupahan siya ni Shang Bin para turuan si Zhang Xuan ng leksyon!"