"Nakahanap na ako ng dahilan para kumilos ang lolo ko. May estudyante si Cao Xiong laoshi na nagngangalang Liu Yang na sapilitang kinuha ni Zhang Xuan para maging estudyante. Nakapagpasa na siya ng kanyang apila para sa isang "Enlightenment Will Trial", na gaganapin bukas. Sa puntong yun, kapag kumilos ang aking lolo, madali na lang na tanggalan siya ng kanyang lisensya!"
Sinabi ito ni Shang Bin habang nagkakaskasan ang kanyang mga ngipin.
Ang panglolokong sinabi ni Cao Xiong ay naging sapilitan. Malaki ang pinagkaiba ng dalawang ito.
Ang panloloko ay nangangahulugang may problema ang taong ito sa kanyang pagkatao. Sa kabilang banda, ang pagpilit ay suliranin na ng moralidad.
"Sapilitan? Sigurado ka ba?" Nabigla si Elder Shang Chen.
"Sigurado po ako!" At sabay tungo ni Shang Bin bilang pagsiguro sa kanyang sinasabi.
"Kung gayon... Ganito na lang, bukas, aanyayahan ko si Elder Mo bilang maging saksi. At kapag ang resulta ng Enlightenment Will Trial ay nagpapakitang si Liu Yang nga ay napilitang maging estudyante ni Zhang Xuan, ay may posibilidad na matanggalan siya ng kanyang lisensya!" Pagkatapos magdalawang-isip ni Elder Shang Chen ay nasabi niya ang mga ito.
"Salamat po, lolo!" Bakas ang kagalakan sa mata ni Shang Bin.
Ang Teacher Guild ang lupon ng mga guro na pumoprotekta sa pagkakakilanlan ng isang guro at ang kanilang kwalipikasyon sa ganitong propesyon.
Ang samahang ito ay may karapatan na saliksikin ang bawat gawi ng mga guro, pati na din ang pagtangal sa kanilang lisensya. May ganito ding ahensya sa mundo noon ni Zhang Xuan na tinatawag na Ministry of Education.
Ang mga guro ay isang ehemplo sa mga estudyante. Para magabayan ang kanilang
estudyante sa kanilang tinatahak, kailangan muna nilang makuha ang tiwala ng mga ito, para sila ay kusang matuto mula sa kanilang mga guro. Kapag sila ay pinilit, at nawalan ng gana ang estudyante, posibleng mawalan ng lisensya ang guro.
At para malaman kung gusto ba ng estudyante ang kanyang guro, ang Enlightenment Will Trial ay ang pinakamabisang paraan para malaman ito.
"Sige magsaya ka lang, tingnan natin bukas kung kaya mo pang magyabang kapag nawalan ka na ng karapatan na magturo!"
Napatikom ang kamao ni Shang Bin at nakaramdam siya nga tuwa habang naiisip niya na makakaganti na siya sa lahat ng sama ng loob niya kay Zhang Xuan.
...…
Hindi alam ni Zhang Xuan na may nagbabalak na ng masama sa kanya. Pagkatapos ng isang gabing pahinga, nakaramdam siya ng sigla. Pagtingin niya sa salamin, napansin niya na pagkatapos niyang gamitin ang Heaven's Path Golden Body kahapon, naging mas maputi at mas makinis ang kanyang balat, na parang katulad ng isang sanggol. Wala man lang natirang peklat o kung anuman sa kanyang katawan. Higit sa lahat, lalo siyang bumata tingnan. Pwede pa siyang mapagkamalang estudyante ng mga taong di nakakakilala sa kanya.
"Hindi na masama!" Sabi niya, bago siya pumunta sa kanyang klase ng may malalaking hakbang. Pagdating niya sa silid, naabutan niyang nalinis na ang buong silid ng kanyang limang estudyante, at pati ang kanyang inuming tubig ay napakuluan na.
Masigla sina Wang Ying, Liu Yang, Zheng Yang, Zhao Ya at Yuan Tao. Lahat sila'y nakatitig kay Zhang Xuan ng may paggalang at kagalakan.
Noong una, pakiramdam ng mga estudyanteng 'to ay naloko sila na kilalanin ang taong ito na nakakuha ng pinakamababang marka sa Teacher Qualification Examination bilang kanilang guro. Ngunit, pagkatapos ng klase nila kahapon, napagtanto nila na kahit pangit ang kanyang reputasyon, siya ay, walang dudang, isang magaling na tao!
Ang pakiramdam na ito ay lalong makikita kay Wang Ying. Pagkatapos niyang ibahagi ang kanyang mga natutunan sa kanyang guro sa kanyang ama at mga elder ng kanilang pamilya, puno sila ng papuri kay Zhang Xuan. Sa katunayan, may mga parteng hindi maintindihan ng mga elder. Pagkatapos nito, pinilit nila si Wang Tao upang kilalanin nito si Zhang Xuan bilang kanyang guro. Dahil sa insidenteng ito, malinaw na may kakayahan siya bilang isang guro!
Paanong hindi matutuwa ang isang tao sa pagkakaroon ng ganitong klaseng guro?
"Un, mukhang nasa ayos na lahat ngayong araw. Zhao Ya, kunin mo 'tong halamang gamot, dikdikin mo ito ng pino at lunukin mo ito ng may kasamang tubig. Pagkatapos, ito ang isang cultvation technique na gawa ko. Kapag ito ang ginamit mong cultivation technique, ikaw ay gagaling sa loob ng tatlong araw!"
Nang makita niya ang ekspresyon sa mga mata nila, imposibleng hindi malaman ni Zhang Xuan ang mga iniisip nila. Tumango siya at pagkatapos ay ipinasa ang Frigid Sun Mother Grass, na binili niya kagabi, at ang isang libro kay Zhao Ya.
Ang karamdaman ni Zhao Ya ay dulot ng pagcultivate niya ng isang pure yin cultivation technique. Pagkatapos basahin ni Zhang Xuan ang lahat ng libro sa Compendium Pavilion, ginamit niya ang Library of Heaven's Path para makagawa ng solusyon sa problema ni Zhao ya. Kahit na hindi ito kasing husay ng Heaven's Path Divine Art, ito pa ay kinuha pa din sa lupon ng mga impormasyon mula sa iba't-ibang libro, at napaka-pambihira nito.
Ito'y may konting kakulangan, ngunit hindi naman ito nakakaapekto sa buong sitwasyon.
"Opo!" Kinuha ni Zhao Ya ang halamang gamot at niyakap ito bago silipin ang nilalaman ng libro. Napansin ni Zhao Ya na bagong sulat pa lamang ang aklat na ito. Pagkatapos silipin ang nilalaman nito, naningkit ang kanyang mga mata at napatingin siya kay Zhang Xuan ng may pagtataka. "Zhang laoshi, kahit baguhan lang ako, narinig ko na ang mga kilalang aklat ng akademya. Ang aklat na ito.. ay higit na mahusay kesa sa aking White Jade Pure Maiden Skill. Bakit... ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito? At higit sa lahat... bakit walang pangalan ang librong ito!"
Bilang anak ng isang city lord, si Zhao Ya ay may malaking koleksyon ng aklat sa kanyang tahanan. Nabasa na niya ang iba't-ibang lihim na kasulatan, na nakatulong sa kanya para maging mapanuri. Ang librong hawak niya ay malinaw na mas malakas kesa sa White Jade Pure Maiden Skill na kanyang pinag-aralan noon. Pero... bakit hindi niya alam ang tungkol dito?
Kapag mangongopya ng isang cultivation technique, dapat laging sinusulat ang pangalan ng gumawa ng librong ito. Ngunit, walang pagkakakilanlan ng sumulat nito ang makikita sa librong ito, kaya naguluhan si Zhao Ya.
"Ang librong ito'y ginawa ko base sa iyong pisikal na kondisyon, kaya wala pa akong maisip na panagalan para dito. Kung nahihirapan kang gamitin ito dahil dito, pwede mong bigyan ito ng pangalan!" Ang sabi ni Zhang Xuan.
Kinukuha ng Library of Heaven's Path ang tamang pamamaraan na nakapaloob sa mga lihim na kasulatan at pinagsasama-sama ito sa isang libro. Ang librong binuo ng library ay walang pangalan, at wala rin siyang pakialam kung meron ito o wala. Kaya, ibinigay niya ito kay Zhao Ya pagkatapos niya itong kopyahin. Hindi niya inaasahan na tatanungin siya ni Zhao Ya tungkol dito, kaya sinagot niya ito ng walang pakundangan.
"Ano? Isinulat 'to ni... teacher? Ibig sabihin nito... gawa niyo po 'tong cultivation technique na 'to teacher?"
Hindi lang si Zhao Ya ang nabigla sa nalaman niya, lahat sila ay di makapaniwala at muntik na silang himatayin.
Kung sino man ang matagumpay na makagawa ng isang cultivation technique ay nasa grandmaster level na, mga bihasa na nakapag-iwan na ng marka sa kasaysayan! Para makagawa ng isang cultivation technique ang kanilang guro... At higit sa lahat, mataas ang antas ng nagawa niya, totoo ba 'to?
"Parang ganun na nga!"
Ang Library of Heaven's Path ay hindi maipaliwanag , at ang mga libro ay lumalabas na lang bigla. Kaya, hindi na mahalaga kung sabihin ni Zhang Xuan na siya ang gumawa o hindi. Tumango na lang habang hindi pinag-iisipan ang kanyang mga ginagawa.
"Ang galing..."
"Ang White Jade Pure Maiden Skill ay likha ng isang miyembro ng aming pamilya na isang Fighter 8-dan Zongshi realm expert. Para makagawa si teacher ng isang cultivation technique na mas mataas ang antas kumpara dito ng ganun kadali, gaano ba talaga siya kalakas?"
…
Pagkakitang umamin ito na siya ang gumawa nito, pakiramdam ng limang estudyante ay mabaaliw na sila.
Mula noong itinayo ang Hongtian Academy, iilan lamang ang matagumpay na nakagawa ng cultivation technique sa kasaysayan. At bawat isa sa kanila ay kahanga-hanga at maimpluwensyang tao. Pero, ang kanilang guro ay may kakayahang gawin din ito. Pakiramdam nila'y nakalutang ang kanilang ulo dahil sa paghanga nila sa kanilang guro.
[Higit sa lahat... Anong sinabi ni Zhang laoshi?
Sabi niya na kapag nahihirapan kang gamitin ito ng ganito, ikaw na ang magbigay ng pangalan dito...
Anong kalokohan to!]
Maraming pinagdadaanan ang bawat isang master upang makagawa sila ng kanilang cultivation technique. Kaya, para na nilang kayamanan kung ituring ito at pinapasa lang nila ito sa kanilang napiling disipulo!
Pero, pagkatapos niyang gumawa ng isang cultivation technique, hindi lamang ito iniregalo ni Zhang laoshi sa iba, kinatamaran pa niyang pangalanan ito, binigyan pa niya ng pahintulot ang mga estudyante niya para pangalanan ang mga ito...
Alam naman ng lahat na ang naaalala lamang ng mga sumunod na henerasyon ay ang pangalan ng nagpangalan ng skill na ito, at hindi ang gumawa nito.
[Para palampasin niya ang ganitong oportunidad para makapag-iwan ng marka sa kasaysayan, at hindi man lang siya nababahala tungkol dito...
Gaano ba kawalang halaga sa kanya ang karangalan? Wala nang hihigit pa sa kababaan ng loob niya!
Kaya pala nananatiling di kilala si Zhang laoshi kahit na siya'y isang maabilidad na tao, at dala pa niya ang titulong pinkawalangkwentang guro sa akademya. Hindi ko naisip na napaka-mapagkumbaba niya, isang taong tinitingnan ang katanyagan bilang dumi...]
"Zhang laoshi..."
Habang iniisip nila ito, namula ang mga mata ng limang estudyante. Masyado silang nadala kaya halos tumulo na ang luha mula sa kanilang mga mata.
"Anong problema niyong lahat?"
Pagkakitang nagbago ang inaasal ng kanyang mga estudyante at biglang namula ang mga mata nito, nalito si Zhang Xuan.
[Ang mga batang 'to, hindi kaya... sabay sabay silang nabaliw?]