Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 15 - Heaven's Path Divine Art

Chapter 15 - Heaven's Path Divine Art

Kung titignan mo, ang Hongtian Academy at ang iba pang mataas na sekta, ay posibleng wala ring god o saint cultivation technique. Isa pa, kung mayroon man sila nito, malamang nakatago yun sa loob ng sekta at kahit kailan ay hindi mapapasakamay ng isang normal na tao.

Ang gusto niyang mangyari ay makagawa siya ng ganung klase ng skill, para mas maging epektibo ang kanyang pagsasanay at mas mapabilis ang pagtaas ng lebel ng cultivation niya!

"Wala pala akong kahit anong 4-dan cultivation method. Magtitingin na lang sa Teacher Compendium Pavilion!"

Sa pagsasanay ng Hongtian Nine Dan Formula, makukuha lang ng cultivator ang secret manual para sa susunod na realm kapag nakalagpas na siya sa kasalukuyan niyang realm. Sa mga oras na 'to, ang cultivation method lang na mayroon siya ay para sa 3-dan pa lang. Hindi pa niya nakikita ang para sa 4-dan.

Paglabas niya, hindi nagtatagal mula nang lumubog ang araw at marami pa rin ang naglalakad sa daan.

Nagkulay pilak ang mga pasilyo ng akademya dahil sa liwanag ng buwan. Ang ilang magkasintahan ay nagyayakapan sa ilalim ng mga puno habang nagpapalitan ng matatamis na salita. Kahit na ganun, payapa pa rin ang paligid.

Hindi na nagpaabala pa si Zhang Xuan. Sa halip, nagmadali siya sa paglalakad at maya-maya pa, narating niya ang isang napakalaking pavilion.

Ang Compendium Pavilion ay nahahati sa dalawang sektor: guro at estudyante. Makikita sa loob nito ang iba't ibang klaseng secret manual at cultivation techniques. Isa ito sa pinakamahalagang lugar sa akademya.

"Elder Mo!"

Habang papalapit siya sa entrance, nagbigay galang siya sa isang matanda na nakaupo malapit sa pintuan.

Si Elder Mo ay isa sa mga tagapagbantay ng Compendium Pavilion. Walang nakakaalam kung anong realm na ang naabot niya, pero maraming nagsasabing isa siya sa pinaka malalakas sa buong akademya. Ngunit, dahil ilang taon na siyang hindi nakikipaglaban, walang nakasisiguro kung gaano ba talaga siya kalakas.

"Napadaan ka! Umabot ka na ng Fighter 4-dan?"

Lumingon si Elder Mo at hinaplos ang kanyang balbas.

"Swinerte lang ako!" Hindi itinago ni Zhang Xuan na nakaabot na siya sa Fighter 4-dan.

"Magaling, magaling. Magsanay ka pang mabuti, kailangan ng akademya ang mga batang katulad mo!" Tumango si Elder Mo.

"Opo!" Nanahimik na lang si Zhang Xuan at naglakad papasok ng silid.

Nang makaalis na siya, umiling si Elder Mo at sinabing, "Mabuti siyang bata, yun nga lang wala siyang gaanong talento at mabagal pa ang cultivation niya!"

Ang ibang mga cultivator ay inabot ng dalawang taon para makalagpas sila sa Fighte 3-dan habang si Zhang Xuan ay inabot ng halos tatlong taon. Tunay ngang mas mababa ang talento niya kumpara sa iba.

"Ngayong umabot siya sa Fighter 4-dan, kung magsasanay siya ng maayos, posible pa ring maging isa siyang normal na guro. Sana nga lang, hindi siya makakuha ng mababang score sa Teacher Qualification Examination sa susunod na taon…"

Pagkatapos niyang magsalita, nanahimik na lamang si Elder Mo at pumikit na lang uli.

Si Zhang Xuan ay isa sa mga magagalang na guro sa akademya. Hindi naman talaga niya gusto si Zhang Xuan, pero hindi rin naman niya kinaaayawan 'to. Sadyang naisip niya lang na nakakalungkot na kulang siya sa talento.

Nagpatuloy na lamang si Zhang Xuan na pumasok sa Compendium Pavilion, at tila wala siyang kaalam-alam sa mga sinasabi ni Elder Mo.

Kahit na napakalaki na ng Compendium Pavilion ng Hongtian Academy, at kahit na hindi ito kayang higitan ng lugar kung saan siya nagtatrabaho dati, hindi maikakailang mas maliit pa rin ito kaysa sa Library of Heaven's Path na nasa isipan niya.

Higit pa dito, hindi magkasing lebel ang dalawa.

Mabilis siyang naglakad papunta sa seksyon ng mga cultivation technique at pumunta sa ikaapat na hilera nito.

Nandito nga ang 4-dan cultivation technique ng Hongtian Nine Dan Formula.

Inabot niya ito at agad niya itong binasa.

Hu!

May lumitaw na secret manual sa isip niya. Binasa niya ito, halos katulad ito ng manual para sa 3-dan, mayroon din itong higit sa isang libong kahinaan at kamalian.

"May iba pang mga secret manual dito. Matignan ko nga lahat! "

Pagkatapos niyang maranasan ang makalagpas sa isang realm, hindi na inintindi ni Zhang Xuan ang mga kahinaan ng skill na ito at tumingin na lamang sa bookshelf sa harap niya.

Sa ikaapat na hilera ng bookshelf, makikita ang iba't ibang klase ng cultivation technique manuals. Ang mga ito ay puro mga cultivation technique para sa 4-dan at maraming nakasulat dito na mga paliwanag at gabay na iniwan ng mga nauna gumamit ng mga ito. Kung titignan ito halos umabot sa isang libo ang mga ito.

Kung naibang tao siya, siguradong malulula ang makakakita ng mga ito. Isa pa, maraming mga libro dito ang may mga nakalagay na mga sulat at gabay. Higit pa dito, ang ibang mga teorya ng cultivation technique ay halos puro magkakasalungat, kaya naman napakahirap malaman kung alin dito ang tama. Kung ang isang tao ay basta na lang magku-cultivate ng hindi masyadong pag-aaralan ang mga ito, posibleng magwala siya.

Ngunit, iba si Zhang Xuan. Dahil nasa kanya ang Library of Heaven's Path, kaya niyang malaman kung alin sa mga ito ang tama. Hindi siya nagdalawang isip na kumuha ng libro at basahin ito.

Hu!

May lumitaw na librong kagaya nito sa isipan niya.

Hindi tumigil si Zhang Xuan at kinuha ang kasunod na libro.

Hindi niya basta pinili o binasa ang mga ito. Sa halip, sinusubukan niyang paramihin ang mga libro sa Library of Heaven's Path, para makagawa siya ng isang mas epektibong cultivation method.

Hualala!

Pinuno ng tunog ng paglipat ng mga pahina ang buong silid.

"Mahina ang loob. Mainipin at hindi makatotohanan!"

Sumimangot si Elder Mo, nang marinig niya ang mga ito.

Dahil pinili ni Zhang Xuan na mag-cultivate gamit ang Hongtian Nine Dan Formula, hindi na dapat siya nag-iisip pa na gumamit ng iba pang skill. Dapat gamitin na lang niya ang oras niya para kopyahin ang formula para sa 4-dan, para mapag-aralan niya ito at makapagsanay na. Kahit na pwede niyang gamitin ang lakas ng ibang skill para mapunan ang kahinaan ng iba, kapag marami siyang iba't ibang bagay na binasa, masmadali siyang maiinip at magpapadalos-dalos. Sa huli, maliit na bagay na lang kung wala siyang mapapala sa ginagawa niya. Kung mamalasin, posibleng magwala siya at masira ang kanyang cultivation.

Tatlumpung taon na ang nakararaan, may isang henyo na biniyayaan ng kahahanga-hangang talento, inisip niyang mas nakahihigit siya kaysa sa iba kaya naman nagprisinta siyang suriin ang iba't ibang cultivation technique upang makagawa ng pinaka malakas na skill para sa sarili niya. Sa huli, dahil sa kababasa niya ng sobrang daming manual, hindi na siya sigurado sa daang kanyang tatahakin at nagwala ang kanyang cultivation. Nabaliw din siya dahil dito.

Ang pagiging ganid ay walang naidudulot na maganda!

Ito ang katotohanan at reyalidad.

Para magtagal siya ng tatlong taon bago makalagpas ng Zhenqi realm, malinaw ang antas ng kanyang talento. Sa taglay niyang talento, dapat ipagpatuloy na lang niya ang pag-cultivate ng 4-dan ng Hongtian Nine Dan Formula. Ngunit, mas pinili pa rin niyang magbasa ng iba pang mga manual. Naghahanap ba talaga siya ng gulo?

Sa isang tingin lang, makikitang isa siyang hindi siya makatotohanan mag-isip!

Naglaho ang kanyang paghanga kay Zhang Xuan.

"Nagpakitang gilas ka lang para lang mapansin ka ng lahat!"

Pagkatapos nun, napansin niyang binubuklat lang ni Zhang Xuan ang mga pahina ng libro nang hindi man lang iniintindi ang mga ito. Nagsalubong ang mga kilay ni Elder Mo at nakaramdam siya ng pagkainis kay Zhang Xuan.

Kung susuriing mabuti ang mga manual na ito, kahit na mukhang di ito makatotohanan, mayroon ka pa ring matutunan sa mga ito. Ngunit, ang taong ito ay mabilis lamang na binubuklat ang bawat pahina ng mga libro, sa bilis ng paglilipat niya ng pahina, kahit si Elder Mo ay hindi nagawang makita ang nilalaman ng mga pahina. Kung ganun, ano naman ang mapapala ng isang taong ngayon lang nakaabot sa Fighter 4-dan dito?

Ngayon, talagang nagpapakitang gilas lang siya para mapansin siya ng lahat!

"Ang kultura ng akademya ay unti-unti nang naglalaho, at lalong lumalala ito sa bawat henerasyong nagdaan!"

Pagkatapos niyang magsalita, pumikit siya, ayaw na niyang magpaabala sa taong iyon.

"Tapos na 'ko!"

Napakabilis ng kanyang pagbabasa. Nagawa niyang tapusin ang isang manual sa maikling oras lamang. Sa loob ng dalawang oras, natapos niyang basahin ang lahat ng mga cultivation manual at lumitaw ang halos isang libong libro na hango sa mga binasa niya sa Library of Heaven's Path.

"Oras na para umuwi!"

Dahil natapos na siya sa kanyang layunin, ngumit siya at naglakad palabas ng walang pag-aalinlangan.

"Hindi ka ba magsusulat ng kahit anong kasulatan?"

Nang makita niyang walang dala si Zhang Xuan paglabas niya ng silid, hindi napigilan ni Elder Mo na magtanong.

[Kahit na hindi siya makatotohanan mag-isip, sana naman kinopya niya ang secret manual, para mapag-aralan niya 'to pagbalik niya sa tinutuluyan niya. Para pumunta ka dito ng walang dala at umalis ka din ng walang dala, naglalaro ka lang ba talaga?]

"Okey lang po, nagtitingin lang po ako…"

Dahil hindi siya sigurado kung ano ang iniisip ni Elder Mo, ngumiti na lamang si Zhang Xuan at umalis.

"Nagtitingin lang? Kalokohan! Dapat siyang parusahan ng akademya! Paanong naging guro ang isang taong tulad niya!" Hinawi ni Elder Mo ang kanyang kamay sa sobrang galit.

Ang mga cultivation manual ay ang sentro at ang gumagabay sa mga cultivator kaya dapat itong galangin ng mga cultivator. Subalit, ang taong ito ay pumunta sa pavilion para lang magtingin at umalis agad pagkatapos buklatin ang mga manual. Hindi katanggap tanggap ang ginawa niya!

Mukhang kailangan niyang makipag-usap sa principal para maparusahan ang mga guro na sumisira sa kultura ng akademya.

Pagbalik niya sa kanyang tinutuluyan, Kumuha si Zhang Xuan ng panulat at papel at binuksan ang 4-dan manual ng Hongtian Nine Dan Formula para kopyahin ang mga tamang bahagi nito.

Pagkatapos ay kumuha siya ng isa pang libro at kinopya ang mga tamang bahagi nito.

Matapos niyang basahin ang ilan sa mga ito, kinuskos ni Zhang Xuan ang mga pisngi niya.

Lubhang napakahirap at nakakapagod ang pagbulatlat sa halos isang libong libro. Hindi ito kasing dali ng gaya sa iniisip niya.

Habang nag-iisip siya ng paraan para mapabilis ang gawain niya, biglang umigkas ang kanyang isipan.

Biglang nagusot ang mga libro sa Library of Heaven's Path at unti-unting nagsama-sama.

Weng!

Nagdikit dikit ang mga libro at naging iisang libro na lamang.

Walang nakasulat na pangalan sa libro. Binasa ni Zhang Xuan ang librong ito.

"Ito ang… Pinagsama-samang mga tamang bahagi ng mga secret manual na binasa ko? "

Pagkatapos niya itong basahin, namula ang mukha ni Zhang Xuan sa pananabik.

Noong una, namomroblema siya kung paano niya hahanapin ang tamang daan na dapat niyang sundin sa sobrang dami ng mga librong iyon. Maari itong tumagal at maging mahirap. Hindi niya inasahan na kusa itong aayusin ng library!

"Ano 'to… walang kahit isang mali sa librong 'to!"

Ang librong ito ay ang pinagsama-samang tamang bahagi ng cultivation at walang kahit isa mang mali dito.

Ang mga nilalaman nito ay hindi na ang Hongtian Nine Dan Formula o kahit na ano pa sa mga manual na naihalo dito. Masasabing ito ay isang bagay na hindi pa nakita ng kahit sino man.

"Tutal ito ang tamang paraan na pinili ng Library of Heaven's Path, tatawagin ko 'tong [Heaven's Path Divine Art]! "

Bigla siyang may naisip at nagpasya siya kung ano ang magiging pangalan ng manual.

Weng!

Tila nabasa nito ang iniisip niya, yumanig ang blankong cover nito at lumitaw ang apat na salita.

Heaven's Path Divine Art!