Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1480 - Spirit Jade Palace (4)

Chapter 1480 - Spirit Jade Palace (4)

Ang kapangyarihan ni Zi Jin ay hindi pa nakaklusong sa Purple Spirit ngunit nararamdaman

niya na ang taong nasa harapan niya ay nagtataglay ng matinding kapangyarihan.

Ngunit nang dahan-dahan nitong nilingon ang ulo at naliwanagan ang mapusyaw na mukha

nito ng liwanag mula sa buwan, ay biglang natigagal si Zi Jin.

Hindi maging sa kaniyang panaginip na sumagi sa kaniyang isipan na ang Senior na iyonsa

kaniyang harapan na mayroong hindi lubusang maarok na kapangyarihan ay nagtataglay ng

napakabatang hitsura.

[Paano nangyaring napakabata nito?]

Pagkagulat ang bumakas sa buong mukha ni Zi Jin.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Xie habang nakatingin kay Zi Jin na mayroong

kakatwang ekspresyon sa mukha, ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pagtatanong: "Isa ka bang

miyembro ng Spirit Jade Palace?"

[Isang gulat ang tumakbo sa buong katawan ni Zi Jin. Hindi niya inaasahan ang hitsura ng

kabilang partido. Anong dahilan at inilgtas siya nito? Dahil sa disipulo siya ng Spirit Jade

Palace?]

Nang maramdaman ang kaba ni Zi Jin, patuloy na nagsalita si Jun Wu Xie sa marahang boses:

"Huwag kang mag-alala, isa akong kaibigan at hindi kalaban ng Spirit Jade Palace.'

"Ang salita ng Senior ay hindi gaanong maliwanag sa akin. Maari bang ipaliwanag ng maigi ni

Senior sa akin?" Alam ni Zi Jin na hindi niya mapapantayan si Jun Wu Xie, at walang

pagkakataon para sa akniya na makatakas. Kaya naman, inayos niya ang sarili, at tumingala

upang masdan ang malamig na si Jun Wu Xie.

"Ang Spirit Jade Palace ay minsang kabilang sa Twelve Palaces ngunit ngayon ay

pinagdudusahan pang-aapi ng mga kabataan mula sa Twelve Palaces na sumasailalim pa sa

pagsasanay. Iniisip ko na hindi iyon maganda sa pakiramdam tama?" Iisang tono ng boses na

saad ni Jun Wu Xie, hindi nagmamadali sa pagsasalita.

Hindi mapigilan ni Zi Jin na mag-iba ang kulay ng kaniyang mukha, ang parehong kamay ay

mahigpit na napakapit sa damong nasa lupa.

"Galit ka?" Kalmadong minasdan ni Jun Wu Xie si Zi Jin sa mata nito na nagliliyab at dahan-

dahang nagsalita: "Minsang naghari sa kanilang lahat ngunit ngayon ay napabagsak sa estado

kung saan ang iyong mga kalaban ay patuloy na binubugbog ang nalulunod na aso. Hindi niyo

ba naisip maski minsan na maghiganti?"

Nagtagis ang bagang ni Zi Jin. Bagaman hindi niya dapat ito sinasabi sa isang estranghero,

ngunit bawat binitawang salita ni Jun Wu Xie ay tumusok sa bawat ugat niya.

"Sino ba ang ayaw maghiganti!? Hindi ikaw kami, paano mo nasabi na hindi sinubukan ng

Spirit Jade Palace na lumaban!? ngunit ang mga talipandas mula sa Twelve Palaces ay

sumusobra na!" Dahil sa naging pangyayari noon sa Spirit Jade Palace, ay malaki ang nawala sa

kanilang lakas. Ni hindi man lang sila nabigyan ng oras upang makahinga at magpagaling nang

pahirapan simulan silang pahirapan ng Twelve Palaces. Matapos ang ilang libong taon, ang

Spirit Jade Palace na minsang nagtamasa ng kabantugan ngayon ay wala na, tulad nga ng

sinabi ni Jun Wu Xie. Nang maglabasan ng palace ang mga tulad nilang disipulo ng Spirit Jade

Palace, ang kanilang Master ay palaging nagpapaalala sa kanila na ingatang huwag mahantad

ang tunay nilang pagkatao bilang kasapi ng Spirit Jade Palace, matindi ang takot na sila'y usigin

ng Twelve Palaces.

Sa pagkakataong iyon, si Zi Jin ay di-sinasadyang napadaan sa pagdarausan ng Battle of Deities

Grand Meet at sinusuri lamang ang lugar nang marinig niya ang isang tao na malakas na

nagsasalita ng pang-iinsulto na walang kaabog-abog tungkol sa kaniyang mga kapatid mula sa

Heavenly Peak Pavilion at hindi niya nagawang pigilang ang sarili.

"Ngayon, kung may pagkakataon para sa inyong lahat na magpataw ng paghihiganti sa inyong

mga kalaban, iyon ba ay makapagbibigay kasiyahan sa iyo?" Naupo si Jun Wu Xie habang

sinasabi iyon, ang tingin niya ay diretsong minasdan ang mata ni Zi Jin.

Nakita ni Zi Jin ang repleksyon niya sa malamig na pares ng mga matang iyon, napakalinaw.

"Sino ka bang talaga?" Biglang nakaramdam si Zi Jun na nanlamig ang katawan. Ang mga

matang iyon na may bahid ng matinding lamig.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay matulungan ko kayong makuha ang

inyong hangarin." Inayos ni Jun Wu Xie ang kaniyang sarili at itinaas ang kanang kamay. Sa

mga daliri nito sa kanang kamay, may isang pula at isang puting liwanag na nakapalibot.

Gulat na napatitig si Zi Jin sa dalawang kakaibang liwanag. Alam niya na ang pamilyar na

nagliliwanag na enerhiyang iyon. Iyon ang enerhiya mula sa spirit rings.

[Ngunit… Sa mundong ito, paanong nangyari na ang isang tao ay nagtataglay ng dalawang ring

spirits sa parehong pagakataon?]

[Iyon ay napakaimposible.]

"Ang Spirit Jade Palace… ay hindi… ay hindi tumatanggap ng mga panauhing lalaki…"

Napalunok si Zi Jin, matagal bago nauutal na sinabi iyon.

Bahagyang napataas ang kilay ni Jun Wu Xie at agad nitong kinuha ang munting kamay ni Zi Jin

upang ilagay iyon sa kaniyang dibdib!